വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം (തജാലൂജ്) - റുവ്വാദ് തർജമ സെൻ്റർ

പേജ് നമ്പർ:close

external-link copy
31 : 22

حُنَفَآءَ لِلَّهِ غَيۡرَ مُشۡرِكِينَ بِهِۦۚ وَمَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَكَأَنَّمَا خَرَّ مِنَ ٱلسَّمَآءِ فَتَخۡطَفُهُ ٱلطَّيۡرُ أَوۡ تَهۡوِي بِهِ ٱلرِّيحُ فِي مَكَانٖ سَحِيقٖ

bilang mga makatotoo kay Allāh, na hindi mga tagapagtambal sa Kanya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay para bang bumagsak siya mula sa langit kaya dadagit sa kanya ang mga ibon o tatangay sa kanya ang hangin sa isang pook na liblib. info
التفاسير:

external-link copy
32 : 22

ذَٰلِكَۖ وَمَن يُعَظِّمۡ شَعَٰٓئِرَ ٱللَّهِ فَإِنَّهَا مِن تَقۡوَى ٱلۡقُلُوبِ

Iyon nga. Ang sinumang dumadakila sa mga sagisag[8] ni Allāh, tunay na ang mga ito ay bahagi ng pangingilag magkasala ng mga puso. info

[8] Gaya ng mga gawain ng ḥajj, mga lugar nito, mga pag-aalay rito, at iba pa.

التفاسير:

external-link copy
33 : 22

لَكُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى ثُمَّ مَحِلُّهَآ إِلَى ٱلۡبَيۡتِ ٱلۡعَتِيقِ

Ukol sa inyo sa mga [alay na] ito ay mga pakinabang hanggang sa isang taning na tinukoy. Pagkatapos ang oras ng [pagkatay sa] mga ito ay pagkalapit sa Bahay na Matanda. info
التفاسير:

external-link copy
34 : 22

وَلِكُلِّ أُمَّةٖ جَعَلۡنَا مَنسَكٗا لِّيَذۡكُرُواْ ٱسۡمَ ٱللَّهِ عَلَىٰ مَا رَزَقَهُم مِّنۢ بَهِيمَةِ ٱلۡأَنۡعَٰمِۗ فَإِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ فَلَهُۥٓ أَسۡلِمُواْۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُخۡبِتِينَ

Para sa bawat kalipunan ay nagtalaga Kami ng isang pamamaraan upang bumanggit sila sa pangalan ni Allāh ‌sa itinustos Niya sa kanila na hayop ng mga hayupan sapagkat ang Diyos ninyo ay nag-iisang Diyos kaya sa Kanya ay magpasakop kayo. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga nagmamababang-loob, info
التفاسير:

external-link copy
35 : 22

ٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِرَ ٱللَّهُ وَجِلَتۡ قُلُوبُهُمۡ وَٱلصَّٰبِرِينَ عَلَىٰ مَآ أَصَابَهُمۡ وَٱلۡمُقِيمِي ٱلصَّلَوٰةِ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ

na kapag binanggit si Allāh ay nasisindak ang mga puso nila, na mga tagapagtiis sa anumang tumama sa kanila, na mga tagapanatili ng dasal, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila. info
التفاسير:

external-link copy
36 : 22

وَٱلۡبُدۡنَ جَعَلۡنَٰهَا لَكُم مِّن شَعَٰٓئِرِ ٱللَّهِ لَكُمۡ فِيهَا خَيۡرٞۖ فَٱذۡكُرُواْ ٱسۡمَ ٱللَّهِ عَلَيۡهَا صَوَآفَّۖ فَإِذَا وَجَبَتۡ جُنُوبُهَا فَكُلُواْ مِنۡهَا وَأَطۡعِمُواْ ٱلۡقَانِعَ وَٱلۡمُعۡتَرَّۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرۡنَٰهَا لَكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

Ang mga kamelyo at mga baka ay ginawa para sa inyo bilang kabilang sa mga sagisag ni Allāh; ukol sa inyo sa mga ito ay mabuti. Kaya bumanggit kayo sa pangalan ni Allāh sa mga ito habang mga nakahanay. Kaya kapag bumagsak ang mga tagiliran ng mga ito [matapos katayin] ay kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo ng nagkakasya at nagpapalimos. Gayon Kami nagpasilbi ng mga ito para sa inyo nang sa gayon kayo magpapasalamat. info
التفاسير:

external-link copy
37 : 22

لَن يَنَالَ ٱللَّهَ لُحُومُهَا وَلَا دِمَآؤُهَا وَلَٰكِن يَنَالُهُ ٱلتَّقۡوَىٰ مِنكُمۡۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرَهَا لَكُمۡ لِتُكَبِّرُواْ ٱللَّهَ عَلَىٰ مَا هَدَىٰكُمۡۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُحۡسِنِينَ

Hindi makararating kay Allāh ang mga laman ng mga ito ni ang mga dugo ng mga ito, subalit nakararating sa Kanya ang pangingilag magkasala mula sa inyo. Gayon nagpasilbi ng mga ito para sa inyo upang dumakila kayo kay Allāh dahil nagpatnubay Siya sa inyo. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga tagagawa ng maganda. info
التفاسير:

external-link copy
38 : 22

۞ إِنَّ ٱللَّهَ يُدَٰفِعُ عَنِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ خَوَّانٖ كَفُورٍ

Tunay na si Allāh ay nagtatanggol sa mga sumampalataya. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat palataksil na mapagtangging magpasalamat. info
التفاسير: