ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߖߊߟߏ߯ߖ) - ߙߎ߬ߥߊ߯ߘߎ-ߕߊ߬ߙߑߖߡߊ ߝߊ߲ߓߊ ߓߟߏ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
35 : 13

۞ مَّثَلُ ٱلۡجَنَّةِ ٱلَّتِي وُعِدَ ٱلۡمُتَّقُونَۖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ أُكُلُهَا دَآئِمٞ وَظِلُّهَاۚ تِلۡكَ عُقۡبَى ٱلَّذِينَ ٱتَّقَواْۚ وَّعُقۡبَى ٱلۡكَٰفِرِينَ ٱلنَّارُ

Ang paglalarawan sa Paraiso na ipinangako sa mga tagapangilag magkasala ay dumadaloy mula sa ilalim nito ang mga ilog at ang mga bunga nito ay namamalagi at ang lilim nito. Iyon ay ang pinakakahihinatnan ng mga tagapangilag magkasala, at ang pinakakahihinatnan ng mga tagatangging sumampalataya ay ang Apoy. info
التفاسير:

external-link copy
36 : 13

وَٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ يَفۡرَحُونَ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَۖ وَمِنَ ٱلۡأَحۡزَابِ مَن يُنكِرُ بَعۡضَهُۥۚ قُلۡ إِنَّمَآ أُمِرۡتُ أَنۡ أَعۡبُدَ ٱللَّهَ وَلَآ أُشۡرِكَ بِهِۦٓۚ إِلَيۡهِ أَدۡعُواْ وَإِلَيۡهِ مَـَٔابِ

Ang mga binigyan Namin ng Kasulatan ay natutuwa [ang iba sa kanila] sa pinababa sa iyo, ngunit mayroon sa mga lapian na nagkakaila sa bahagi nito. Sabihin mo: “Inutusan lamang ako na sumamba kay Allāh at hindi magtambal sa Kanya. Sa Kanya ako dumadalangin at tungo sa Kanya ang uwian ko.” info
التفاسير:

external-link copy
37 : 13

وَكَذَٰلِكَ أَنزَلۡنَٰهُ حُكۡمًا عَرَبِيّٗاۚ وَلَئِنِ ٱتَّبَعۡتَ أَهۡوَآءَهُم بَعۡدَ مَا جَآءَكَ مِنَ ٱلۡعِلۡمِ مَا لَكَ مِنَ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا وَاقٖ

Gayon Kami nagpababa nito[4] bilang kahatulang [nasa wikang] Arabe. Talagang kung sumunod ka sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalaman, walang ukol sa iyo laban kay Allāh na anumang katangkilik ni tagasangga. info

[4] Ibig sabihi: nagpababa ng Qur’an.

التفاسير:

external-link copy
38 : 13

وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا رُسُلٗا مِّن قَبۡلِكَ وَجَعَلۡنَا لَهُمۡ أَزۡوَٰجٗا وَذُرِّيَّةٗۚ وَمَا كَانَ لِرَسُولٍ أَن يَأۡتِيَ بِـَٔايَةٍ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۗ لِكُلِّ أَجَلٖ كِتَابٞ

Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo bago mo pa at gumawa Kami para sa kanila ng mga maybahay at mga supling. Hindi naging ukol sa isang sugo na maghatid ng isang tanda malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Para sa bawat taning ay may pagtatakda [ni Allāh]. info
التفاسير:

external-link copy
39 : 13

يَمۡحُواْ ٱللَّهُ مَا يَشَآءُ وَيُثۡبِتُۖ وَعِندَهُۥٓ أُمُّ ٱلۡكِتَٰبِ

Nagpapawi si Allāh ng niloloob Niya at nagpapatibay Siya. Taglay Niya ang Ina ng Aklat.[5] info

[5] Ang Ina ng Aklat ay ang Tablerong Iniingatan, na sanggunian ng lahat ng iyon.

التفاسير:

external-link copy
40 : 13

وَإِن مَّا نُرِيَنَّكَ بَعۡضَ ٱلَّذِي نَعِدُهُمۡ أَوۡ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِنَّمَا عَلَيۡكَ ٱلۡبَلَٰغُ وَعَلَيۡنَا ٱلۡحِسَابُ

Kung magpapakita nga man Kami sa iyo ng ilan sa [pagdurusang] ipinangangako Namin sa kanila o babawi nga man Kami sa iyo, tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot at nasa Amin ang pagtutuos. info
التفاسير:

external-link copy
41 : 13

أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا نَأۡتِي ٱلۡأَرۡضَ نَنقُصُهَا مِنۡ أَطۡرَافِهَاۚ وَٱللَّهُ يَحۡكُمُ لَا مُعَقِّبَ لِحُكۡمِهِۦۚ وَهُوَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ

Hindi ba sila nakakita na tunay na Kami ay pumupunta sa lupa, na nagbabawas rito mula sa mga gilid nito? Si Allāh ay humahatol; walang tagapagpabago sa kahatulan Niya. Siya ay ang mabilis ang pagtutuos. info
التفاسير:

external-link copy
42 : 13

وَقَدۡ مَكَرَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَلِلَّهِ ٱلۡمَكۡرُ جَمِيعٗاۖ يَعۡلَمُ مَا تَكۡسِبُ كُلُّ نَفۡسٖۗ وَسَيَعۡلَمُ ٱلۡكُفَّٰرُ لِمَنۡ عُقۡبَى ٱلدَّارِ

Nagpakana nga ang mga bago pa nila[6] [laban sa mga propeta] ngunit sa kay Allāh ang pakana nang lahatan. Nakaaalam Siya sa nakakamit ng bawat kaluluwa. Malalaman ng mga tagatangging sumampalataya kung ukol kanino ang [magandang] pinakakahihinatnan sa tahanan. info

[6] Ibig sabihin: mga tagatangging sumampalataya.

التفاسير: