पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालो) भाषामा अनुवाद ।

رقم الصفحة:close

external-link copy
64 : 12

قَالَ هَلۡ ءَامَنُكُمۡ عَلَيۡهِ إِلَّا كَمَآ أَمِنتُكُمۡ عَلَىٰٓ أَخِيهِ مِن قَبۡلُ فَٱللَّهُ خَيۡرٌ حَٰفِظٗاۖ وَهُوَ أَرۡحَمُ ٱلرَّٰحِمِينَ

Nagsabi sa kanila ang ama nila: "Ipagkakatiwala ko kaya siya sa inyo malibang [napipilitan] kung paanong ipinagkatiwala ko sa inyo ang kapatid niyang buo, si Jose, bago pa niyan? Ipinagkatiwala ko na sa inyo si Jose at nangako naman kayo na mag-iingat sa kanya ngunit hindi kayo tumupad sa ipinangako ninyo kaya wala nang pagtitiwala sa ganang akin sa pangako ninyo ng pag-iingat sa kanya. Ang pagtitiwala ko ay nasa kay Allāh lamang sapagkat Siya ay ang pinakamabuti sa mga tagapag-ingat para sa sinumang ninais Niyang pag-ingatan at ang pinakamaawain sa mga naaawa sa sinumang ninais Niyang kaawaan." info
التفاسير:

external-link copy
65 : 12

وَلَمَّا فَتَحُواْ مَتَٰعَهُمۡ وَجَدُواْ بِضَٰعَتَهُمۡ رُدَّتۡ إِلَيۡهِمۡۖ قَالُواْ يَٰٓأَبَانَا مَا نَبۡغِيۖ هَٰذِهِۦ بِضَٰعَتُنَا رُدَّتۡ إِلَيۡنَاۖ وَنَمِيرُ أَهۡلَنَا وَنَحۡفَظُ أَخَانَا وَنَزۡدَادُ كَيۡلَ بَعِيرٖۖ ذَٰلِكَ كَيۡلٞ يَسِيرٞ

Noong nagbukas sila ng mga sisidlan ng pagkain nila na dinala nila ay nakatagpo sila sa halaga nito na isinauli sa kanila. Kaya nagsabi sila sa ama nila: "Alin pang bagay ang mahihiling namin sa makapangyarihang ito matapos ng pagpaparangal na ito? Ito ay ang halaga ng pagkain namin, na isinauli ng makapangyarihan bilang pagmamagandang-loob mula sa kanya sa amin. Makapagdudulot kami ng pagkain para sa mag-anak namin. Makapag-iingat kami sa kapatid namin laban sa pinangangambahan mo para sa kanya. Madaragdagan kami ng isang takal [na pasan] ng kamelyo dahilan sa pagsasama sa kanya sapagkat ang pagdaragdag ng isang takal [na pasan] ng kamelyo ay isang bagay na madali sa ganang makapangyarihan." info
التفاسير:

external-link copy
66 : 12

قَالَ لَنۡ أُرۡسِلَهُۥ مَعَكُمۡ حَتَّىٰ تُؤۡتُونِ مَوۡثِقٗا مِّنَ ٱللَّهِ لَتَأۡتُنَّنِي بِهِۦٓ إِلَّآ أَن يُحَاطَ بِكُمۡۖ فَلَمَّآ ءَاتَوۡهُ مَوۡثِقَهُمۡ قَالَ ٱللَّهُ عَلَىٰ مَا نَقُولُ وَكِيلٞ

Nagsabi sa kanila ang ama nila: "Hindi ako magpapadala sa kanya kasama sa inyo hanggang sa magbigay kayo sa akin ng isang pangako kay Allāh, na nagtitiyak na talagang magsasauli kayo sa kanya sa akin, maliban kung may pumaligid na kapahamakan sa inyo sa kalahatan, walang natira sa inyo na isa man, at hindi ninyo nakaya na magtanggol sa kanya ni magbalik." Kaya noong nagbigay sila sa kanya ng pangako kay Allāh na tumitiyak niyon ay nagsabi siya: "Si Allāh ay Saksi sa anumang sinasabi natin sapagkat nakasasapat sa atin ang pagsaksi Niya." info
التفاسير:

external-link copy
67 : 12

وَقَالَ يَٰبَنِيَّ لَا تَدۡخُلُواْ مِنۢ بَابٖ وَٰحِدٖ وَٱدۡخُلُواْ مِنۡ أَبۡوَٰبٖ مُّتَفَرِّقَةٖۖ وَمَآ أُغۡنِي عَنكُم مِّنَ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٍۖ إِنِ ٱلۡحُكۡمُ إِلَّا لِلَّهِۖ عَلَيۡهِ تَوَكَّلۡتُۖ وَعَلَيۡهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُتَوَكِّلُونَ

Nagsabi sa kanila ang ama nila habang nagtatagubilin sa kanila: "Huwag kayong magsipasok sa Ehipto mula sa pintong nag-iisa na mga magkakasama, subalit magsipasok kayo mula sa mga pintong magkakaiba-iba sapagkat iyon ay higit na ligtas laban sa paglalahat sa inyo ng isa sa kapinsalaan kung nagnais ito niyon sa inyo. Hindi ako nagsasabi sa inyo niyon upang magtulak ako palayo sa inyo ng isang kapinsalaang ninais ni Allāh sa inyo at hindi upang magdulot ako para sa inyo ng isang kapakinabangang hindi ninais ni Allāh sapagkat ang pagtatadhana ay walang iba kundi ang pagtatadhana ni Allāh at ang pag-uutos ay walang iba kundi ang pag-uutos Niya. Sa Kanya lamang ako nanalig sa lahat ng mga nauukol sa akin at sa Kanya lamang ay manalig ang mga nananalig sa mga nauukol sa kanila." info
التفاسير:

external-link copy
68 : 12

وَلَمَّا دَخَلُواْ مِنۡ حَيۡثُ أَمَرَهُمۡ أَبُوهُم مَّا كَانَ يُغۡنِي عَنۡهُم مِّنَ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٍ إِلَّا حَاجَةٗ فِي نَفۡسِ يَعۡقُوبَ قَضَىٰهَاۚ وَإِنَّهُۥ لَذُو عِلۡمٖ لِّمَا عَلَّمۡنَٰهُ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ

Kaya lumisan sila at kasama sa kanila ang kapatid na buo ni Jose. Noong nakapasok sila mula sa mga pintuang magkakaiba-iba, gaya ng ipinag-utos sa kanila ng ama nila, hindi nangyaring nakapagtanggol sa kanila ang pagpasok nila mula sa mga pintong magkakaiba-iba laban sa anumang kabilang sa itinakda ni Allāh sa kanila. Iyon lamang ay bahagi ng awa ni Jacob sa mga anak niya, na inihayag niya at itinagubilin niya sa kanila. Siya ay nakaaalam na walang pagtatadhana maliban sa pagtatadhana ni Allāh sapagkat siya ay nakaaalam sa itinuro ni Allāh sa kanya na pananampalataya sa pagtatakda at paggawa ng mga kadahilanan, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam niyon. info
التفاسير:

external-link copy
69 : 12

وَلَمَّا دَخَلُواْ عَلَىٰ يُوسُفَ ءَاوَىٰٓ إِلَيۡهِ أَخَاهُۖ قَالَ إِنِّيٓ أَنَا۠ أَخُوكَ فَلَا تَبۡتَئِسۡ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

Noong nakapasok ang mga kapatid ni Jose kay Jose at kasama nila ang kapatid niyang buo, inilapit niya sa kanya ang kapatid niyang buo at nagsabi siya rito nang palihim: "Tunay na ako ay ang kapatid mong buo, si Jose, kaya huwag kang malungkot sa dating pinaggagawa ng mga kapatid mo na mga gawaing salawahan gaya ng pananakit, paghihinanakit sa atin, at pagtapon nila sa akin sa balon." info
التفاسير:
यस पृष्ठको अायतहरूका लाभहरूमध्येबाट:
• الأمر بالاحتياط والحذر ممن أُثِرَ عنه غدرٌ، وقد ورد في الحديث الصحيح: ((لَا يُلْدَغُ المُؤْمِنٌ مِنْ جُحْرٍ وَاحِدٍ مَرَّتَيْنِ))، [أخرجه البخاري ومسلم].
Ang pag-uutos ng pagbibigay-babala at pag-iingat laban sa sinumang may naiulat tungkol sa kanya na isang panlilinlang yayamang may nasaad nga sa tumpak na ḥadīth na hindi natutuklaw ang mananampalataya mula sa iisang lungga nang dalawang ulit. Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim. info

• من وجوه الاحتياط التأكد بأخذ المواثيق المؤكدة باليمين، وجواز استحلاف المخوف منه على حفظ الودائع والأمانات.
Kabilang sa mga uri ng pag-iingat ang pagtitiyak sa pagsasagawa sa mga taimtim na pangakong binigyang-diin ng panunumpa at ang pagpayag sa pagpapasumpa sa pinangangambahan para sa pangangalaga sa mga inilagak at mga pinaiingatan. info

• يجوز لطالب اليمين أن يستثني بعض الأمور التي يرى أنها ليست في مقدور من يحلف اليمين.
Pinapayagan para sa humihiling ng panunumpa na itangi ang ilan sa mga bagay na itinuturing niya na ang mga ito ay hindi naaabot ng kakayahan ng sinumang nanunumpa ng panunumpa. info

• من الأخذ بالأسباب الاحتياط من المهالك.
Kabilang sa pagsasagawa sa mga kaparaanan ang pag-iingat laban sa mga pinanggagalingan ng panganib. info