ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߟߊߘߛߏߣߍ߲" ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐߦߌߘߊ ߘߐ߫ ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߊ߯ߖߊߟߐߖ) ߘߐ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
127 : 2

وَإِذۡ يَرۡفَعُ إِبۡرَٰهِـۧمُ ٱلۡقَوَاعِدَ مِنَ ٱلۡبَيۡتِ وَإِسۡمَٰعِيلُ رَبَّنَا تَقَبَّلۡ مِنَّآۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ

Banggitin mo, O Propeta, nang nag-aangat noon sina Abraham at Ismael ng mga pundasyon ng Ka`bah habang silang dalawa ay nagsasabi nang may pagpapakumbaba at pagpapakaaba: "Panginoon namin, tanggapin Mo mula sa amin ang mga gawa namin, at kabilang sa mga ito ang pagpapatayo ng bahay na ito. Tunay na Ikaw ay ang Madinigin sa panalangin namin, ang Maalam sa mga layunin namin at mga gawain namin."
info
التفاسير:

external-link copy
128 : 2

رَبَّنَا وَٱجۡعَلۡنَا مُسۡلِمَيۡنِ لَكَ وَمِن ذُرِّيَّتِنَآ أُمَّةٗ مُّسۡلِمَةٗ لَّكَ وَأَرِنَا مَنَاسِكَنَا وَتُبۡ عَلَيۡنَآۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ

O Panginoon namin, at gawin Mo kami bilang mga sumusuko sa utos Mo, na mga nagpapasailalim sa Iyo, na hindi kami nagtatambal sa Iyo ng isa man. Gumawa Ka mula sa mga supling namin ng isang kalipunang sumusuko sa Iyo. Ipakilala Mo sa amin ang pagsamba sa Iyo kung papaano ito. Magpalampas Ka sa mga masagwang gawa namin at pagkukulang namin sa pagtalima sa Iyo. Tunay na Ikaw ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Mo, ang Maawain sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
129 : 2

رَبَّنَا وَٱبۡعَثۡ فِيهِمۡ رَسُولٗا مِّنۡهُمۡ يَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِكَ وَيُعَلِّمُهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَيُزَكِّيهِمۡۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

Panginoon namin, at magpadala Ka sa kanila ng isang sugong kabilang sa kanila mula sa mga supling ni Ismael, na bibigkas sa kanila ng mga talata Mong pinababa, magtuturo sa kanila ng Qur'ān at Sunnah, at magdadalisay sa kanila sa Shirk at mga bisyo. Tunay na Ikaw ay ang Malakas na Tagadaig, ang Marunong sa mga gawain Mo at mga kahatulan Mo. info
التفاسير:

external-link copy
130 : 2

وَمَن يَرۡغَبُ عَن مِّلَّةِ إِبۡرَٰهِـۧمَ إِلَّا مَن سَفِهَ نَفۡسَهُۥۚ وَلَقَدِ ٱصۡطَفَيۡنَٰهُ فِي ٱلدُّنۡيَاۖ وَإِنَّهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ لَمِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ

Walang isang bumabaling palayo sa relihiyon ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – patungo sa iba pa roon na mga relihiyon kundi ang sinumang lumabag sa katarungan sa sarili niya dahil sa pagpapakahangal niya at kasagwaan ng pagbalangkas niya dahil sa pag-iwan niya sa katotohanan patungo sa pagkaligaw at nalugod siya para sa sarili ng pagkahamak. Talaga ngang pumili Kami kay Abraham sa Mundo bilang sugo at matalik na kaibigan. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos na gumanap sa isinatungkulin ni Allāh sa kanila kaya nagkamit sila ng pinakamataas sa mga antas. info
التفاسير:

external-link copy
131 : 2

إِذۡ قَالَ لَهُۥ رَبُّهُۥٓ أَسۡلِمۡۖ قَالَ أَسۡلَمۡتُ لِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Pumili sa kanya si Allāh dahil sa pagdali-dali niya sa pagpapasakop nang nagsabi sa kanya ang Panginoon niya: "Magpakawagas ka sa Akin sa pagsamba at magpasailalim ka sa Akin sa pagtalima." Kaya nagsabi siya, na tumutugon sa Panginoon niya: "Nagpasakop ako kay Allāh, ang Tagalikha ng mga tao, ang Tagatustos nila, at ang Tagapangasiwa ng mga kapakanan nila." info
التفاسير:

external-link copy
132 : 2

وَوَصَّىٰ بِهَآ إِبۡرَٰهِـۧمُ بَنِيهِ وَيَعۡقُوبُ يَٰبَنِيَّ إِنَّ ٱللَّهَ ٱصۡطَفَىٰ لَكُمُ ٱلدِّينَ فَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنتُم مُّسۡلِمُونَ

Nagtagubilin si Abraham sa mga anak niya ng pangungusap na ito: "Nagpasakop ako sa Panginoon ng mga nilalang." Nagtagubilin nito gayon din si Jacob sa mga anak niya. Nagsabi silang dalawa habang mga nanawagan sa mga anak nilang dalawa: "Tunay na si Allāh ay pumili para sa inyo ng relihiyong Islām kaya kumapit kayo rito hanggang sa dumating sa inyo ang kamatayan habang kayo ay mga tagapagpasakop (Muslim) kay Allāh sa panlabas at sa panloob." info
التفاسير:

external-link copy
133 : 2

أَمۡ كُنتُمۡ شُهَدَآءَ إِذۡ حَضَرَ يَعۡقُوبَ ٱلۡمَوۡتُ إِذۡ قَالَ لِبَنِيهِ مَا تَعۡبُدُونَ مِنۢ بَعۡدِيۖ قَالُواْ نَعۡبُدُ إِلَٰهَكَ وَإِلَٰهَ ءَابَآئِكَ إِبۡرَٰهِـۧمَ وَإِسۡمَٰعِيلَ وَإِسۡحَٰقَ إِلَٰهٗا وَٰحِدٗا وَنَحۡنُ لَهُۥ مُسۡلِمُونَ

O kayo ba ay mga nakadalo sa nangyari kay Jacob nang dumating sa kanya ang pagpanaw nang nagsabi siya sa mga anak niya habang nagtatanong sa kanila: "Ano ang sasambahin ninyo matapos ng kamatayan ko?" Nagsabi sila bilang sagot sa tanong niya: "Sasambahin namin ang Diyos mo at ang Diyos ng mga ninuno mong sina Abraham, Ismael, at Isaac: nag-iisang Diyos, walang katambal sa Kanya, habang kami sa Kanya lamang ay mga sumusuko at mga nagpapaakay." info
التفاسير:

external-link copy
134 : 2

تِلۡكَ أُمَّةٞ قَدۡ خَلَتۡۖ لَهَا مَا كَسَبَتۡ وَلَكُم مَّا كَسَبۡتُمۡۖ وَلَا تُسۡـَٔلُونَ عَمَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

Iyon ay isang kalipunang nagdaan na sa sinumang nagdaan bago ninyo kabilang sa mga kalipunan, at humantong iyon sa ipinauna niyon na gawa. Ukol doon ang nakamit niyon na maganda o masagwa at ukol sa inyo ang nakamit ninyo. Hindi kayo tatanungin tungkol sa mga gawa nila at hindi sila tatanungin tungkol sa mga gawa ninyo. Hindi masisisi ang isa dahil sa pagkakasala ng iba, bagkus gagantihan ang bawat isa dahil sa ipinauna niyang gawa. Kaya huwag umabala sa inyo ang gawain ng sinumang nagdaan bago ninyo palayo sa pagtingin sa gawa ninyo sapagkat tunay na ang isa ay hindi makikinabang, matapos ng awa ni Allāh, sa iba pa sa gawa niyang maayos. info
التفاسير:
ߟߝߊߙߌ ߟߎ߫ ߢߊ߬ߕߣߐ ߘߏ߫ ߞߐߜߍ ߣߌ߲߬ ߞߊ߲߬:
• المؤمن المتقي لا يغتر بأعماله الصالحة، بل يخاف أن ترد عليه، ولا تقبل منه، ولهذا يُكْثِرُ سؤالَ الله قَبولها.
Ang mananampalatayang tagapangilag magkasala ay hindi nalilinlang ng mga gawa niyang maayos, bagkus nangangamba siyang isauli ang mga ito sa kanya at hindi tanggapin ang mga ito mula sa kanya. Dahil dito, dinadalasan niya ang paghiling kay Allāh na tanggapin ang mga ito. info

• بركة دعوة أبي الأنبياء إبراهيم عليه السلام، حيث أجاب الله دعاءه وجعل خاتم أنبيائه وأفضل رسله من أهل مكة.
Ang pagpapala ng panalangin ng ama ng mga propeta, si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – yayamang sumagot si Allāh sa dalangin niyon at gumawa Siya kay Propeta Muḥammad bilang pangwakas sa mga propeta Niya at pinakamainam sa mga sugo Niya mula sa mga naninirahan sa Makkah. info

• دين إبراهيم عليه السلام هو الملة الحنيفية الموافقة للفطرة، لا يرغب عنها ولا يزهد فيها إلا الجاهل المخالف لفطرته.
Ang relihiyon ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay ang kapaniwalaang makatotoong sumasang-ayon sa kalikasan ng pagkalalang. Walang tumututol doon ni nagtatakwil niyon kundi ang mangmang na sumasalungat sa kalikasan ng pagkalalang sa kanya. info

• مشروعية الوصية للذرية باتباع الهدى، وأخذ العهد عليهم بالتمسك بالحق والثبات عليه.
Ang pagkaisinasabatas ng tagubilin para sa mga supling sa pamamagitan ng pagsunod sa patnubay at pagtanggap ng tipan sa kanila sa pamamagitan ng pagkapit sa katotohanan at pagpapakatatag dito. info