ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߟߊߘߛߏߣߍ߲" ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐߦߌߘߊ ߘߐ߫ ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߊ߯ߖߊߟߐߖ) ߘߐ߫

ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ:close

external-link copy
26 : 10

۞ لِّلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ ٱلۡحُسۡنَىٰ وَزِيَادَةٞۖ وَلَا يَرۡهَقُ وُجُوهَهُمۡ قَتَرٞ وَلَا ذِلَّةٌۚ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

Ukol sa mga gumawa ng maganda sa pagsasagawa sa isinatungkulin ni Allāh sa kanila na mga pagtalima at pag-iwan sa ipinagbawal Niya sa kanila na mga pagsuway ay ang gantimpalang pinakamaganda, ang Paraiso. May ukol din sa kanila na isang karagdagan doon: ang pagtingin sa marangal na mukha ni Allāh. Walang tatakip sa mga mukha nila na alikabok at walang tatakip sa mga ito na isang pagkahamak at isang kahihiyan. Ang mga nailalarawang iyon sa paggawa ng maganda ay ang mga maninirahan sa Paraiso. Sila ay doon mga mamamalagi. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 10

وَٱلَّذِينَ كَسَبُواْ ٱلسَّيِّـَٔاتِ جَزَآءُ سَيِّئَةِۭ بِمِثۡلِهَا وَتَرۡهَقُهُمۡ ذِلَّةٞۖ مَّا لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ مِنۡ عَاصِمٖۖ كَأَنَّمَآ أُغۡشِيَتۡ وُجُوهُهُمۡ قِطَعٗا مِّنَ ٱلَّيۡلِ مُظۡلِمًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

Ang mga gumawa ng mga masagwang gawa kabilang sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ay ukol sa kanila ang ganti sa masagwang gawa na ginawa nila katumbas sa tulad nito na parusa ni Allāh sa Kabilang-buhay. May tatakip sa mga mukha nila na isang kaabahan at isang pagkahamak. Hindi sila magkakaroon ng isang tagapagtanggol na magtatanggol sa kanila laban sa pagdurusang dulot ni Allāh kapag ibinaba Niya ito sa kanila. Para bang dinamitan ang mga mukha nila ng kaitiman mula sa gabing pinadilim dahil sa dami ng pagtatakip nito ng usok ng Apoy at kaitiman nito. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy. Sila ay doon mga mamamalagi magpakailanman. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 10

وَيَوۡمَ نَحۡشُرُهُمۡ جَمِيعٗا ثُمَّ نَقُولُ لِلَّذِينَ أَشۡرَكُواْ مَكَانَكُمۡ أَنتُمۡ وَشُرَكَآؤُكُمۡۚ فَزَيَّلۡنَا بَيۡنَهُمۡۖ وَقَالَ شُرَكَآؤُهُم مَّا كُنتُمۡ إِيَّانَا تَعۡبُدُونَ

Banggitin mo, O Sugo, sa Araw ng Pagbangon kapag kakalap si Allāh sa lahat ng mga nilikha, pagkatapos magsasabi Siya sa mga nagtambal sa Kanya sa Mundo: "Manitili kayo, O mga tagapagtambal, sa lugar ninyo, kayo at ang mga sinasamba ninyo, na dati ninyong sinasamba bukod pa kay Allāh." Magbubukod Siya sa pagitan ng mga sinasamba at mga sumasamba. Magpapawalang-kaugnayan ang mga sinasamba sa mga sumasamba habang mga nagsasabi: "Hindi kayo dati sumasamba sa amin sa Mundo, info
التفاسير:

external-link copy
29 : 10

فَكَفَىٰ بِٱللَّهِ شَهِيدَۢا بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكُمۡ إِن كُنَّا عَنۡ عِبَادَتِكُمۡ لَغَٰفِلِينَ

Dito ay magpapawalang-kaugnayan sa kanila ang mga diyos nila na sinamba nila bukod pa kay Allāh, habang mga nagsasabi: "saka si Allāh ay sasaksi – at nakasapat Siya rito – na kami ay hindi nalugod sa pagsamba ninyo sa amin at hindi nag-utos sa inyo niyon, at na kami ay hindi nakaramdam sa pagsamba ninyo." info
التفاسير:

external-link copy
30 : 10

هُنَالِكَ تَبۡلُواْ كُلُّ نَفۡسٖ مَّآ أَسۡلَفَتۡۚ وَرُدُّوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ مَوۡلَىٰهُمُ ٱلۡحَقِّۖ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ

