ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߖߊߟߏ߯ߖ) - ߙߎ߬ߥߊ߯ߘߎ-ߕߊ߬ߙߑߖߡߊ ߝߊ߲ߓߊ ߓߟߏ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
43 : 16

وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ إِلَّا رِجَالٗا نُّوحِيٓ إِلَيۡهِمۡۖ فَسۡـَٔلُوٓاْ أَهۡلَ ٱلذِّكۡرِ إِن كُنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ

Hindi Kami nagsugo bago mo pa kundi ng mga lalaking nagkakasi Kami sa kanila. Kaya magtanong kayo sa mga may paalaala kung kayo ay hindi nakaaalam. info
التفاسير:

external-link copy
44 : 16

بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَٱلزُّبُرِۗ وَأَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلذِّكۡرَ لِتُبَيِّنَ لِلنَّاسِ مَا نُزِّلَ إِلَيۡهِمۡ وَلَعَلَّهُمۡ يَتَفَكَّرُونَ

[Isinugo ang mga sugo] kalakip ng mga malinaw na patunay at mga kasulatan. Nagpababa Kami sa iyo ng paalaala upang maglinaw ka sa mga tao ng pinababa sa kanila at nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip. info
التفاسير:

external-link copy
45 : 16

أَفَأَمِنَ ٱلَّذِينَ مَكَرُواْ ٱلسَّيِّـَٔاتِ أَن يَخۡسِفَ ٱللَّهُ بِهِمُ ٱلۡأَرۡضَ أَوۡ يَأۡتِيَهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِنۡ حَيۡثُ لَا يَشۡعُرُونَ

Kaya natiwasay ba ang mga nagpakana ng mga gawang masagwa na baka magpalamon si Allāh sa kanila sa lupa, o pumunta sa kanila ang pagdurusa mula sa kung saan hindi nila nararamdaman, info
التفاسير:

external-link copy
46 : 16

أَوۡ يَأۡخُذَهُمۡ فِي تَقَلُّبِهِمۡ فَمَا هُم بِمُعۡجِزِينَ

o dumaklot Siya sa kanila habang nasa paggala-gala nila kaya hindi sila mga makalulusot, info
التفاسير:

external-link copy
47 : 16

أَوۡ يَأۡخُذَهُمۡ عَلَىٰ تَخَوُّفٖ فَإِنَّ رَبَّكُمۡ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٌ

o dumaklot Siya sa kanila habang nasa isang pangangamba-ngamba? Ngunit tunay na ang Panginoon ninyo ay talagang Mahabagin, Maawain. info
التفاسير:

external-link copy
48 : 16

أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَىٰ مَا خَلَقَ ٱللَّهُ مِن شَيۡءٖ يَتَفَيَّؤُاْ ظِلَٰلُهُۥ عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَٱلشَّمَآئِلِ سُجَّدٗا لِّلَّهِ وَهُمۡ دَٰخِرُونَ

Hindi ba sila nakakita sa mga nilikha ni Allāh na anuman? Humihilig ang mga anino ng mga iyon sa dakong kanan at sa mga dakong kaliwa, na mga nagpapatirapa kay Allāh habang ang mga iyon ay mga nagpapakaaba. info
التفاسير:

external-link copy
49 : 16

وَلِلَّهِۤ يَسۡجُدُۤ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ مِن دَآبَّةٖ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَهُمۡ لَا يَسۡتَكۡبِرُونَ

Kay Allāh nagpapatirapa ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa na gumagalaw na nilalang, at ang mga anghel habang sila ay hindi nagmamalaki. info
التفاسير:

external-link copy
50 : 16

يَخَافُونَ رَبَّهُم مِّن فَوۡقِهِمۡ وَيَفۡعَلُونَ مَا يُؤۡمَرُونَ۩

Nangangamba sila sa Panginoon nila mula sa itaas nila at gumagawa sila ng ipinag-uutos sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
51 : 16

۞ وَقَالَ ٱللَّهُ لَا تَتَّخِذُوٓاْ إِلَٰهَيۡنِ ٱثۡنَيۡنِۖ إِنَّمَا هُوَ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ فَإِيَّٰيَ فَٱرۡهَبُونِ

Nagsabi si Allāh: “Huwag kayong gumawa ng dalawang diyos; Siya ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya sa Akin ay mangilabot kayo.” info
التفاسير:

external-link copy
52 : 16

وَلَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَهُ ٱلدِّينُ وَاصِبًاۚ أَفَغَيۡرَ ٱللَّهِ تَتَّقُونَ

Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa at ukol sa Kanya ang pagtalima nang palagian. Kaya ba sa iba pa kay Allāh kayo nangingilag magkasala? info
التفاسير:

external-link copy
53 : 16

وَمَا بِكُم مِّن نِّعۡمَةٖ فَمِنَ ٱللَّهِۖ ثُمَّ إِذَا مَسَّكُمُ ٱلضُّرُّ فَإِلَيۡهِ تَجۡـَٔرُونَ

Ang anumang nasa inyo na biyaya ay mula kay Allāh. Pagkatapos kapag sumaling sa inyo ang kapinsalaan ay sa Kanya kayo lumuluhog. info
التفاسير:

external-link copy
54 : 16

ثُمَّ إِذَا كَشَفَ ٱلضُّرَّ عَنكُمۡ إِذَا فَرِيقٞ مِّنكُم بِرَبِّهِمۡ يُشۡرِكُونَ

Pagkatapos kapag pumawi Siya ng pinsala palayo sa inyo, biglang may isang pangkat kabilang sa inyo na sa Panginoon nila ay nagtatambal info
التفاسير: