पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालो) भाषामा अनुवाद ।

رقم الصفحة:close

external-link copy
10 : 64

وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَآ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِ خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ

Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga tanda Niya na pinababa Niya sa Sugo Niya, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Kay pangit bilang kahahantungan ang kahahantungan nila! info
التفاسير:

external-link copy
11 : 64

مَآ أَصَابَ مِن مُّصِيبَةٍ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۗ وَمَن يُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ يَهۡدِ قَلۡبَهُۥۚ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ

Walang tumama sa isa man na isang kasawian sa sarili nito o yaman nito ay anak nito malibang ayon sa pagtatadhana ni Allāh. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa pagtatadhana Niya at pagtatakda Niya ay magtutuon Siya sa puso nito sa pamamagitan ng pagsuko sa utos Niya at pagkalugod sa pagtatadhana Niya. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman. info
التفاسير:

external-link copy
12 : 64

وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَۚ فَإِن تَوَلَّيۡتُمۡ فَإِنَّمَا عَلَىٰ رَسُولِنَا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ

Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo. Kaya kung umayaw kayo sa inihatid sa inyo ng Sugo ninyo, ang kasalanan ng pag-ayaw na iyon ay sa inyo. Walang kailangan sa Sugo Namin kundi ang pagpapaabot ng ipinag-utos Namin sa kanya na ipaabot, at nakapagpaabot nga siya sa inyo ng ipinag-utos sa kanya na ipaabot. info
التفاسير:

external-link copy
13 : 64

ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ

Si Allāh ay ang sinasamba ayon sa karapatan; walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Kaya kay Allāh lamang sumandal ang mga mananampalataya sa lahat ng mga nauukol sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
14 : 64

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّ مِنۡ أَزۡوَٰجِكُمۡ وَأَوۡلَٰدِكُمۡ عَدُوّٗا لَّكُمۡ فَٱحۡذَرُوهُمۡۚ وَإِن تَعۡفُواْ وَتَصۡفَحُواْ وَتَغۡفِرُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, tunay na mayroon sa mga maybahay ninyo at mga anak ninyo na kaaway para sa inyo dahil sa kanilang pagiging umaabala sa inyo sa pag-alaala kay Allāh at pakikibaka sa landas Niya at bumabalakid sa inyo kaya mag-ingat kayo sa kanila na makaapekto sila sa inyo. Kung magpapalampas kayo sa mga pagkatisod nila, aayaw kayo sa mga ito, at magtatakip kayo sa mga ito sa kanila, tunay na si Allāh ay mapagpatawad sa inyo sa mga pagkakasala ninyo, at maaawa sa inyo. Ang ganti ay kauri ng gawain. info
التفاسير:

external-link copy
15 : 64

إِنَّمَآ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَأَوۡلَٰدُكُمۡ فِتۡنَةٞۚ وَٱللَّهُ عِندَهُۥٓ أَجۡرٌ عَظِيمٞ

Ang mga yaman ninyo at ang mga anak ninyo ay isang pagsubok at isang pagsusulit lamang para sa inyo sapagkat maaaring magdala sila sa inyo sa pagkamit ng ipinagbabawal at pag-iwan sa pagtalima kay Allāh samantalang si Allāh ganang Kanya ay may isang gantimpalang sukdulan para sa sinumang nagtangi sa pagtalim sa Kanya higit sa pagtalima sa mga anak at higit sa pagkaabala sa yaman. Ang ganting sukdulan na ito ay ang paraiso. info
التفاسير:

external-link copy
16 : 64

فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ مَا ٱسۡتَطَعۡتُمۡ وَٱسۡمَعُواْ وَأَطِيعُواْ وَأَنفِقُواْ خَيۡرٗا لِّأَنفُسِكُمۡۗ وَمَن يُوقَ شُحَّ نَفۡسِهِۦ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sa abot ng makakaya ninyo sa pagtalima sa Kanya sa anuman, makinig kayo, tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, at magkaloob kayo ng mga yaman ninyo na itinustos sa inyo ni Allāh sa paggawa ng mga uri ng kabutihan. Ang sinumang ipinagsanggalang ni Allāh sa sigasig ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatamo ng hinihiling nila at ang mga maliligtas sa pinangingilabutan nila. info
التفاسير:

external-link copy
17 : 64

إِن تُقۡرِضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا يُضَٰعِفۡهُ لَكُمۡ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡۚ وَٱللَّهُ شَكُورٌ حَلِيمٌ

Kung magpapautang kayo kay Allāh ng isang pagpapautang na maganda sa pamamagitan ng pagkakaloob ninyo mula sa mga yaman ninyo sa landas Niya ay magpapaibayo Siya para sa inyo ng pabuya sa pamamagitan ng paggawa sa magandang gawa katumbas ng sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit, at magpapalampas Siya para sa inyo ng mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpasalamat: nagbibigay sa kaunting gawa ng pabuyang marami, Matimpiin: hindi nagmamadali ng kaparusahan. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 64

عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay Nakaaalam sa nakalingid at Nakaaalam sa nakalantad: walang nakakukubli sa Kanya na anuman doon, ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, batas Niya, at pagtatakda Niya. info
التفاسير:
यस पृष्ठको अायतहरूका लाभहरूमध्येबाट:
• مهمة الرسل التبليغ عن الله، وأما الهداية فهي بيد الله.
Ang misyon ng mga sugo ay ang pagpapaabot tungkol kay Allāh. Tungkol naman sa kapatnubayan, ito ay nasa kamay ni Allāh. info

• الإيمان بالقدر سبب للطمأنينة والهداية.
Ang pananampalataya sa pagtatakda ay isang kadahilanan sa kapanatagan at kapatnubayan. info

• التكليف في حدود المقدور للمكلَّف.
Ang pag-aatang ng tungkulin ay nasa mga hangganan ng nakakaya ng inaatangan ng tungkulin. info

• مضاعفة الثواب للمنفق في سبيل الله.
Ang pag-iibayo sa gantimpala ay para sa tagagugol sa landas ni Allāh. info