Sa kalagayang mabigat na iyon ay susubukin ang bawat tao sa nagdaan na gawain sa buhay niya sa Mundo. Panunumbalikin ang mga tagapagtambal sa Panginoon nilang totoo na si Allāh na magsasagawa sa pagtutuos sa kanila. Maglalaho sa kanila ang anumang ginawa-gawa nila noon na pamamagitan ng mga anito nila. info
التفاسير:

external-link copy
31 : 10

قُلۡ مَن يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ أَمَّن يَمۡلِكُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَمَن يُخۡرِجُ ٱلۡحَيَّ مِنَ ٱلۡمَيِّتِ وَيُخۡرِجُ ٱلۡمَيِّتَ مِنَ ٱلۡحَيِّ وَمَن يُدَبِّرُ ٱلۡأَمۡرَۚ فَسَيَقُولُونَ ٱللَّهُۚ فَقُلۡ أَفَلَا تَتَّقُونَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito kay Allāh: "Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa dako ng langit sa pamamagitan ng pagpapababa ng ulan sa inyo? Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa lupa sa pamamagitan ng tumutubo rito na mga halaman at sa pamamagitan ng nilalaman nito na mga mina? Sino ang nagpapalabas ng buhay mula sa patay gaya ng tao mula sa punlay at ng ibon mula sa itlog? Sino ang nagpapalabas ng patay mula sa buhay gaya ng punlay mula sa hayop at ng itlog mula sa ibon? Sino ang nangangasiwa sa kapakanan ng mga langit at lupa at anumang nasa mga ito na mga nilikha?" Magsasabi sila na ang tagagawa niyon sa kabuuan niyon ay si Allāh. Kaya sabihin mo sa kanila: "Kaya ba hindi kayo nakaaalam niyon at hindi kayo nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya?" info
التفاسير:

external-link copy
32 : 10

فَذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمُ ٱلۡحَقُّۖ فَمَاذَا بَعۡدَ ٱلۡحَقِّ إِلَّا ٱلضَّلَٰلُۖ فَأَنَّىٰ تُصۡرَفُونَ

Kaya gayon, O mga tao, ang gumagawa niyon sa kabuuan niyon. Siya si Allāh, ang Totoo, ang Tagapaglikha ninyo, ang Tagapangasiwa ng kapakanan ninyo. Kaya ano pa matapos ng pagkakilala sa katotohanan kundi ang pagkalayo rito at ang pagkawala? Kaya saan pupunta ang mga isip ninyo palayo sa katotohanang hayag na ito?" info
التفاسير:

external-link copy
33 : 10

كَذَٰلِكَ حَقَّتۡ كَلِمَتُ رَبِّكَ عَلَى ٱلَّذِينَ فَسَقُوٓاْ أَنَّهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ

Kung paanong napagtibay ang pagkapanginoong totoo para kay Allāh, kinailangan, O Sugo, ang salitang pang-itinakda ng Panginoon mo laban sa mga lumabas sa totoo dala ng pagmamatigas na sila ay hindi sumasampalataya. info
التفاسير:
ߟߝߊߙߌ ߟߎ߫ ߢߊ߬ߕߣߐ ߘߏ߫ ߞߐߜߍ ߣߌ߲߬ ߞߊ߲߬:
• أعظم نعيم يُرَغَّب به المؤمن هو النظر إلى وجه الله تعالى.
Ang pinakadakilang kaginhawahan na nagpapaibig sa mananampalataya ay ang pagtingin sa mukha ni Allāh – pagkataas-taas Siya. info

• بيان قدرة الله، وأنه على كل شيء قدير.
Ang paglilinaw sa kakayahan ni Allāh, na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. info

• التوحيد في الربوبية والإشراك في الإلهية باطل، فلا بد من توحيدهما معًا.
Ang paniniwala sa kaisahan sa pagkapanginoon at ang pagtatambal sa pagkadiyos ay walang-kabuluhan sapagkat walang alternatibo sa paniniwala sa kaisahan ng dalawang ito nang sabayan. info

• إذا قضى الله بعدم إيمان قوم بسبب معاصيهم فإنهم لا يؤمنون.
Kapag nagtadhana si Allāh ng kawalan ng pananampalataya ng ilang tao dahil sa mga pagsuway nila, tunay na sila ay hindi sasampalataya. info