വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം (തജാലൂജ്) - റുവ്വാദ് തർജമ സെൻ്റർ

പേജ് നമ്പർ:close

external-link copy
5 : 49

وَلَوۡ أَنَّهُمۡ صَبَرُواْ حَتَّىٰ تَخۡرُجَ إِلَيۡهِمۡ لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Kung sakaling sila ay nagtiis hanggang sa lumabas ka sa kanila, talaga sanang iyon ay naging mabuti para sa kanila. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. info
التفاسير:

external-link copy
6 : 49

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن جَآءَكُمۡ فَاسِقُۢ بِنَبَإٖ فَتَبَيَّنُوٓاْ أَن تُصِيبُواْ قَوۡمَۢا بِجَهَٰلَةٖ فَتُصۡبِحُواْ عَلَىٰ مَا فَعَلۡتُمۡ نَٰدِمِينَ

O mga sumampalataya, kung naghatid sa inyo ang isang suwail ng isang balita ay magsiyasat kayo dahil baka makapaminsala kayo ng mga tao dahil sa kamangmangan, saka kayo dahil sa nagawa ninyo ay baka maging mga nagsisisi. info
التفاسير:

external-link copy
7 : 49

وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ فِيكُمۡ رَسُولَ ٱللَّهِۚ لَوۡ يُطِيعُكُمۡ فِي كَثِيرٖ مِّنَ ٱلۡأَمۡرِ لَعَنِتُّمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ حَبَّبَ إِلَيۡكُمُ ٱلۡإِيمَٰنَ وَزَيَّنَهُۥ فِي قُلُوبِكُمۡ وَكَرَّهَ إِلَيۡكُمُ ٱلۡكُفۡرَ وَٱلۡفُسُوقَ وَٱلۡعِصۡيَانَۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلرَّٰشِدُونَ

Alamin ninyo na nasa inyo ang Sugo ni Allāh [na si Propeta Muḥammad]. Kung sakaling tatalima siya sa inyo sa marami sa usapin ay talaga sanang nahirapan kayo. Subalit si Allāh ay nagpaibig sa inyo sa pananampalataya, nagpaakit nito sa mga puso ninyo, at nagpasuklam sa inyo ng kawalang-pananampalataya at kasuwailan. Ang mga iyon ay ang mga nagagabayan. info
التفاسير:

external-link copy
8 : 49

فَضۡلٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَنِعۡمَةٗۚ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

[Nangyari ito] bilang kabutihang-loob mula kay Allāh at bilang biyaya [Niya]. Si Allāh ay Maalam, Marunong. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 49

وَإِن طَآئِفَتَانِ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٱقۡتَتَلُواْ فَأَصۡلِحُواْ بَيۡنَهُمَاۖ فَإِنۢ بَغَتۡ إِحۡدَىٰهُمَا عَلَى ٱلۡأُخۡرَىٰ فَقَٰتِلُواْ ٱلَّتِي تَبۡغِي حَتَّىٰ تَفِيٓءَ إِلَىٰٓ أَمۡرِ ٱللَّهِۚ فَإِن فَآءَتۡ فَأَصۡلِحُواْ بَيۡنَهُمَا بِٱلۡعَدۡلِ وَأَقۡسِطُوٓاْۖ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُقۡسِطِينَ

Kung may dalawang pangkat kabilang sa mga mananampalataya na nag-away-away ay magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa; ngunit kung lumabag ang isa sa dalawa sa iba ay kalabanin ninyo ang lumabag hanggang sa bumalik ito sa kautusan ni Allāh. Kaya kung bumalik ito [at tumigil ito sa pangangaway] ay magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa ayon sa katarungan at magpakamakatarungan kayo; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 49

إِنَّمَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ إِخۡوَةٞ فَأَصۡلِحُواْ بَيۡنَ أَخَوَيۡكُمۡۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ

Ang mga mananampalataya ay magkakapatid lamang, kaya magpayapa kayo sa pagitan ng mga kapatid ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh nang sa gayon kayo ay kaaawaan. info
التفاسير:

external-link copy
11 : 49

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا يَسۡخَرۡ قَوۡمٞ مِّن قَوۡمٍ عَسَىٰٓ أَن يَكُونُواْ خَيۡرٗا مِّنۡهُمۡ وَلَا نِسَآءٞ مِّن نِّسَآءٍ عَسَىٰٓ أَن يَكُنَّ خَيۡرٗا مِّنۡهُنَّۖ وَلَا تَلۡمِزُوٓاْ أَنفُسَكُمۡ وَلَا تَنَابَزُواْ بِٱلۡأَلۡقَٰبِۖ بِئۡسَ ٱلِٱسۡمُ ٱلۡفُسُوقُ بَعۡدَ ٱلۡإِيمَٰنِۚ وَمَن لَّمۡ يَتُبۡ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ

O mga sumampalataya, huwag manuya ang ilang lalaki sa ilang lalaki: baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti kaysa sa kanila [na nanunuya]; at huwag [manuya] ang ilang babae sa ilang babae: baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti sa kanila [na nanunuya]. Huwag kayong manuligsa sa isa’t isa sa inyo at huwag kayong magtawagan ng mga [masamang] taguri. Kay saklap bilang pangalan ang kasuwailan matapos ng pananampalataya [sa Islām]. Ang sinumang hindi nagbalik-loob, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan. info
التفاسير: