വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം).

പേജ് നമ്പർ:close

external-link copy
38 : 4

وَٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمۡ رِئَآءَ ٱلنَّاسِ وَلَا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَلَا بِٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۗ وَمَن يَكُنِ ٱلشَّيۡطَٰنُ لَهُۥ قَرِينٗا فَسَآءَ قَرِينٗا

Naglaan ng pagdurusa, gayon din, para sa mga gumugugol ng mga yaman nila upang makita sila ng mga tao at papurihan sila ng mga ito samantalang sila ay hindi sumasampalataya kay Allāh ni sa Araw ng Pagbangon. Naghanda para sa kanila ng pagdurusang iyon na manghihiya. Walang nagligaw sa kanila kundi ang pagsunod nila sa demonyo. Ang sinumang ang demonyo para sa kanya ay naging isang kasamahang nananatili, sumagwa ito bilang kasamahan! info
التفاسير:

external-link copy
39 : 4

وَمَاذَا عَلَيۡهِمۡ لَوۡ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَأَنفَقُواْ مِمَّا رَزَقَهُمُ ٱللَّهُۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِهِمۡ عَلِيمًا

Ano ang pipinsala sa mga ito kung sakaling sila ay sumampalataya kay Allāh nang totohanan at sa Araw ng Pagbangon, at gumugol mula sa itinustos sa kanila ni Allāh sa mga paraang iniibig Niya at kinalulugdan Niya? Bagkus naroon ang kabutihan sa kabuuan nito. Laging si Allāh sa kanila ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya sa kalagayan nila. Gaganti Siya sa bawat isa dahil sa gawa nito.
info
التفاسير:

external-link copy
40 : 4

إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَظۡلِمُ مِثۡقَالَ ذَرَّةٖۖ وَإِن تَكُ حَسَنَةٗ يُضَٰعِفۡهَا وَيُؤۡتِ مِن لَّدُنۡهُ أَجۡرًا عَظِيمٗا

Tunay na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay makatarungan: hindi lumalabag ng anuman sa katarungan sa mga lingkod Niya, kaya hindi Siya bumabawas mula sa mga magandang gawa nila ng kasimbigat ng isang maliit na langgam at hindi Siya dumadagdag sa masagwang gawa nila ng anuman. Kung ang [gawa na may] timbang ng isang maliit na langgam ay maganda, magpapaibayo Siya sa gantimpala nito bilang kabutihang-loob mula sa Kanya at magbibigay Siya mula sa ganang Kanya, kasabay ng pagpapaibayo, ng isang gantimpalang mabigat. info
التفاسير:

external-link copy
41 : 4

فَكَيۡفَ إِذَا جِئۡنَا مِن كُلِّ أُمَّةِۭ بِشَهِيدٖ وَجِئۡنَا بِكَ عَلَىٰ هَٰٓؤُلَآءِ شَهِيدٗا

Kaya magiging papaano ang pasya sa Araw ng Pagbangon kapag magdadala Kami ng isang propeta ng bawat kalipunan na sasaksi laban dito sa ginawa nito at magdadala Kami sa iyo, O Sugo, laban sa kalipunan mo bilang tagasaksi? info
التفاسير:

external-link copy
42 : 4

يَوۡمَئِذٖ يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَعَصَوُاْ ٱلرَّسُولَ لَوۡ تُسَوَّىٰ بِهِمُ ٱلۡأَرۡضُ وَلَا يَكۡتُمُونَ ٱللَّهَ حَدِيثٗا

Sa dakilang Araw na iyon ay mag-aasam ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sumuway sa Sugo Niya na kung sana sila ay naging alabok kaya sila at ang lupa naging magkapantay. Walang naikukubli kay Allāh na anuman mula sa ginawa nila dahil si Allāh ay magpipinid sa mga dila nila kaya hindi makabibigkas ang mga ito at magpapahintulot Siya sa mga bahagi ng katawan nila kaya sasaksi ang mga ito laban sa kanila sa ginawa nila. info
التفاسير:

