ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߟߊߘߛߏߣߍ߲" ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐߦߌߘߊ ߘߐ߫ ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߊ߯ߖߊߟߐߖ) ߘߐ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
7 : 54

خُشَّعًا أَبۡصَٰرُهُمۡ يَخۡرُجُونَ مِنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ كَأَنَّهُمۡ جَرَادٞ مُّنتَشِرٞ

Habang mga aba ang mga paningin nila, lalabas sila mula sa mga libingan na para bang sila sa pagtakbo nila tungo sa himpilan ng pagtutuos ay mga balang na kumakalat, info
التفاسير:

external-link copy
8 : 54

مُّهۡطِعِينَ إِلَى ٱلدَّاعِۖ يَقُولُ ٱلۡكَٰفِرُونَ هَٰذَا يَوۡمٌ عَسِرٞ

na mga nagmamadali patungo sa tagatawag tungo sa himpilang iyon. Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: Ang araw na ito ay isang araw na mahirap dahil sa taglay nito na katindihan at mga hilakbot. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 54

۞ كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ فَكَذَّبُواْ عَبۡدَنَا وَقَالُواْ مَجۡنُونٞ وَٱزۡدُجِرَ

Nagpasinungaling, bago ng mga tagapagpasinungaling na ito, sa paanyaya mo, O Sugo, ang mga kababayan ni Noe sapagkat nagpasinungaling sila sa lingkod Naming si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong nagpadala Kami sa kanya sa kanila. Nagsabi sila tungkol sa kanya na siya ay baliw. Bumulyaw sila sa kanya ng sarisaring panlalait, pang-iinsulto, at pagbabanta kapag hindi siya huminto sa pag-aanyaya sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 54

فَدَعَا رَبَّهُۥٓ أَنِّي مَغۡلُوبٞ فَٱنتَصِرۡ

Kaya dumalangin si Noe sa Panginoon niya, na nagsasabi: "Tunay na ang mga kababayan ko ay dumaig sa akin at hindi sila tumugon sa akin kaya mag-adya Ka laban sa kanila sa pamamagitan ng isang parusang pabababain Mo sa kanila." info
التفاسير:

external-link copy
11 : 54

فَفَتَحۡنَآ أَبۡوَٰبَ ٱلسَّمَآءِ بِمَآءٖ مُّنۡهَمِرٖ

Kaya nagbukas Kami ng mga pinto ng langit na may tubig na dumadaloy na nagkakasunuran. info
التفاسير:

external-link copy
12 : 54

وَفَجَّرۡنَا ٱلۡأَرۡضَ عُيُونٗا فَٱلۡتَقَى ٱلۡمَآءُ عَلَىٰٓ أَمۡرٖ قَدۡ قُدِرَ

Nagpabulwak Kami sa lupa kaya nagkaroon ng mga bukal na umaagos mula sa mga ito ang tubig, saka nagtagpo ang tubig na bumababa mula sa langit sa tubig na umaagos mula sa lupa ayon sa isang utos na itinakda ni Allāh sa kawalang-hanggan. Kaya nalunod ang lahat maliban sa sinumang iniligtas ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
13 : 54

وَحَمَلۡنَٰهُ عَلَىٰ ذَاتِ أَلۡوَٰحٖ وَدُسُرٖ

Nagdala Kami kay Noe sa isang daong na may mga tabla at mga pako, kaya nakapagligtas Kami sa kanya at sa sinumang kasama sa kanya mula sa pagkalunod. info
التفاسير:

external-link copy
14 : 54

تَجۡرِي بِأَعۡيُنِنَا جَزَآءٗ لِّمَن كَانَ كُفِرَ

Naglalayag ang daong na ito sa nagsasampalang mga alon ng na tubig ayon sa pagtingin mula sa Amin at pangangalaga bilang pag-aadya kay Noe na nagpasinungaling sa kanya ang mga kababayan niya at tumanggi silang sumampalataya sa inihatid niya sa kanila mula sa ganang kay Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
15 : 54

وَلَقَد تَّرَكۡنَٰهَآ ءَايَةٗ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ

Talaga ngang nag-iwan Kami ng parusang ito na ipinarusa Namin sa kanila bilang maisasaalang-alang at bilang pangaral, kaya may tagapagsaalang-alang kaya na magsasaalang-alang niyon? info
التفاسير:

external-link copy
16 : 54

فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ

Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko sa mga tagapagpasinungaling? Papaano naging ang pagbabala Ko ng pagpapahamak Ko sa kanila? info
التفاسير:

external-link copy
17 : 54

وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ

Talaga ngang nagpagaan Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala at pagkapangaral, kaya may tagapagsaalang-alang kaya sa nasaad dito na mga pagsasaalang-alang at mga pangaral? info
التفاسير:

external-link copy
18 : 54

كَذَّبَتۡ عَادٞ فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ

Nagpasinungaling ang [liping] `Ād kay Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kaya magnilay-nilay kayo, o mga mamamayan ng Makkah, kung papaano naging ang pagdurusang dulot Ko sa kanila at papaano naging ang pagbabala Ko sa iba pa sa kanila ng pagdurusa nila? info
التفاسير:

external-link copy
19 : 54

إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِيحٗا صَرۡصَرٗا فِي يَوۡمِ نَحۡسٖ مُّسۡتَمِرّٖ

