വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം).

പേജ് നമ്പർ:close

external-link copy
31 : 51

۞ قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَيُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ

Nagsabi si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga anghel: "Ano ang pumapatungkol sa inyo? Ano ang nilalayon ninyo?" info
التفاسير:

external-link copy
32 : 51

قَالُوٓاْ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمٖ مُّجۡرِمِينَ

Nagsabi ang mga anghel bilang sagot sa kanya: "Tunay na kami ay ipinadala ni Allāh sa mga taong salarin na gumagawa ng mga pangit sa mga pagkakasala, info
التفاسير:

external-link copy
33 : 51

لِنُرۡسِلَ عَلَيۡهِمۡ حِجَارَةٗ مِّن طِينٖ

upang magpadala kami sa kanila ng mga batong yari sa luwad na nanigas, info
التفاسير:

external-link copy
34 : 51

مُّسَوَّمَةً عِندَ رَبِّكَ لِلۡمُسۡرِفِينَ

tinatakan sa ganang Panginoon mo, O Abraham, na ipinadadala sa mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh, na mga tagapagpalabis sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway." info
التفاسير:

external-link copy
35 : 51

فَأَخۡرَجۡنَا مَن كَانَ فِيهَا مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Kaya nagpalabas Kami ng sinumang dati ay nasa pamayanan ng mga kababayan ni Lot kabilang sa mga mananampalataya upang hindi tumama sa kanila ang tatama sa mga salarin na pagdurusa. info
التفاسير:

external-link copy
36 : 51

فَمَا وَجَدۡنَا فِيهَا غَيۡرَ بَيۡتٖ مِّنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ

Ngunit wala kaming natagpuan sa pamayanan nilang ito maliban sa nag-iisang sambahayan ng mga tagapagpasakop. Sila ay ang mag-anak ni Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. info
التفاسير:

external-link copy
37 : 51

وَتَرَكۡنَا فِيهَآ ءَايَةٗ لِّلَّذِينَ يَخَافُونَ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَلِيمَ

Nag-iwan Kami sa pamayanan ng mga kababayan ni Lot ng mga bakas ng pagdurusa, na nagpapatunay sa pagkaganap ng pagdurusa sa kanila upang magsaalang-alang nito ang sinumang nangangamba sa pagdurusang nakasasakit na tumama sa kanila para hindi gumawa ayon sa gawain nila upang maligtas doon. info
التفاسير:

external-link copy
38 : 51

وَفِي مُوسَىٰٓ إِذۡ أَرۡسَلۡنَٰهُ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ

Kay Moises, nang nagpadala Kami sa kanya kay Paraon kalakip ng mga katwirang maliwanag, ay may tanda para sa sinumang nangangamba sa pagdurusang nakasasakit. info
التفاسير:

external-link copy
39 : 51

فَتَوَلَّىٰ بِرُكۡنِهِۦ وَقَالَ سَٰحِرٌ أَوۡ مَجۡنُونٞ

Ngunit umayaw si Paraon – habang nangangaway sa pamamagitan ng lakas niya at kawal niya – sa katotohanan. Nagsabi siya tungkol kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Siya ay manggagaway na nanggagaway ng mga tao, o baliw na nagsasabi ng hindi niya nauunawaan." info
التفاسير:

external-link copy
40 : 51

فَأَخَذۡنَٰهُ وَجُنُودَهُۥ فَنَبَذۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡيَمِّ وَهُوَ مُلِيمٞ

Kaya kinuha Namin siya mismo at ang mga kawal niya sa kabuuan nila at itinapon Namin sila sa dagat kaya nalunod sila at napahamak sila habang si Paraon ay nakagagawa ng maisisisi sa kanya na pagpapasinungaling at pag-aangkin na siya ay diyos. info
التفاسير:

external-link copy
41 : 51

وَفِي عَادٍ إِذۡ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمُ ٱلرِّيحَ ٱلۡعَقِيمَ

Sa `Ād, ang lipi ni Hūd, ay may tanda para sa sinumang nangangamba sa pagdurusang nakasasakit nang nagpadala Kami sa kanila ng hangin na hindi nagdadala ng ulan, hindi nagpapabunga ng mga punung-kahoy, at walang biyaya. info
التفاسير:

external-link copy
42 : 51

مَا تَذَرُ مِن شَيۡءٍ أَتَتۡ عَلَيۡهِ إِلَّا جَعَلَتۡهُ كَٱلرَّمِيمِ

Hindi ito nang-iiwan ng anumang tao o ari-arian o iba pa sa mga ito na pinuntahan nito malibang winasak nito iyon at iniwan nito iyon gaya ng nalumang nagkapira-piraso. info
التفاسير:

external-link copy
43 : 51

وَفِي ثَمُودَ إِذۡ قِيلَ لَهُمۡ تَمَتَّعُواْ حَتَّىٰ حِينٖ

Sa Thamūd, ang lipi ni Ṣāliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay may tanda para sa sinumang nangangamba sa pagdurusang nakasasakit nang sinabi sa kanila: "Magtamasa kayo sa buhay ninyo bago ng pagwawakas ng mga taning ninyo." info
التفاسير:

external-link copy
44 : 51

فَعَتَوۡاْ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهِمۡ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّٰعِقَةُ وَهُمۡ يَنظُرُونَ

Ngunit nagpakamalaki sila sa utos ng Panginoon nila at nagmataas sila bilang pagmamalaki sa pag-ayaw sa pananampalataya at pagtalima kaya dumaklot sa kanila ang lintik ng pagdurusa habang sila ay naghihintay ng pagbaba nito yayamang sila dati ay pinangakuan ng pagdurusa tatlong araw bago ng pagbaba nito. info
التفاسير:

external-link copy
45 : 51

فَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ مِن قِيَامٖ وَمَا كَانُواْ مُنتَصِرِينَ

Kaya hindi sila nakakaya na magtulak palayo sa kanila ng bumaba sa kanila na pagdurusa, at hindi sila nagkaroon ng lakas na maipampipigil nila. info
التفاسير:

external-link copy
46 : 51

وَقَوۡمَ نُوحٖ مِّن قَبۡلُۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ

Nagpasawi nga Kami sa mga kababayan ni Noe sa pamamagitan ng pagkalunod bago pa man ng mga nabanggit na ito; tunay na sila dati ay mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh kaya naging karapat-dapat sila sa parusa Niya. info
التفاسير:

external-link copy
47 : 51

وَٱلسَّمَآءَ بَنَيۡنَٰهَا بِأَيۡيْدٖ وَإِنَّا لَمُوسِعُونَ

Ang langit ay ipinatayo Namin ito at hinusayan Namin ang pagpapatayo nito sa pamamagitan ng lakas, at tunay na Kami ay talagang tagapagpalawak ng mga gilid nito. info
التفاسير:

external-link copy
48 : 51

وَٱلۡأَرۡضَ فَرَشۡنَٰهَا فَنِعۡمَ ٱلۡمَٰهِدُونَ

Ang lupa ay ginawa Namin ito na nakahimlay para sa mga nakatira sa ibabaw nito gaya ng banig para sa kanila, saka kay inam na tagapaghimlay Kami yayamang naghimlay Kami nito para sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
49 : 51

وَمِن كُلِّ شَيۡءٍ خَلَقۡنَا زَوۡجَيۡنِ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ

Mula sa bawat bagay ay lumikha kami ng magkapareha gaya ng lalaki at babae, ng langit at lupa, at ng katihan at karagatan nang sa gayon kayo ay magsasaalaala sa kaisahan ni Allāh na lumikha mula sa bawat bagay ng magkapareha at magsasaalaala kayo sa kakayahan Niya. info
التفاسير:

external-link copy
50 : 51

فَفِرُّوٓاْ إِلَى ٱللَّهِۖ إِنِّي لَكُم مِّنۡهُ نَذِيرٞ مُّبِينٞ

Kaya tumakas kayo mula sa parusa ni Allāh patungo sa gantimpala Niya sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanya at kawalan ng pagsuway sa Kanya; tunay na ako para sa inyo, O mga tao, ay isang mapagbabala laban sa parusa Niya, na malinaw ang pagbabala. info
التفاسير:

external-link copy
51 : 51

وَلَا تَجۡعَلُواْ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۖ إِنِّي لَكُم مِّنۡهُ نَذِيرٞ مُّبِينٞ

Huwag kayong gumawa kasama kay Allāh ng isang iba pang sinasamba na sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya; tunay na ako para sa inyo ay isang mapagbabalang laban dito, na malinaw ang pagbabala. info
التفاسير:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• الإيمان أعلى درجة من الإسلام.
Ang pananampalataya ay pinakamataas na antas ng Islām. info

• إهلاك الله للأمم المكذبة درس للناس جميعًا.
Ang pagpapahamak ni Allāh sa mga kalipunang tagapagpasinungaling ay isang aralin para sa mga tao sa kalahatan. info

• الخوف من الله يقتضي الفرار إليه سبحانه بالعمل الصالح، وليس الفرار منه.
Ang pangamba kay Allāh ay humihiling ng pagtakas patungo sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pamamagitan ng gawang maayos, at hindi ang pagtakas mula sa Kanya. info