വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം).

പേജ് നമ്പർ:close

external-link copy
121 : 7

قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Nagsabi ang mga manggagaway: "Sumampalataya kami sa Panginoon ng mga nilikha nang lahatan, info
التفاسير:

external-link copy
122 : 7

رَبِّ مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ

Ang Panginoon nina Moises at Aaron – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – sapagkat Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba sa halip ng iba pa sa Kanya na mga diyos na inaakala. info
التفاسير:

external-link copy
123 : 7

قَالَ فِرۡعَوۡنُ ءَامَنتُم بِهِۦ قَبۡلَ أَنۡ ءَاذَنَ لَكُمۡۖ إِنَّ هَٰذَا لَمَكۡرٞ مَّكَرۡتُمُوهُ فِي ٱلۡمَدِينَةِ لِتُخۡرِجُواْ مِنۡهَآ أَهۡلَهَاۖ فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ

Nagsabi sa kanila si Paraon habang nagbabanta sa kanila matapos ng pagsampalataya nila kay Allāh lamang: "Naniwala kayo kay Moises bago ako magpahintulot sa inyo? Tunay na ang pananampalataya ninyo sa kanya at ang paniniwala ninyo sa inihatid niya ay talagang isang panlilinlang at pakanang ipinanlalang ninyo mismo at ni Moises para sa pagpapalabas sa mga naninirahan sa lungsod mula rito. Kaya malalaman ninyo, O mga manggagaway, ang dadapo sa inyo na parusa at ang tatama sa inyo na parusang panghalimbawa. info
التفاسير:

external-link copy
124 : 7

لَأُقَطِّعَنَّ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَرۡجُلَكُم مِّنۡ خِلَٰفٖ ثُمَّ لَأُصَلِّبَنَّكُمۡ أَجۡمَعِينَ

Talagang magpuputul-putol nga ako mula sa bawat isa sa inyo ng kanang kamay niya at kaliwang paa niya, o ng kaliwang kamay niya at kanang paa niya, pagkatapos talagang magbibitin nga ako sa inyo sa kalahatan sa mga puno ng datiles bilang pagpaparusang panghalimbawa sa pamamagitan ninyo at bilang pagpapangilabot sa bawat sinumang nakasasaksi sa inyo sa kalagayang ito." info
التفاسير:

external-link copy
125 : 7

قَالُوٓاْ إِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا مُنقَلِبُونَ

Nagsabi ang mga manggagaway bilang tugon sa banta ni Paraon: "Tunay na kami ay sa Panginoon namin lamang ay mga manunumbalik, kaya hindi kami pumapansin sa ibinabanta mo. info
التفاسير:

external-link copy
126 : 7

وَمَا تَنقِمُ مِنَّآ إِلَّآ أَنۡ ءَامَنَّا بِـَٔايَٰتِ رَبِّنَا لَمَّا جَآءَتۡنَاۚ رَبَّنَآ أَفۡرِغۡ عَلَيۡنَا صَبۡرٗا وَتَوَفَّنَا مُسۡلِمِينَ

Hindi ka nagmasama sa amin at naghinanakit sa amin, O Paraon, kundi sa paniniwala namin sa mga tanda ng Panginoon namin noong dumating ang mga ito sa amin sa kamay ni Moises. Kaya kung ito ay naging isang pagkakasalang napipintasan, ito ay pagkakasala namin. Pagkatapos humarap kayo kay Allāh sa panalangin habang mga nagsasabi sa pagpapakumbaba: "O Panginoon namin, magbuhos Ka sa amin ng pagtitiis hanggang sa malipos kami nito upang magpakatatag kami sa katotohanan, at bigyang-kamatayan Mo kami bilang mga tagapasakop sa iyo, na mga nagpapaakay sa utos Mo, na mga sumusunod sa Sugo Mo." info
التفاسير:

external-link copy
127 : 7

وَقَالَ ٱلۡمَلَأُ مِن قَوۡمِ فِرۡعَوۡنَ أَتَذَرُ مُوسَىٰ وَقَوۡمَهُۥ لِيُفۡسِدُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَيَذَرَكَ وَءَالِهَتَكَۚ قَالَ سَنُقَتِّلُ أَبۡنَآءَهُمۡ وَنَسۡتَحۡيِۦ نِسَآءَهُمۡ وَإِنَّا فَوۡقَهُمۡ قَٰهِرُونَ

Nagsabi kay Paraon ang mga pinapanginoon at ang mga malaking tao kabilang sa mga tao ni Paraon habang mga nag-uudyok dito laban kay Moises at sa sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga mananampalataya: "Mag-iiwan ka ba, O Paraon, kay Moises at sa mga tao niya upang magpalaganap sila ng katiwalian sa lupain at upang mag-iwan siya sa iyo mismo at sa mga diyos mo at mag-anyaya siya sa pagsamba kay Allāh lamang?" Nagsabi si Paraon: "Pagpapatayin natin ang mga lalaking anak ng mga anak ni Israel at pananatilihin natin ang mga babae nila para magsilbi. Tunay na tayo ay mga mangingibabaw laban sa kanila sa pamamagitan ng panlulupig, pananaig, at kapamahalaan." info
التفاسير:

external-link copy
128 : 7

قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِ ٱسۡتَعِينُواْ بِٱللَّهِ وَٱصۡبِرُوٓاْۖ إِنَّ ٱلۡأَرۡضَ لِلَّهِ يُورِثُهَا مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦۖ وَٱلۡعَٰقِبَةُ لِلۡمُتَّقِينَ

Nagsabi si Moises habang nagtatagubilin sa mga tao niya: "O mga kalipi, humingi kayo ng tulong mula kay Allāh lamang sa pagtaboy ng kapinsalaan palayo sa inyo at pagtamo ng pakinabang patungo sa inyo. Magtitiis kayo sa dinaranas ninyo na pagsusulit sapagkat tunay na ang lupa ay sa kay Allāh lamang at hindi sa kay Paraon ni sa iba pa sa kanya para magdomina rito. Si Allāh ay nagpapalipat-lipat nito sa pagitan ng mga tao alinsunod sa kalooban niya, ngunit ang magandang kinahihinatnan sa lupa ay ukol sa mga mananampalatayang sumusunod sa mga ipinag-uutos ng Panginoon nila at umiiwas sa mga sinasaway Niya. Ito ay ukol sa kanila kahit pa tumama sa kanila ang anumang tumama sa kanila na mga pagsubok at mga pagsusulit." info
التفاسير:

external-link copy
129 : 7

قَالُوٓاْ أُوذِينَا مِن قَبۡلِ أَن تَأۡتِيَنَا وَمِنۢ بَعۡدِ مَا جِئۡتَنَاۚ قَالَ عَسَىٰ رَبُّكُمۡ أَن يُهۡلِكَ عَدُوَّكُمۡ وَيَسۡتَخۡلِفَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرَ كَيۡفَ تَعۡمَلُونَ

Nagsabi kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ang mga kalipi ni Moises kabilang sa mga anak ni Israel: "O Moises, sinulit kami sa kamay ni Paraon sa pamamagitan ng pagpatay sa mga lalaking anak namin at pagpapanatiling-buhay sa mga kababaihan namin bago pa ng pagdating mo sa amin at nang matapos niyon." Nagsabi sa kanila si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang nagpapayo sa kanila at nagbabalita ng nakalulugod hinggil sa pagpapaginhawa: "Marahil ang Panginoon ninyo ay magpapahamak sa kaaway ninyong si Paraon at mga tao niya, at magpapatatag sa inyo sa lupain matapos nila para tumingin Siya sa gagawin ninyo, matapos niyon, na pagkilala o pagtanggi sa utang na loob." info
التفاسير:

external-link copy
130 : 7

وَلَقَدۡ أَخَذۡنَآ ءَالَ فِرۡعَوۡنَ بِٱلسِّنِينَ وَنَقۡصٖ مِّنَ ٱلثَّمَرَٰتِ لَعَلَّهُمۡ يَذَّكَّرُونَ

Talaga ngang nagparusa si Allāh sa angkan ni Paraon sa pamamagitan ng tagtuyot at kawalang-ulan at sumubok Siya sa kanila sa pamamagitan ng kabawasan sa mga bunga ng lupa at mga ani nito, sa pag-asang magsaalaala sila at mapangangaralan sila na ang anumang dumating sa kanila mula roon ay parusa lamang sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila para magbalik-loob sila sa Kanya. info
التفاسير:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• موقف السّحرة وإعلان إيمانهم بجرأة وصراحة يدلّ على أنّ الإنسان إذا تجرّد عن هواه، وأذعن للعقل والفكر السّليم بادر إلى الإيمان عند ظهور الأدلّة عليه.
Ang paninindigan ng mga manggagaway at ang pagpapahayag ng pananampalataya nila nang may kalakasang-loob at katahasan ay nagpapatunay na ang tao, kapag natanggalan ng pithaya niya at nagpahinuhod sa matinong pag-iisip at ideya, ay nagdadali-dali sa pananampalataya sa sandali ng paglitaw ng mga patunay sa kanya. info

• أهل الإيمان بالله واليوم الآخر هم أشدّ الناس حزمًا، وأكثرهم شجاعة وصبرًا في أوقات الأزمات والمحن والحروب.
Ang mga may pananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay ang pinakamatindi sa mga tao sa pagkadisidido at ang pinakahigit sa kanila sa katapangan at pagtitiis sa mga oras ng mga krisis, mga pagsubok, at mga digmaan. info

• المنتفعون من السّلطة يُحرِّضون ويُهيِّجون السلطان لمواجهة أهل الإيمان؛ لأن في بقاء السلطان بقاء لمصالحهم.
Ang mga nakikinabang sa kapamahalaan ay nag-uudyok at nanunulsol sa pamahalaan para makipagharap sa mga may pananampalataya dahil nasa pananatili ng pamahalaan ang pananatili ng mga kapakanan nila. info

• من أسباب حبس الأمطار وغلاء الأسعار: الظلم والفساد.
Kabilang sa mga kadahilanan ng pagkapigil ng mga ulan at pagtaas ng mga presyo ay ang kawalang-katarungan at ang katiwalian. info