വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം (തജാലൂജ്) - റുവ്വാദ് തർജമ സെൻ്റർ

പേജ് നമ്പർ:close

external-link copy
6 : 46

وَإِذَا حُشِرَ ٱلنَّاسُ كَانُواْ لَهُمۡ أَعۡدَآءٗ وَكَانُواْ بِعِبَادَتِهِمۡ كَٰفِرِينَ

Kapag kinalap ang mga tao, ang mga [dinalanginang] ito para sa kanila ay magiging mga kaaway at ang mga ito sa pagsamba sa mga ito ay magiging mga tagatanggi [sa pagkilala]. info
التفاسير:

external-link copy
7 : 46

وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ قَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمۡ هَٰذَا سِحۡرٞ مُّبِينٌ

Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya hinggil sa katotohanan noong dumating ito sa kanila: “Ito ay isang panggagaway na malinaw.” info
التفاسير:

external-link copy
8 : 46

أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۖ قُلۡ إِنِ ٱفۡتَرَيۡتُهُۥ فَلَا تَمۡلِكُونَ لِي مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـًٔاۖ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَا تُفِيضُونَ فِيهِۚ كَفَىٰ بِهِۦ شَهِيدَۢا بَيۡنِي وَبَيۡنَكُمۡۖ وَهُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ

O nagsasabi sila: “Ginawa-gawa niya [ang Qur’ān na] ito.” Sabihin mo: “Kung gumawa-gawa ako nito ay hindi kayo makapagdudulot para sa akin laban kay Allāh ng anuman. Siya ay higit na maalam sa anumang sinusuong. Nakasapat Siya bilang saksi sa pagitan ko at sa pagitan ninyo. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.” info
التفاسير:

external-link copy
9 : 46

قُلۡ مَا كُنتُ بِدۡعٗا مِّنَ ٱلرُّسُلِ وَمَآ أَدۡرِي مَا يُفۡعَلُ بِي وَلَا بِكُمۡۖ إِنۡ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّ وَمَآ أَنَا۠ إِلَّا نَذِيرٞ مُّبِينٞ

Sabihin mo: “Hindi ako isang pinasimulan mula sa mga sugo at hindi ako nakababatid sa gagawin sa akin ni sa inyo [sa Mundo]. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin at walang iba ako kundi isang mapagbabalang malinaw.” info
التفاسير:

external-link copy
10 : 46

قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كَانَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ وَكَفَرۡتُم بِهِۦ وَشَهِدَ شَاهِدٞ مِّنۢ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ عَلَىٰ مِثۡلِهِۦ فَـَٔامَنَ وَٱسۡتَكۡبَرۡتُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ

Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo kung [ang Qur’ān na] ito ay mula sa ganang kay Allāh at tumanggi kayong sumampalataya rito samantalang may sumaksi na isang tagasaksi mula sa mga anak ni Israel [na ito ay mula kay Allāh batay sa] tulad [sa nasaad sa Torah], kaya sumampalataya siya samantalang nagmalaki kayo?” Tunay na si Allāh ay hindi pumapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan. info
التفاسير:

external-link copy
11 : 46

وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَوۡ كَانَ خَيۡرٗا مَّا سَبَقُونَآ إِلَيۡهِۚ وَإِذۡ لَمۡ يَهۡتَدُواْ بِهِۦ فَسَيَقُولُونَ هَٰذَآ إِفۡكٞ قَدِيمٞ

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: “Kung sakaling [ang Islām na] ito ay kabutihan, hindi sana sila nakauna sa amin dito.” Yayamang hindi sila napatnubayan sa pamamagitan nito ay magsasabi sila: “Ito ay isang panlilinlang na luma.” info
التفاسير:

external-link copy
12 : 46

وَمِن قَبۡلِهِۦ كِتَٰبُ مُوسَىٰٓ إِمَامٗا وَرَحۡمَةٗۚ وَهَٰذَا كِتَٰبٞ مُّصَدِّقٞ لِّسَانًا عَرَبِيّٗا لِّيُنذِرَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُحۡسِنِينَ

Bago pa nito, ang Kasulatan ni Moises ay bilang gabay at bilang awa. [Ang Qur’ān na] ito ay Aklat na tagapagpatotoo, sa wikang Arabe, upang magbabala ito sa mga lumabag sa katarungan[3] at bilang balitang nakagagalak para sa mga tagagawa ng maganda. info

[3] dahil sa pagtatambal kay Allāh at paggawa ng mga pagsuway

التفاسير:

external-link copy
13 : 46

إِنَّ ٱلَّذِينَ قَالُواْ رَبُّنَا ٱللَّهُ ثُمَّ ٱسۡتَقَٰمُواْ فَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ

Tunay na ang mga nagsabi: “Ang Panginoon namin ay si Allāh,” pagkatapos nagpakatuwid sila,[4] ay walang pangamba sa kanila ni sila ay” malulungkot.” info

[4] sa pananampalataya at gawang maayos

التفاسير:

external-link copy
14 : 46

أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ خَٰلِدِينَ فِيهَا جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso bilang mga mananatili roon bilang ganti sa dati nilang ginagawa. info
التفاسير: