വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം (തജാലൂജ്) - റുവ്വാദ് തർജമ സെൻ്റർ

പേജ് നമ്പർ:close

external-link copy
5 : 12

قَالَ يَٰبُنَيَّ لَا تَقۡصُصۡ رُءۡيَاكَ عَلَىٰٓ إِخۡوَتِكَ فَيَكِيدُواْ لَكَ كَيۡدًاۖ إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ لِلۡإِنسَٰنِ عَدُوّٞ مُّبِينٞ

Nagsabi siya:[2] “O anak ko, huwag kang magsalaysay ng panaginip mo sa mga kapatid mo para [hindi] sila manlansi sa iyo ng isang panlalansi. Tunay na ang demonyo para sa tao ay isang kaaway na malinaw.” info

[2] Ibig sabihin: si Jacob.

التفاسير:

external-link copy
6 : 12

وَكَذَٰلِكَ يَجۡتَبِيكَ رَبُّكَ وَيُعَلِّمُكَ مِن تَأۡوِيلِ ٱلۡأَحَادِيثِ وَيُتِمُّ نِعۡمَتَهُۥ عَلَيۡكَ وَعَلَىٰٓ ءَالِ يَعۡقُوبَ كَمَآ أَتَمَّهَا عَلَىٰٓ أَبَوَيۡكَ مِن قَبۡلُ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡحَٰقَۚ إِنَّ رَبَّكَ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

Gayon naghahalal sa iyo ang Panginoon mo, nagtuturo sa iyo ng pagpapakahulugan ng mga panaginip, at naglulubos ng biyaya Niya sa iyo at sa mag-anak ni Jacob kung paanong naglubos Siya nito sa dalawang ninuno mo, bago pa niyan, na sina Abraham at Isaac. Tunay na ang Panginoon mo ay Maalam, Marunong. info
التفاسير:

external-link copy
7 : 12

۞ لَّقَدۡ كَانَ فِي يُوسُفَ وَإِخۡوَتِهِۦٓ ءَايَٰتٞ لِّلسَّآئِلِينَ

Talaga ngang hinggil kay Jose at sa mga kapatid niya ay may mga tanda para sa mga nagtatanong. info
التفاسير:

external-link copy
8 : 12

إِذۡ قَالُواْ لَيُوسُفُ وَأَخُوهُ أَحَبُّ إِلَىٰٓ أَبِينَا مِنَّا وَنَحۡنُ عُصۡبَةٌ إِنَّ أَبَانَا لَفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ

[Banggitin] noong nagsabi sila: “Talagang si Jose at ang kapatid niya [na si Benjamin] ay higit na kaibig-ibig sa ama natin kaysa sa atin samantalang tayo ay isang nakararaming pangkat. Tunay na ang ama natin ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw. info
التفاسير:

external-link copy
9 : 12

ٱقۡتُلُواْ يُوسُفَ أَوِ ٱطۡرَحُوهُ أَرۡضٗا يَخۡلُ لَكُمۡ وَجۡهُ أَبِيكُمۡ وَتَكُونُواْ مِنۢ بَعۡدِهِۦ قَوۡمٗا صَٰلِحِينَ

Patayin ninyo si Jose o itapon ninyo siya sa isang [ibang] lupain, malalaan para sa inyo ang mukha ng ama ninyo at kayo matapos na niyon ay magiging mga taong maayos.” info
التفاسير:

external-link copy
10 : 12

قَالَ قَآئِلٞ مِّنۡهُمۡ لَا تَقۡتُلُواْ يُوسُفَ وَأَلۡقُوهُ فِي غَيَٰبَتِ ٱلۡجُبِّ يَلۡتَقِطۡهُ بَعۡضُ ٱلسَّيَّارَةِ إِن كُنتُمۡ فَٰعِلِينَ

Nagsabi ang isang nagsasabi kabilang sa kanila: “Huwag ninyong patayin si Jose. Ihagis ninyo siya sa kailaliman ng balon, pupulutin siya ng ilan sa mga karaban kung kayo ay gagawa [niyon].” info
التفاسير:

external-link copy
11 : 12

قَالُواْ يَٰٓأَبَانَا مَا لَكَ لَا تَأۡمَ۬نَّا عَلَىٰ يُوسُفَ وَإِنَّا لَهُۥ لَنَٰصِحُونَ

Nagsabi sila: “O ama namin, ano ang mayroon sa iyo na hindi ka nagtitiwala sa amin para kay Jose samantalang tunay na kami sa kanya ay talagang mga tagapagpayo? info
التفاسير:

external-link copy
12 : 12

أَرۡسِلۡهُ مَعَنَا غَدٗا يَرۡتَعۡ وَيَلۡعَبۡ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَٰفِظُونَ

Magpadala ka sa kanya kasama sa amin bukas, magpapasasa siya at maglalaro siya; at tunay na kami para sa kanya ay talagang mga tagapag-ingat.” info
التفاسير:

external-link copy
13 : 12

قَالَ إِنِّي لَيَحۡزُنُنِيٓ أَن تَذۡهَبُواْ بِهِۦ وَأَخَافُ أَن يَأۡكُلَهُ ٱلذِّئۡبُ وَأَنتُمۡ عَنۡهُ غَٰفِلُونَ

Nagsabi siya:[3] “Tunay na ako ay talagang nalulungkot na umalis kayo kasama niya at nangangamba na kainin siya ng lobo habang kayo sa kanya ay mga nalilingat.” info

[3] Ibig sabihin: si Jacob.

التفاسير:

external-link copy
14 : 12

قَالُواْ لَئِنۡ أَكَلَهُ ٱلذِّئۡبُ وَنَحۡنُ عُصۡبَةٌ إِنَّآ إِذٗا لَّخَٰسِرُونَ

Nagsabi sila: “Talagang kung kinain siya ng lobo samantalang kami ay isang [malakas na] pangkat, tunay na kami samakatuwid ay talagang mga lugi.” info
التفاسير: