ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߖߊߟߏ߯ߖ) - ߙߎ߬ߥߊ߯ߘߎ-ߕߊ߬ߙߑߖߡߊ ߝߊ߲ߓߊ ߓߟߏ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
21 : 25

۞ وَقَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ لِقَآءَنَا لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡنَا ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ أَوۡ نَرَىٰ رَبَّنَاۗ لَقَدِ ٱسۡتَكۡبَرُواْ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ وَعَتَوۡ عُتُوّٗا كَبِيرٗا

Nagsabi ang mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin: “Bakit kasi hindi pinababa sa amin ang mga anghel o [hindi] kami nakakikita sa Panginoon namin.” Talaga ngang nagmalaki sila sa mga sarili nila at nagpakasutil sila sa isang pagpapakasutil na malaki. info
التفاسير:

external-link copy
22 : 25

يَوۡمَ يَرَوۡنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ لَا بُشۡرَىٰ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُجۡرِمِينَ وَيَقُولُونَ حِجۡرٗا مَّحۡجُورٗا

Sa Araw na makikita nila ang mga anghel, walang balitang nakagagalak sa araw na iyon para sa mga salarin at magsasabi [ang mga anghel]: “[Ang balitang nakagagalak ay naging] isang hadlang na hinadlangan!” info
التفاسير:

external-link copy
23 : 25

وَقَدِمۡنَآ إِلَىٰ مَا عَمِلُواْ مِنۡ عَمَلٖ فَجَعَلۡنَٰهُ هَبَآءٗ مَّنثُورًا

Tutuon Kami sa anumang ginawa nila na gawain saka gagawa Kami rito na gaya ng alabok na ikinalat.[4] info

[4] Ibig sabihin: walang kabuluhan dahil sa kawalang-pananampalataya.

التفاسير:

external-link copy
24 : 25

أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ يَوۡمَئِذٍ خَيۡرٞ مُّسۡتَقَرّٗا وَأَحۡسَنُ مَقِيلٗا

Ang mga maninirahan sa Paraiso sa Araw na iyon ay higit na mabuti sa pagtitigilan at higit na maganda sa pahihingahan. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 25

وَيَوۡمَ تَشَقَّقُ ٱلسَّمَآءُ بِٱلۡغَمَٰمِ وَنُزِّلَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ تَنزِيلًا

[Banggitin] ang araw na magkakabiyak-biyak ang langit na may mga ulap at ibababa ang mga anghel sa [maramihang] pagbababa. info
التفاسير:

external-link copy
26 : 25

ٱلۡمُلۡكُ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡحَقُّ لِلرَّحۡمَٰنِۚ وَكَانَ يَوۡمًا عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ عَسِيرٗا

Ang paghahari, sa Araw na iyon, na totoo ay ukol sa Pinakamaawain. Iyon ay magiging isang Araw na mahirap laban sa mga tagatangging sumampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 25

وَيَوۡمَ يَعَضُّ ٱلظَّالِمُ عَلَىٰ يَدَيۡهِ يَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي ٱتَّخَذۡتُ مَعَ ٱلرَّسُولِ سَبِيلٗا

[Banggitin] ang araw na kakagat ang tagalabag sa katarungan sa mga kamay niya, na nagsasabi: “O kung sana ako ay tumahak kasama sa Sugo sa landas. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 25

يَٰوَيۡلَتَىٰ لَيۡتَنِي لَمۡ أَتَّخِذۡ فُلَانًا خَلِيلٗا

O kapighatian sa akin! Kung sana ako ay hindi gumawa kay Polano bilang matalik na kaibigan. info
التفاسير:

external-link copy
29 : 25

لَّقَدۡ أَضَلَّنِي عَنِ ٱلذِّكۡرِ بَعۡدَ إِذۡ جَآءَنِيۗ وَكَانَ ٱلشَّيۡطَٰنُ لِلۡإِنسَٰنِ خَذُولٗا

Talaga ngang nagligaw siya sa akin palayo sa pag-alaala matapos noong dumating ito sa akin. Laging ang demonyo para sa tao ay mapagkanulo.” info
التفاسير:

external-link copy
30 : 25

وَقَالَ ٱلرَّسُولُ يَٰرَبِّ إِنَّ قَوۡمِي ٱتَّخَذُواْ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ مَهۡجُورٗا

Nagsabi ang Sugo [sa Araw na iyon]: “O Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay gumawa sa Qur’ān na ito bilang isinasaisang-tabi.” info
التفاسير:

external-link copy
31 : 25

وَكَذَٰلِكَ جَعَلۡنَا لِكُلِّ نَبِيٍّ عَدُوّٗا مِّنَ ٱلۡمُجۡرِمِينَۗ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ هَادِيٗا وَنَصِيرٗا

Gayon Kami nagtalaga para sa bawat propeta ng isang kaaway kabilang sa mga salarin. Nakasapat ang Panginoon mo bilang Tagapagpatnubay at bilang Mapag-adya. info
التفاسير:

external-link copy
32 : 25

وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡلَا نُزِّلَ عَلَيۡهِ ٱلۡقُرۡءَانُ جُمۡلَةٗ وَٰحِدَةٗۚ كَذَٰلِكَ لِنُثَبِّتَ بِهِۦ فُؤَادَكَۖ وَرَتَّلۡنَٰهُ تَرۡتِيلٗا

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Bakit kasi hindi ibinaba sa kanya ang Qur’ān nang nag-iisang kabuuan?” [Ang pagbababang] gayon ay upang magpatatag Kami sa pamamagitan niyon sa puso mo. Bumigkas Kami nito nang [unti-unting] pagbigkas. info
التفاسير: