ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߟߊߘߛߏߣߍ߲" ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐߦߌߘߊ ߘߐ߫ ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߊ߯ߖߊߟߐߖ) ߘߐ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
8 : 34

أَفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَم بِهِۦ جِنَّةُۢۗ بَلِ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ فِي ٱلۡعَذَابِ وَٱلضَّلَٰلِ ٱلۡبَعِيدِ

Nagsabi sila: Lumikha-likha kaya ang lalaking ito laban kay Allāh ng isang kasinungalingan saka nag-angkin siya ng inaangkin niya na pagkabuhay na muli natin matapos ng kamatayan natin, o siya ay isang baliw na nagpapatnubay sa pamamagitan ng walang reyalidad? Ang usapin ay hindi gaya ng inaangkin ng mga ito, bagkus ang mangyayari ay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay nasa pagdurusang matindi sa Araw ng Pagbangon at nasa pagkaligaw na malayo sa katotohanan sa Mundo. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 34

أَفَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَىٰ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِن نَّشَأۡ نَخۡسِفۡ بِهِمُ ٱلۡأَرۡضَ أَوۡ نُسۡقِطۡ عَلَيۡهِمۡ كِسَفٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّكُلِّ عَبۡدٖ مُّنِيبٖ

Kaya hindi ba nakakikita ang mga tagapasinungaling na ito sa pagkabuhay na muli sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila na lupa at anumang nasa likuran nila na langit? Kung loloobin Namin ang pagpapalamon [sa kanila] sa lupa mula sa ilalim ng mga paa nila ay magpapalamon Kami sa kanila mula sa ilalim nila. Kung loloobin Namin na magpabagsak Kami sa kanila ng mga piraso mula sa langit ay talaga sanang nagpabagsak Kami ng mga ito sa kanila. Tunay na sa gayon ay talagang may palatandaang tiyakan para sa bawat lingkod na madalas ang pagbabalik sa pagtalima sa Panginoon niya, na ipinapampatunay iyon sa kakayahan ni Allāh sapagkat ang nakakakaya roon ay nakakakaya sa pagbubuhay na muli sa inyo matapos ng kamatayan ninyo at paggugutay-gutay ng mga katawan ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 34

۞ وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا دَاوُۥدَ مِنَّا فَضۡلٗاۖ يَٰجِبَالُ أَوِّبِي مَعَهُۥ وَٱلطَّيۡرَۖ وَأَلَنَّا لَهُ ٱلۡحَدِيدَ

Talaga ngang nagbigay Kami kay David – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – mula sa Amin ng isang pagkapropeta at isang paghahari at nagsabi Kami sa mga bundok: "O mga bundok, magluwalhati kayo kasama kay David." Ganito rin Kami nagsabi sa mga ibon. Ginawa Naming malambot para sa kanya ang bakal upang yumari siya mula rito ng anumang niloloob niya na mga kagamitan,
info
التفاسير:

external-link copy
11 : 34

أَنِ ٱعۡمَلۡ سَٰبِغَٰتٖ وَقَدِّرۡ فِي ٱلسَّرۡدِۖ وَٱعۡمَلُواْ صَٰلِحًاۖ إِنِّي بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ

[na nagsasabi]: "Gumawa ka, O David, ng mga baluting maluwag na magsasanggalang sa mga manlalaban mo sa lakas ng kaaway nila. Gumawa ka sa mga alpiler na umaangkop para sa mga argolya kaya huwag mong gawin ang mga [alpiler na] ito na maninipis na hindi mananatili sa loob ng mga [argolyang] ito, ni makakapal na hindi nakapapasok sa loob ng mga ito. Gumawa kayo ng gawang maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Akin mula sa mga gawain ninyo na anuman at gaganti sa inyo sa mga iyon." info
التفاسير:

external-link copy
12 : 34

وَلِسُلَيۡمَٰنَ ٱلرِّيحَ غُدُوُّهَا شَهۡرٞ وَرَوَاحُهَا شَهۡرٞۖ وَأَسَلۡنَا لَهُۥ عَيۡنَ ٱلۡقِطۡرِۖ وَمِنَ ٱلۡجِنِّ مَن يَعۡمَلُ بَيۡنَ يَدَيۡهِ بِإِذۡنِ رَبِّهِۦۖ وَمَن يَزِغۡ مِنۡهُمۡ عَنۡ أَمۡرِنَا نُذِقۡهُ مِنۡ عَذَابِ ٱلسَّعِيرِ

Pinagsilbi Namin para kay Solomon na anak ni David – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – ang hangin. Naglalakbay ito sa umaga ng singlayo ng isang buwan [na paglalakbay] at naglalakbay ito sa tanghali ng singlayo ng isang buwan [na paglalakbay]. Nagpasalikido Kami para sa kanya ng bukal ng tanso upang yumari siya mula sa tanso ng anumang niloloob niya. May pinagsilbi Kami para sa kanya na mga jinn na gumagawa sa harapan niya ayon sa utos ng Panginoon niya. Ang kumikiling kabilang sa mga jinn palayo sa ipinag-utos Namin na gawain ay magpapalasap Kami sa kanya mula sa pagdurusa sa Apoy na naglalagablab. info
التفاسير:

external-link copy
13 : 34

يَعۡمَلُونَ لَهُۥ مَا يَشَآءُ مِن مَّحَٰرِيبَ وَتَمَٰثِيلَ وَجِفَانٖ كَٱلۡجَوَابِ وَقُدُورٖ رَّاسِيَٰتٍۚ ٱعۡمَلُوٓاْ ءَالَ دَاوُۥدَ شُكۡرٗاۚ وَقَلِيلٞ مِّنۡ عِبَادِيَ ٱلشَّكُورُ

Gumagawa ang mga jinn na ito para kay Solomon ng anumang ninais niya na mga patirapaan para sa pagdarasal, mga palasyo, anumang niloloob niya na mga imahen, at anumang niloloob niya na mga labador tulad ng mga malaking lagayan ng tubig, at mga kalderong lutuan na nakatigil kaya hindi naigagalaw dahil sa laki ng mga ito. Nagsabi sa kanila: "Gumawa kayo, O mag-anak ni David, bilang pasasalamat kay Allāh dahil sa ibiniyaya Niya sa inyo." Kaunti mula sa mga lingkod Ko ang mapagpasalamat sa Akin dahil sa ibiniyaya Ko sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
14 : 34

فَلَمَّا قَضَيۡنَا عَلَيۡهِ ٱلۡمَوۡتَ مَا دَلَّهُمۡ عَلَىٰ مَوۡتِهِۦٓ إِلَّا دَآبَّةُ ٱلۡأَرۡضِ تَأۡكُلُ مِنسَأَتَهُۥۖ فَلَمَّا خَرَّ تَبَيَّنَتِ ٱلۡجِنُّ أَن لَّوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ ٱلۡغَيۡبَ مَا لَبِثُواْ فِي ٱلۡعَذَابِ ٱلۡمُهِينِ

Kaya noong humatol Kami kay Solomon ng kamatayan ay walang gumabay sa mga jinn na siya ay namatay na maliban sa isang kulisap na anay na kumakain sa tungkod niya na siya noon ay sumasandal doon. Kaya noong bumagsak siya ay napaglinawan ng mga jinn na sila ay hindi nakaaalam sa Lingid yayamang kung sakaling sila noon ay nakaaalam doon, hindi sana sila nanatili sa pagdurusang nang-aaba sa kanila. Iyon ay ang dinaranas nila na gawaing mabigat na ginagawa nila para kay Solomon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – dahil sa isang pag-aakala mula sa kanila na siya ay buhay na nagmamasid sa kanila. info
التفاسير:
ߟߝߊߙߌ ߟߎ߫ ߢߊ߬ߕߣߐ ߘߏ߫ ߞߐߜߍ ߣߌ߲߬ ߞߊ߲߬:
• تكريم الله لنبيه داود بالنبوة والملك، وبتسخير الجبال والطير يسبحن بتسبيحه، وإلانة الحديد له.
Ang pagpaparangal ni Allāh sa propeta Niyang si David – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng pagkapropeta at paghahari, ng pagpapasilbi sa mga bundok, mga ibon na nagluluwalhati ng pagluluwalhati sa Kanya, at ng pagpapalambot ng bakal para rito. info

• تكريم الله لنبيه سليمان عليه السلام بالنبوة والملك.
Ang pagpaparangal ni Allāh sa propeta Niyang si Solomon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng pagkapropeta at paghahari. info

• اقتضاء النعم لشكر الله عليها.
Ang paghiling ng mga biyaya para magpasalamat kay Allāh dahil sa mga ito. info

• اختصاص الله بعلم الغيب، فلا أساس لما يُدَّعى من أن للجن أو غيرهم اطلاعًا على الغيب.
Ang pagkatangi ni Allāh sa kaalaman sa Lingid kaya walang batayan para sa pinagsasabi na ang mga jinn at ang iba pa sa kanila ay may pagkabatid sa Lingid. info