पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालो) भाषामा अनुवाद ।

رقم الصفحة:close

external-link copy
92 : 4

وَمَا كَانَ لِمُؤۡمِنٍ أَن يَقۡتُلَ مُؤۡمِنًا إِلَّا خَطَـٔٗاۚ وَمَن قَتَلَ مُؤۡمِنًا خَطَـٔٗا فَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مُّؤۡمِنَةٖ وَدِيَةٞ مُّسَلَّمَةٌ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦٓ إِلَّآ أَن يَصَّدَّقُواْۚ فَإِن كَانَ مِن قَوۡمٍ عَدُوّٖ لَّكُمۡ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مُّؤۡمِنَةٖۖ وَإِن كَانَ مِن قَوۡمِۭ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُم مِّيثَٰقٞ فَدِيَةٞ مُّسَلَّمَةٌ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ وَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مُّؤۡمِنَةٖۖ فَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ شَهۡرَيۡنِ مُتَتَابِعَيۡنِ تَوۡبَةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا

Hindi nararapat para sa isang mananampalataya na makapatay ng isang mananampalataya maliban na maganap iyon mula sa kanya dala ng pagkakamali. Ang sinumang nakapatay ng isang mananampalataya dala ng pagkakamali, kailangan sa kanya ang pagpapalaya ng isang taong aliping mananampalataya bilang panakip-sala sa nagawa niya at kailangan naman sa kamag-anakan ng nakapatay na mga nagmamana sa kanya ang pagbabayad-pinsala sa mga tagapagmana ng napatay, maliban na magpaumanhin sila ng bayad-pinsala kaya maaalis ito. Ngunit kung ang napatay ay kabilang sa mga taong nakikidigma sa inyo at siya ay isang mananampalataya, kinakailangan sa nakapatay ang pagpapalaya ng isang taong aliping mananampalataya at walang pagbabayad-pinsala mula sa kanya. Kung ang napatay ay hindi mananampalataya subalit siya ay kabilang sa mga taong sa pagitan ninyo at nila ay may isang kasunduan tulad ng mga taong pinangangalagaan ng Islām, kailangan sa mga kamag-anakan ng nakapatay na mga nagmamana sa kanya ang pagbabayad-pinsala sa mga tagapagmana ng napatay at kailangan sa nakapatay ang pagpapalaya ng isang taong aliping mananampalataya bilang panakip-sala sa nagawa niya; ngunit kung hindi siya nakatagpo ng mapalalaya niya o hindi siya nakakakaya na magbayad ng halaga nito, kailangan sa kanya ang pag-aayuno ng dalawang buwang magkarugtong nang walang pagtigil ni paghinto sa pag-aayuno sa loob ng dalawang buwang ito upang tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob niya dahil sa nagawa niya. Laging si Allāh ay Maalam sa mga gawain ng mga lingkod Niya at mga layunin nila, Marunong sa pagbabatas Niya at pangangasiwa Niya. info
التفاسير:

external-link copy
93 : 4

وَمَن يَقۡتُلۡ مُؤۡمِنٗا مُّتَعَمِّدٗا فَجَزَآؤُهُۥ جَهَنَّمُ خَٰلِدٗا فِيهَا وَغَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ وَلَعَنَهُۥ وَأَعَدَّ لَهُۥ عَذَابًا عَظِيمٗا

Ang sinumang papatay ng isang mananampalataya sa paraang pananadya nang walang karapatan, ang ganti sa kanya ay pagpasok sa Impiyerno bilang isang mananatili roon kung nagturing siya na ipinahihintulot iyon. Magagalit si Allāh sa kanya, magtataboy sa kanya mula sa awa Nito, at maghahanda para sa kanya ng isang pagdurusang mabigat dahil sa paggawa-gawa niya ng malaking pagkakasalang ito.
info
التفاسير:

external-link copy
94 : 4

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا ضَرَبۡتُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَتَبَيَّنُواْ وَلَا تَقُولُواْ لِمَنۡ أَلۡقَىٰٓ إِلَيۡكُمُ ٱلسَّلَٰمَ لَسۡتَ مُؤۡمِنٗا تَبۡتَغُونَ عَرَضَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا فَعِندَ ٱللَّهِ مَغَانِمُ كَثِيرَةٞۚ كَذَٰلِكَ كُنتُم مِّن قَبۡلُ فَمَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمۡ فَتَبَيَّنُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٗا

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kapag lumisan kayo para sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh ay magpakatiyak kayo sa kalagayan ng sinumang nakakalaban ninyo. Huwag kayong magsabi sa sinumang nagpakita sa inyo ng anumang nagpapahiwatig sa pagkayakap niya sa Islām: "Hindi ka isang mananampalataya at ang nagbuyo lamang sa iyo sa pagpapakita ng pagyakap sa Islām ay ang pangamba para sa buhay mo at ari-arian mo," para patayin ito habang naghahangad kayo sa pagpatay rito ng katiting na pakinabang sa Mundo gaya ng masasamsam mula rito gayong nasa ganang kay Allāh ay maraming mahihita at ang mga ito ay higit na mabuti at higit na malaki kaysa roon. Gayon kayo dati bago pa niyan, tulad nitong nagkukubli ng pananampalataya niya mula sa mga kalipi niya, ngunit nagmagandang-loob si Allāh sa inyo sa pamamagitan ng Islām saka napangalagaan ang mga buhay ninyo kaya magpakatiyak kayo. Tunay na si Allāh ay walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa gawain ninyo gaano man kaliit ito. Gaganti Siya sa inyo dahil dito. info
التفاسير:
यस पृष्ठको अायतहरूका लाभहरूमध्येबाट:
• جاء القرآن الكريم معظِّمًا حرمة نفس المؤمن، وناهيًا عن انتهاكها، ومرتبًا على ذلك أشد العقوبات.
Dumating ang Marangal na Qur'ān bilang tagapagdakila sa kabanalan ng buhay ng mananampalataya, bilang tagasaway sa paglabag dito, at bilang tagapagparesulta roon ng pinakamatindi sa mga kaparusahan. info

• من عقيدة أهل السُّنَّة والجماعة أن المؤمن القاتل لا يُخلَّد أبدًا في النار، وإنما يُعذَّب فيها مدة طويلة ثم يخرج منها برحمة الله تعالى.
Bahagi ng pinaniniwalaan ng mga Alagad ng Sunnah at Pagkakabuklod ay na ang mananampalatayang nakapatay ay hindi pananatilihin magpakailanman sa Impiyerno. Pagdurusahin lamang siya roon nang mahabang panahon. Pagkatapos ilalabas siya mula roon dahil sa awa ni Allāh – pagkataas-taas Siya. info

• وجوب التثبت والتبيُّن في الجهاد، وعدم الاستعجال في الحكم على الناس حتى لا يُعتدى على البريء.
Ang pagkatungkulin ng pagpapakatiyak at pagpapakalinaw sa pakikibaka at ng hindi pagmamadali sa paghatol sa mga tao upang hindi makalabag sa inosente. info