external-link copy
43 : 4

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَقۡرَبُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَنتُمۡ سُكَٰرَىٰ حَتَّىٰ تَعۡلَمُواْ مَا تَقُولُونَ وَلَا جُنُبًا إِلَّا عَابِرِي سَبِيلٍ حَتَّىٰ تَغۡتَسِلُواْۚ وَإِن كُنتُم مَّرۡضَىٰٓ أَوۡ عَلَىٰ سَفَرٍ أَوۡ جَآءَ أَحَدٞ مِّنكُم مِّنَ ٱلۡغَآئِطِ أَوۡ لَٰمَسۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَلَمۡ تَجِدُواْ مَآءٗ فَتَيَمَّمُواْ صَعِيدٗا طَيِّبٗا فَٱمۡسَحُواْ بِوُجُوهِكُمۡ وَأَيۡدِيكُمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَفُوًّا غَفُورًا

O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, huwag kayong magdasal habang kayo ay nasa kalagayan ng kalasingan hanggang sa magkamalay kayo mula sa kalasingan ninyo at makatalos kayo sa sinasabi ninyo – ito noon ay bago ng pagbabawal ng alak nang lubusan; huwag kayong magdasal habang kayo ay nasa kalagayan ng janābah (pangangailangang maligo dahil sa pakikipagtalik) at huwag kayong pumasok sa mga masjid sa kalagayan nito, malibang habang mga tumatawid nang walang pananatili sa mga ito hanggang sa makapaligo kayo. Kung dinapuan kayo ng sakit na hindi maaari sa inyo ang paggamit ng tubig kasabay nito, o kayo ay mga naglalakbay, o nasira ang kadalisayan ng isa sa inyo, o nakipagtalik kayo sa mga maybahay, at hindi kayo nakatagpo ng tubig, magsadya kayo sa isang malinis na lupa [at itapik ang mga palad dito] saka ihaplos ninyo sa mga mukha ninyo at mga kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpaumanhin sa pagkukulang ninyo, Mapagpatawad sa inyo. info
التفاسير:

external-link copy
44 : 4

أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ أُوتُواْ نَصِيبٗا مِّنَ ٱلۡكِتَٰبِ يَشۡتَرُونَ ٱلضَّلَٰلَةَ وَيُرِيدُونَ أَن تَضِلُّواْ ٱلسَّبِيلَ

Hindi ka ba nakaalam, O Sugo, sa lagay ng mga Hudyo, na binigyan ni Allāh ng isang parte mula sa kaalaman sa pamamagitan ng Torah? Nagpapalit sila ng pagkaligaw sa patnubay habang sila ay mga masigasig sa pagliligaw sa inyo, O mga mananampalataya, palayo sa landasing tuwid na inihatid ng Sugo, upang tumahak kayo sa daan nilang binaluktot. info
التفاسير:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• من كمال عدله تعالى وتمام رحمته أنه لا يظلم عباده شيئًا مهما كان قليلًا، ويتفضل عليهم بمضاعفة حسناتهم.
Bahagi ng kalubusan ng katarungan Niya – pagkataas-taas Siya – at kaganapan ng awa Niya ay na Siya ay hindi lumalabag sa katarungan sa mga lingkod Niya sa anuman, maging gaano man kakaunti, at nagmamabuting-loob Siya sa kanila sa pamamagitan ng pag-iibayo sa [gantimpala sa] mga magandang gawa nila. info

• من شدة هول يوم القيامة وعظم ما ينتظر الكافر يتمنى أن يكون ترابًا.
Bahagi ng tindi ng hilakbot sa Araw ng Pagbangon at bigat ng naghihintay sa tagatangging sumampalataya ay magmimithi siya na maging alabok. info

• الجنابة تمنع من الصلاة والبقاء في المسجد، ولا بأس من المرور به دون مُكْث فيه.
Ang janābah (pangangailangang maligo dahil sa pakikipagtalik) ay pumipigil sa pagdarasal at pananatili sa masjid ngunit walang masama sa pagdaan dito nang walang pamamalagi rito. info

• تيسير الله على عباده بمشروعية التيمم عند فقد الماء أو عدم القدرة على استعماله.
Ang pagpapadali ni Allāh sa mga lingkod Niya dahil sa pagkaisinasabatas ng tayammum sa sandali ng pagkawala ng tubig o kawalan ng kakayahan sa paggamit nito. info