വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം (തജാലൂജ്) - റുവ്വാദ് തർജമ സെൻ്റർ

പേജ് നമ്പർ:close

external-link copy
4 : 59

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ شَآقُّواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥۖ وَمَن يُشَآقِّ ٱللَّهَ فَإِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ

Iyon ay dahil sa sila ay nakipaghidwaan kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad]. Ang sinumang nakikipaghidwaan kay Allāh, tunay na si Allāh ay matindi ang parusa. info
التفاسير:

external-link copy
5 : 59

مَا قَطَعۡتُم مِّن لِّينَةٍ أَوۡ تَرَكۡتُمُوهَا قَآئِمَةً عَلَىٰٓ أُصُولِهَا فَبِإِذۡنِ ٱللَّهِ وَلِيُخۡزِيَ ٱلۡفَٰسِقِينَ

Ang anumang pinutol ninyo na isang [punong] datiles [nila] o iniwan ninyo ito na nakatayo sa mga puno nito ay ayon sa pahintulot ni Allāh at upang magpahiya Siya sa mga suwail. info
التفاسير:

external-link copy
6 : 59

وَمَآ أَفَآءَ ٱللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ مِنۡهُمۡ فَمَآ أَوۡجَفۡتُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ خَيۡلٖ وَلَا رِكَابٖ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يُسَلِّطُ رُسُلَهُۥ عَلَىٰ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

Ang anumang ipinakumpiska ni Allāh sa Sugo Niya mula sa kanila ay hindi kayo nagpatulin para rito ng anumang mga kabayo ni mga kamelyo, subalit nagpapangibabaw si Allāh sa mga sugo Niya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. info
التفاسير:

external-link copy
7 : 59

مَّآ أَفَآءَ ٱللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡقُرَىٰ فَلِلَّهِ وَلِلرَّسُولِ وَلِذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِ كَيۡ لَا يَكُونَ دُولَةَۢ بَيۡنَ ٱلۡأَغۡنِيَآءِ مِنكُمۡۚ وَمَآ ءَاتَىٰكُمُ ٱلرَّسُولُ فَخُذُوهُ وَمَا نَهَىٰكُمۡ عَنۡهُ فَٱنتَهُواْۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ

Ang anumang ipinakumpiska ni Allāh sa Sugo Niya mula sa mga naninirahan sa mga pamayanan ay ukol kay Allāh, ukol sa Sugo, ukol sa may pagkakamag-anak [sa Sugo],[2] mga ulila, mga dukha, at kinapos sa landas upang hindi ito maging isang yamang palipat-lipat sa pagitan ng mga mayaman kabilang sa inyo. Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo [na si Propeta Muḥammad] ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay matindi ang parusa. info

[2] kabilang sa Angkan ni Hāshim na pinagbawalan ng Propeta na tumanggap ng kawanggawa.

التفاسير:

external-link copy
8 : 59

لِلۡفُقَرَآءِ ٱلۡمُهَٰجِرِينَ ٱلَّذِينَ أُخۡرِجُواْ مِن دِيَٰرِهِمۡ وَأَمۡوَٰلِهِمۡ يَبۡتَغُونَ فَضۡلٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَرِضۡوَٰنٗا وَيَنصُرُونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلصَّٰدِقُونَ

[May bahagi] para sa mga maralitang tagalikas, na mga pinalisan mula sa mga tahanan nila at mga yaman nila, habang naghahangad ng isang kabutihang-loob mula kay Allāh at isang pagkalugod, at nag-aadya kay Allāh[3] at sa Sugo Niya. Ang mga iyon ay ang mga tapat. info

[3] sa pamamagitan ng pag-aadya sa Islam.

التفاسير:

external-link copy
9 : 59

وَٱلَّذِينَ تَبَوَّءُو ٱلدَّارَ وَٱلۡإِيمَٰنَ مِن قَبۡلِهِمۡ يُحِبُّونَ مَنۡ هَاجَرَ إِلَيۡهِمۡ وَلَا يَجِدُونَ فِي صُدُورِهِمۡ حَاجَةٗ مِّمَّآ أُوتُواْ وَيُؤۡثِرُونَ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ وَلَوۡ كَانَ بِهِمۡ خَصَاصَةٞۚ وَمَن يُوقَ شُحَّ نَفۡسِهِۦ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ

Ang mga namalagi sa tahanan [sa Madīnah] at pananampalataya bago pa ng mga iyon[4] ay umiibig sa sinumang lumikas kanila, hindi nakatatagpo sa mga dibdib nila ng isang pangangailangan sa anumang ibinigay sa mga iyon, at nagtatangi [sa mga iyon] higit sa mga sarili nila, kahit pa man sa kanila ay may kadahupan. Ang sinumang ipinagsasanggalang sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay [sa landas nila]. info

[4] Ibig sabihin: ang mga tagalikas mula sa Makkah.

التفاسير: