വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം).

പേജ് നമ്പർ:close

external-link copy
12 : 35

وَمَا يَسۡتَوِي ٱلۡبَحۡرَانِ هَٰذَا عَذۡبٞ فُرَاتٞ سَآئِغٞ شَرَابُهُۥ وَهَٰذَا مِلۡحٌ أُجَاجٞۖ وَمِن كُلّٖ تَأۡكُلُونَ لَحۡمٗا طَرِيّٗا وَتَسۡتَخۡرِجُونَ حِلۡيَةٗ تَلۡبَسُونَهَاۖ وَتَرَى ٱلۡفُلۡكَ فِيهِ مَوَاخِرَ لِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

Hindi nagkakapantay ang dalawang katubigan. Ang isa sa dalawa ay tabang na matindi ang katabangan, na madali ang pag-inom nito dahil sa katabangan nito. Ang ikalawa ay maalat na mapait, na hindi maaari ang pag-inom nito dahil sa tindi ng kaalatan nito. Mula sa bawat isa sa dalawang katubigang nabanggit ay kumakain kayo ng isang lamang malambot, ang isda, at humango kayo mula sa dalawang ito ng perlas at koral, na isinusuot ninyo bilang gayak. Nakikita mo ang mga daong, o tagatingin, habang bumibiyak sa dagat sa pamamagitan ng paglalayag ng mga ito nang pasulong at paurong, upang maghanap kayo ng kagandahang-loob ni Allāh sa pamamagitan ng pangangalakal at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa inyo mula sa maraming biyaya Niya. info
التفاسير:

external-link copy
13 : 35

يُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلّٞ يَجۡرِي لِأَجَلٖ مُّسَمّٗىۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡ لَهُ ٱلۡمُلۡكُۚ وَٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ مَا يَمۡلِكُونَ مِن قِطۡمِيرٍ

Nagpapapasok Siya ng gabi sa maghapon kaya nadaragdagan Niya ito ng haba at nagpapapasok Siya ng maghapon sa gabi kaya nadaragdagan Niya ito ng haba. Pinagsilbi Niya – kaluwalhatian sa Kanya – ang araw at pinagsilbi Niya ang buwan, habang bawat isa ay umiinog para sa isang tipanang nakatakda, na nalalaman ni Allāh: ang Araw ng Pagbangon. Yaong nagtatakda niyon sa kabuuan niyon at nagpapainog niyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo; ukol sa Kanya lamang ang paghahari. Ang mga sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya na mga anito ay hindi nagmamay-ari ng halaga ng balot ng buto ng datiles. Kaya papaanong sumasamba kayo sa sinuman bukod pa sa Akin? info
التفاسير:

external-link copy
14 : 35

إِن تَدۡعُوهُمۡ لَا يَسۡمَعُواْ دُعَآءَكُمۡ وَلَوۡ سَمِعُواْ مَا ٱسۡتَجَابُواْ لَكُمۡۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَكۡفُرُونَ بِشِرۡكِكُمۡۚ وَلَا يُنَبِّئُكَ مِثۡلُ خَبِيرٖ

Kung dadalangin kayo sa mga sinasamba ninyo ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo sapagkat sila ay mga materyal na walang buhay sa kanila at walang pandinig para sa kanila. Kung sakaling nakarinig sila sa panalangin ninyo – kung ipagpapalagay – ay talagang hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay magpapawalang-kaugnayan sila sa pagtatambal ninyo at pagsamba ninyo sa kanila. Walang isang nagpapabatid sa iyo, O Sugo, na higit na tapat kaysa kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
15 : 35

۞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ أَنتُمُ ٱلۡفُقَرَآءُ إِلَى ٱللَّهِۖ وَٱللَّهُ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ

O mga tao, kayo ay ang mga nangangailangan kay Allāh sa lahat ng mga pumapatungkol sa inyo at sa lahat ng mga kalagayan ninyo at si Allāh ay ang Walang-pangangailangan, na hindi nangangailangan sa inyo sa anuman, ang pinapupurihan sa Mundo at Kabilang-buhay sa itinatakda Niya para sa mga lingkod Niya. info
التفاسير:

external-link copy
16 : 35

إِن يَشَأۡ يُذۡهِبۡكُمۡ وَيَأۡتِ بِخَلۡقٖ جَدِيدٖ

Kung loloobin Niya – kaluwalhatian sa Kanya – na magpalaho sa inyo sa pamamagitan ng isang kapahamakang ipampapahamak Niya sa inyo ay magpapalayo Siya sa inyo at magdadala Siya ng isang nilikhang bago kapalit sa inyo, na sasamba sa Kanya at hindi magtatambal sa Kanya ng anuman. info
التفاسير:

external-link copy
17 : 35

وَمَا ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ بِعَزِيزٖ

Ang pagpapalaho sa inyo sa pamamagitan ng pagpapahamak sa inyo at ang pagdadala ng isang nilikhang bago kapalit sa inyo ay hindi imposible para kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 35

وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٞ وِزۡرَ أُخۡرَىٰۚ وَإِن تَدۡعُ مُثۡقَلَةٌ إِلَىٰ حِمۡلِهَا لَا يُحۡمَلۡ مِنۡهُ شَيۡءٞ وَلَوۡ كَانَ ذَا قُرۡبَىٰٓۗ إِنَّمَا تُنذِرُ ٱلَّذِينَ يَخۡشَوۡنَ رَبَّهُم بِٱلۡغَيۡبِ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَۚ وَمَن تَزَكَّىٰ فَإِنَّمَا يَتَزَكَّىٰ لِنَفۡسِهِۦۚ وَإِلَى ٱللَّهِ ٱلۡمَصِيرُ

Hindi dadalhin ng isang kaluluwang nagkakasala ang pagkakasala ng ibang kaluluwang nagkakasala, bagkus ang bawat kaluluwang nagkakasala ay magdadala ng pagkakasala niya. Kung mag-aanyaya ang isang kaluluwang nabibigatan sa pagdala ng mga pagkakasala niya ng isang magdadala para sa kanya ng anuman mula sa mga pagkakasala niya, walang dadalhin para sa kanya na anuman mula sa mga pagkakasala niya, kahit pa man ang inaanyayahan ay isang malapit sa kanya. Mapangangamba mo lamang, O Sugo, sa pagdurusang dulot ni Allāh ang mga nangangamba sa Panginoon nila nang lingid at gumaganap sa pagdarasal sa pinakalubos na mga paraan nito sapagkat sila ay ang mga makikinabang sa pagpapangamba mo. Ang sinumang nagpakadalisay mula sa mga pagsuway – na ang pinakamabigat sa mga ito ay ang shirk – ay nagpakadalisay lamang para sa sarili niya dahil ang pakinabang niyon ay nanunumbalik sa kanya sapagkat si Allāh ay Walang-pangangailangan sa pagtalima niya. Tungo kay Allāh ang pagbabalik sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti. info
التفاسير:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• تسخير البحر، وتعاقب الليل والنهار، وتسخير الشمس والقمر: من نعم الله على الناس، لكن الناس تعتاد هذه النعم فتغفل عنها.
Ang pagpapasilbi sa dagat, ang pagsasalitan ng gabi at maghapon, at ang pagpapasilbi sa araw at buwan ay kabilang sa mga biyaya ni Allāh sa mga tao subalit ang mga tao ay nahirati sa mga biyayang ito kaya nalilingat sila sa mga ito. info

• سفه عقول المشركين حين يدعون أصنامًا لا تسمع ولا تعقل.
Ang kahunghangan ng mga isip ng mga tagapagtambal kapag dumadalangin sila sa mga diyus-diyusan na hindi nakaririnig at hindi nakapag-uunawa. info

• الافتقار إلى الله صفة لازمة للبشر، والغنى صفة كمال لله.
Ang pangangailangan kay Allāh ay isang katangiang nakakapit sa sangkatauhan at ang kawalang-pangangailangan ay isang katangian ng kalubusan para kay Allāh. info

• تزكية النفس عائدة إلى العبد؛ فهو يحفظها إن شاء أو يضيعها.
Ang pagdadalisay ng sarili ay nanunumbalik sa tao sapagkat siya ay nangangalaga nito kung niloob niya o nagpapasawi nito. info