വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം (തജാലൂജ്) - റുവ്വാദ് തർജമ സെൻ്റർ

പേജ് നമ്പർ:close

external-link copy
25 : 30

وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَن تَقُومَ ٱلسَّمَآءُ وَٱلۡأَرۡضُ بِأَمۡرِهِۦۚ ثُمَّ إِذَا دَعَاكُمۡ دَعۡوَةٗ مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ إِذَآ أَنتُمۡ تَخۡرُجُونَ

Kabilang sa mga tanda Niya na manatili ang langit at ang lupa ayon sa utos Niya. Pagkatapos kapag tumawag Siya sa inyo sa isang pagtawag mula sa lupa, biglang kayo ay lalabas. info
التفاسير:

external-link copy
26 : 30

وَلَهُۥ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ كُلّٞ لَّهُۥ قَٰنِتُونَ

Sa Kanya ang sinumang nasa mga langit at lupa. Lahat sa Kanya ay mga masunurin. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 30

وَهُوَ ٱلَّذِي يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ وَهُوَ أَهۡوَنُ عَلَيۡهِۚ وَلَهُ ٱلۡمَثَلُ ٱلۡأَعۡلَىٰ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

Siya ay ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito.[8] Ito ay higit na madali sa Kanya. Sa Kanya ang paglalarawang pinakamataas sa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong. info

[8] sa pamamagitan ng muling pagbuhay para sa pagtutuos

التفاسير:

external-link copy
28 : 30

ضَرَبَ لَكُم مَّثَلٗا مِّنۡ أَنفُسِكُمۡۖ هَل لَّكُم مِّن مَّا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُم مِّن شُرَكَآءَ فِي مَا رَزَقۡنَٰكُمۡ فَأَنتُمۡ فِيهِ سَوَآءٞ تَخَافُونَهُمۡ كَخِيفَتِكُمۡ أَنفُسَكُمۡۚ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ

Naglahad Siya para sa inyo ng isang paghahalintulad mula sa mga sarili ninyo. Mayroon kaya kayo mula sa minamay-ari ng mga kanang kamay ninyo na anumang mga katambal sa anumang itinustos Namin sa inyo, kaya naman kayo roon ay magkapantay, na nangangamba kayo gaya ng pangangamba ninyo sa mga sarili ninyo?[9] Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa. info

[9] Kaya papaano kayo makakagagawa sa ilan sa mga lingkod ni Allāh bilang mga katambal sa Kanya?

التفاسير:

external-link copy
29 : 30

بَلِ ٱتَّبَعَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ أَهۡوَآءَهُم بِغَيۡرِ عِلۡمٖۖ فَمَن يَهۡدِي مَنۡ أَضَلَّ ٱللَّهُۖ وَمَا لَهُم مِّن نَّٰصِرِينَ

Bagkus sumunod ang mga lumabag sa katarungan[10] sa mga pithaya nila nang walang kaalaman. Kaya sino ang papatnubay sa iniligaw ni Allāh [dahil sa kapalaluan at pagpupumilit sa kasalanan]? Walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya. info

[10] na nagtambal kay Allāh ng mga iba pa sa pagsamba.

التفاسير:

external-link copy
30 : 30

فَأَقِمۡ وَجۡهَكَ لِلدِّينِ حَنِيفٗاۚ فِطۡرَتَ ٱللَّهِ ٱلَّتِي فَطَرَ ٱلنَّاسَ عَلَيۡهَاۚ لَا تَبۡدِيلَ لِخَلۡقِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ ٱلدِّينُ ٱلۡقَيِّمُ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ

Kaya magpanatili ka ng mukha mo para sa Relihiyon bilang makatotoo. [Mamalagi sa] naturalesa ni Allāh na nilalang Niya ang mga tao ayon dito. Walang pagpapalit para sa pagkakalikha ni Allāh. Iyon ay ang Relihiyong matuwid, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam. info
التفاسير:

external-link copy
31 : 30

۞ مُنِيبِينَ إِلَيۡهِ وَٱتَّقُوهُ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَلَا تَكُونُواْ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ

[Maging] mga nagsisising nanunumbalik tungo sa Kanya, mangilag kayong magkasala sa Kanya, magpanatili kayo ng pagdarasal,[11] at huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagtambal, info

[11] sa itinakdang otar ng mga ito

التفاسير:

external-link copy
32 : 30

مِنَ ٱلَّذِينَ فَرَّقُواْ دِينَهُمۡ وَكَانُواْ شِيَعٗاۖ كُلُّ حِزۡبِۭ بِمَا لَدَيۡهِمۡ فَرِحُونَ

kabilang sa mga naghati-hati ng relihiyon nila[12] at sila ay naging mga kampihan. Bawat lapian sa taglay nila ay mga natutuwa.[13] info

[12] Gaya ng mga pangkating panrelihiyon na Katolisismo, Protestantismo, Ortodoksiya, Hinduismo, Budhismo, Jainismo, at iba pa.
[13] ngunit lahat sila ay mapupunta sa Impiyerno maliban sa mga sumunod sa katotohanan

التفاسير: