വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം).

പേജ് നമ്പർ:close

external-link copy
109 : 5

۞ يَوۡمَ يَجۡمَعُ ٱللَّهُ ٱلرُّسُلَ فَيَقُولُ مَاذَآ أُجِبۡتُمۡۖ قَالُواْ لَا عِلۡمَ لَنَآۖ إِنَّكَ أَنتَ عَلَّٰمُ ٱلۡغُيُوبِ

Banggitin ninyo, O mga tao, sa Araw ng Pagbangon kung kailan kakalap si Allāh sa lahat ng mga sugo saka magsasabi Siya sa kanila: "Ano ang itinugon sa inyo ng mga kalipunan ninyo na pinagsuguan Ko sa inyo?" Magsasabi sila, habang mga nagpapaubaya ng sagot kay Allāh: "Walang kaalaman sa amin at ang kaalaman ay sa Iyo lamang, O Panginoon namin; tunay na Ikaw – tanging Ikaw – ay ang nakaaalam sa mga bagay-bagay na nakalingid." info
التفاسير:

external-link copy
110 : 5

إِذۡ قَالَ ٱللَّهُ يَٰعِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ ٱذۡكُرۡ نِعۡمَتِي عَلَيۡكَ وَعَلَىٰ وَٰلِدَتِكَ إِذۡ أَيَّدتُّكَ بِرُوحِ ٱلۡقُدُسِ تُكَلِّمُ ٱلنَّاسَ فِي ٱلۡمَهۡدِ وَكَهۡلٗاۖ وَإِذۡ عَلَّمۡتُكَ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَٱلتَّوۡرَىٰةَ وَٱلۡإِنجِيلَۖ وَإِذۡ تَخۡلُقُ مِنَ ٱلطِّينِ كَهَيۡـَٔةِ ٱلطَّيۡرِ بِإِذۡنِي فَتَنفُخُ فِيهَا فَتَكُونُ طَيۡرَۢا بِإِذۡنِيۖ وَتُبۡرِئُ ٱلۡأَكۡمَهَ وَٱلۡأَبۡرَصَ بِإِذۡنِيۖ وَإِذۡ تُخۡرِجُ ٱلۡمَوۡتَىٰ بِإِذۡنِيۖ وَإِذۡ كَفَفۡتُ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ عَنكَ إِذۡ جِئۡتَهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡهُمۡ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٞ

Banggitin kapag magsasabi si Allāh habang nakikipag-usap kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Jesus na anak ni Maria, bumanggit ka sa biyaya Ko sa iyo nang lumikha Ako sa iyo nang walang ama at bumanggit ka sa biyaya Ko sa ina mo na si Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – nang humirang Ako sa kanya higit sa mga babae sa panahon niya. Bumanggit ka mula sa ibiniyaya Ko sa iyo nang nagpalakas Ako sa iyo sa pamamagitan ni Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong nagsasalita ka sa mga tao habang ikaw ay isang sanggol sa pag-aanyaya sa kanila tungo sa Akin at nagsasalita ka sa kanila sa kasapatang-gulang mo hinggil sa ipinasugo Ko sa iyo sa kanila. Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo na nagturo Ako sa iyo ng pagsulat, nagturo Ako sa iyo ng Torah na pinababa kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ng Ebanghelyo na pinababa sa iyo, at nagturo Ako sa iyo ng mga lihim ng Batas, mga pakinabang nito, at mga karunungan nito. Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo na ikaw ay nagbibigay-anyo mula sa putik ng anyo ng isang ibon, pagkatapos umiihip ka rito at ito ay nagiging isang ibon; na ikaw ay nagpapagaling sa ipinanganak na bulag mula sa pagkabulag nito, nagpapagaling ng ketongin at ito ay nagiging magaling ang balat, at bumubuhay ng mga patay sa pamamagitan ng panalangin mo sa Akin na buhayin sila. Lahat ng iyon ay ayon sa pahintulot Ko. Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo na nagtanggol Ako sa iyon sa mga anak ni Israel noong nagbalak sila ng pagpatay sa iyo nang dinalhan mo sila ng mga himalang maliwanag ngunit walang nangyari sa kanila malibang tumanggi silang sumampalataya sa mga ito at nagsabi sila: Walang iba itong inihatid ni Jesus kundi isang panggagaway na maliwang." info
التفاسير:

external-link copy
111 : 5

وَإِذۡ أَوۡحَيۡتُ إِلَى ٱلۡحَوَارِيِّـۧنَ أَنۡ ءَامِنُواْ بِي وَبِرَسُولِي قَالُوٓاْ ءَامَنَّا وَٱشۡهَدۡ بِأَنَّنَا مُسۡلِمُونَ

Bumanggit ka ng kabilang sa ibiniyaya ko sa iyo na nagkaloob Ako sa iyo ng mga katulong nang nagpahiwatig Ako sa mga disipulo na sumampalataya sila sa Akin at sa iyo kaya nagpaakay naman sila roon, tumugon, at nagsabi: "Sumampalataya kami at sumaksi Ka, O Panginoon namin, na kami ay mga sumusuko sa Iyo, mga nagpapaakay." info
التفاسير:

external-link copy
112 : 5

إِذۡ قَالَ ٱلۡحَوَارِيُّونَ يَٰعِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ هَلۡ يَسۡتَطِيعُ رَبُّكَ أَن يُنَزِّلَ عَلَيۡنَا مَآئِدَةٗ مِّنَ ٱلسَّمَآءِۖ قَالَ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ

Bumanggit ka noong nagsabi ang mga disipulo: "O Jesus na anak ni Maria, makakakaya kaya ang Panginoon mo, kapag dumalangin ka sa Kanya, na magpababa sa atin ng isang hapag mula sa langit?" Kaya sumagot sa kanila si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa pamamagitan ng pag-uutos sa kanila ng pangingilag sa pagkakasala kay Allāh at ng pagtigil ng paghiling ng hiningi nila yayamang baka may dulot itong isang tukso sa kanila. Nagsabi siya sa kanila: "Manalig kayo sa Panginoon ninyo sa paghiling ng panustos kung kayo ay mga mananampalataya." info
التفاسير:

external-link copy
113 : 5

قَالُواْ نُرِيدُ أَن نَّأۡكُلَ مِنۡهَا وَتَطۡمَئِنَّ قُلُوبُنَا وَنَعۡلَمَ أَن قَدۡ صَدَقۡتَنَا وَنَكُونَ عَلَيۡهَا مِنَ ٱلشَّٰهِدِينَ

Nagsabi ang mga disipulo kay Jesus: "Nagnanais kami na kumain mula sa hapag na ito, mapanatag ang mga puso namin sa kalubusan ng kakayahan ni Allāh at na ikaw ay Sugo Niya, makaalam kami ayon sa kaalaman ng katiyakan na ikaw ay nagpakatapat sa amin sa inihatid mo mula sa ganang kay Allāh, at maging kabilang kami sa mga tagasaksi roon para sa hindi nakadalo roon kabilang sa mga tao." info
التفاسير:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• إثبات جمع الله للخلق يوم القيامة جليلهم وحقيرهم.
Ang pagpapatunay sa pagtitipon ni Allāh sa mga nilikha sa Araw ng Pagbangon, ang kapita-pitagan sa kanila at ang kalait-lait sa kanila. info

• إثبات بشرية المسيح عليه السلام وإثبات آياته الحسية من إحياء الموتى وإبراء الأكمه والأبرص التي أجراها الله على يديه.
Ang pagpapatibay sa pagkatao ni Kristo – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay ang pagpapatibay ng mga himala niyang pisikal gaya ng pagbibigay-buhay sa mga patay at pagpapagaling sa ipinanganak na bulag at ketongin, na pinangyari ni Allāh sa mga kamay niya. info

• بيان أن آيات الأنبياء تهدف لتثبيت الأتباع وإفحام المخالفين، وأنها ليست من تلقاء أنفسهم، بل تأتي بإذن الله تعالى.
Ang paglilinaw na ang mga himala ng mga propeta ay naglalayon ng pagpapatatag sa mga tagasunod at pagsupalpal sa mga tagasalungat at na ang mga ito ay hindi mula sa pagkukusa ng mga sarili nila, bagkus dumarating ayon sa pahintulot ni Allāh – pagkataas-taas Siya. info