Tunay na Kami ay nagpadala sa kanila ng isang hanging matindi na malamig sa isang araw na masama at sawing-palad na nagpatuloy sa kanila hanggang sa pagdating nila sa Impiyerno. info
التفاسير:

external-link copy
20 : 54

تَنزِعُ ٱلنَّاسَ كَأَنَّهُمۡ أَعۡجَازُ نَخۡلٖ مُّنقَعِرٖ

Bumubunot ito sa mga tao mula sa lupa at nagtatapon ito sa kanila para bumagsak sa mga ulo nila, na para bang sila ay mga katawan ng mga punong datiles na nabunot mula sa pinagtaniman nito. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 54

فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ

Kaya magnilay-nilay kayo, O mga mamamayan ng Makkah, kung papaano naging ang pagdurusang dulot Ko sa kanila at papaano naging ang pagbabala Ko sa iba pa sa kanila ng pagdurusa nila? info
التفاسير:

external-link copy
22 : 54

وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ

Talaga ngang nagpagaan Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala at pagkapangaral, kaya may tagapagsaalang-alang kaya sa nasaad dito na mga pagsasaalang-alang at mga pangaral? info
التفاسير:

external-link copy
23 : 54

كَذَّبَتۡ ثَمُودُ بِٱلنُّذُرِ

Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd sa ibinabala sa kanila ng sugo nilang si Ṣāliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. info
التفاسير:

external-link copy
24 : 54

فَقَالُوٓاْ أَبَشَرٗا مِّنَّا وَٰحِدٗا نَّتَّبِعُهُۥٓ إِنَّآ إِذٗا لَّفِي ضَلَٰلٖ وَسُعُرٍ

Kaya nagsabi sila habang mga nagmamasama: "Susunod ba kami sa isang tao kabilang sa lahi namin na nag-iisa? Tunay na kami, kung sumunod kami sa kanya sa kalagayang ito, ay talagang nasa isang kalayuan sa pagkatama, isang pagkalihis palayo rito, at nasa isang pagkahirap. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 54

أَءُلۡقِيَ ٱلذِّكۡرُ عَلَيۡهِ مِنۢ بَيۡنِنَا بَلۡ هُوَ كَذَّابٌ أَشِرٞ

PInababa ba sa kanya ang kasi samantalang siya ay nag-iisa, at itinangi siya rito higit sa amin sa kalahatan? Hindi; bagkus siya ay isang palasinungaling na nagmamayabang." info
التفاسير:

external-link copy
26 : 54

سَيَعۡلَمُونَ غَدٗا مَّنِ ٱلۡكَذَّابُ ٱلۡأَشِرُ

Makaaalam sila sa Araw ng Pagbangon kung sino ang palasinungaling na nagmamayabang, si Ṣāliḥ ba o sila? info
التفاسير:

external-link copy
27 : 54

إِنَّا مُرۡسِلُواْ ٱلنَّاقَةِ فِتۡنَةٗ لَّهُمۡ فَٱرۡتَقِبۡهُمۡ وَٱصۡطَبِرۡ

Tunay na Kami ay magpapalabas ng dumalagang kamelyo mula sa bato at magpapadala nito bilang pagsubok para sa kanila, kaya maghintay ka, o Ṣāliḥ, magmasid ka sa gagawin nila rito at sa gagawin sa kanila, at magtiis ka sa pananakit nila. info
التفاسير:
ߟߝߊߙߌ ߟߎ߫ ߢߊ߬ߕߣߐ ߘߏ߫ ߞߐߜߍ ߣߌ߲߬ ߞߊ߲߬:
• مشروعية الدعاء على الكافر المصرّ على كفره.
Ang pagkaisinasabatas ng pagdalangin laban sa tagatangging sumampalataya na nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya niya. info

• إهلاك المكذبين وإنجاء المؤمنين سُنَّة إلهية.
Ang pagpapahamak sa mga tagapagpasinungaling at ang pagliligtas sa mga mananampalataya ay isang makadiyos na kalakaran (sunnah). info

• تيسير القرآن للحفظ وللتذكر والاتعاظ.
Ang pagpapadali sa Qur'ān para sa pagsasaulo, pagsasaalaala, at pagkapangaral. info