വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം).

പേജ് നമ്പർ:close

external-link copy
53 : 3

رَبَّنَآ ءَامَنَّا بِمَآ أَنزَلۡتَ وَٱتَّبَعۡنَا ٱلرَّسُولَ فَٱكۡتُبۡنَا مَعَ ٱلشَّٰهِدِينَ

Nagsabi ang mga disipulo gayundin: "Panginoon namin, sumampalataya kami sa pinababa Mo na Ebanghelyo at sumunod kami kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kaya gawin Mo kaming kasama ng mga tagasaksi sa katotohanan, na mga sumampalataya sa Iyo at sa mga sugo Mo." info
التفاسير:

external-link copy
54 : 3

وَمَكَرُواْ وَمَكَرَ ٱللَّهُۖ وَٱللَّهُ خَيۡرُ ٱلۡمَٰكِرِينَ

Nagpakana ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga anak ni Israel kung saan nagsikap sila sa pagpatay kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kaya nagpakana si Allāh sa kanila at iniwan Niya sila sa pagkaligaw nila. Ikinapit Niya ang pagkakahawig kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa ibang lalaki. Si Allāh ay ang pinakamabuti sa mga tagapagkana dahil walang higit na matindi kaysa sa pakana Niya – pagkataas-taas Siya – sa mga kaaway. info
التفاسير:

external-link copy
55 : 3

إِذۡ قَالَ ٱللَّهُ يَٰعِيسَىٰٓ إِنِّي مُتَوَفِّيكَ وَرَافِعُكَ إِلَيَّ وَمُطَهِّرُكَ مِنَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَجَاعِلُ ٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوكَ فَوۡقَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِۖ ثُمَّ إِلَيَّ مَرۡجِعُكُمۡ فَأَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡ فِيمَا كُنتُمۡ فِيهِ تَخۡتَلِفُونَ

Nanlansi si Allāh sa kanila, gayundin, nang nagsabi Siya habang kumakausap kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Jesus, tunay na Ako ay kukuha sa iyo nang walang kamatayan, mag-aangat sa katawan mo at kaluluwa mo tungo sa Akin, maglilinis sa iyo laban sa kasalaulaan ng mga tumangging sumampalataya sa iyo at maglalayo sa iyo sa kanila, at gagawa sa mga sumunod sa iyo sa totoong relihiyon at bahagi nito ang pananampalataya kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na higit sa mga tumangging sumampalataya sa iyo hanggang sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng patunay at dangal. Pagkatapos tungo sa Akin lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon, saka hahatol Ako sa pagitan ninyo ayon sa katotohanan sa anumang dati kayo hinggil doon ay nagkakaiba-iba. info
التفاسير:

external-link copy
56 : 3

فَأَمَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَأُعَذِّبُهُمۡ عَذَابٗا شَدِيدٗا فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَمَا لَهُم مِّن نَّٰصِرِينَ

Ngunit tungkol sa mga tumangging sumampalataya sa iyo at sa katotohanang inihatid mo sa kanila, pagdurusahin Ko sila ng isang pagdurusang matindi sa Mundo sa pamamagitan ng pagkapatay, pagkabihag, pagkaaba, at iba pa; at sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng pagdurusa sa Impiyerno. Walang ukol sa kanila na mga tagapag-adyang magsasanggalang sa kanila sa pagdurusa." info
التفاسير:

external-link copy
57 : 3

وَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَيُوَفِّيهِمۡ أُجُورَهُمۡۗ وَٱللَّهُ لَا يُحِبُّ ٱلظَّٰلِمِينَ

Hinggil sa mga sumampalataya sa iyo at sa katotohanan na inihatid mo sa kanila at gumawa ng mga maayos gaya ng pagdarasal, [pagbibigay ng] zakāh, pag-aayuno, pakikipag-ugnayan sa kaanak, at iba pa, tunay na si Allāh ay magbibigay sa kanila ng gantimpala sa mga gawa nila nang lubos na walang ibinabawas mula sa mga ito na anuman. Ang pag-uusap na ito tungkol sa mga tagasunod ni Kristo ay bago ng pagpapadala kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na ibinalita ni Kristo mismo. Si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan. Kabilang sa pinakamabigat na paglabag sa katarungan ang pagtatambal kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ang pagpapasinungaling sa mga sugo Niya. info
التفاسير:

external-link copy
58 : 3

ذَٰلِكَ نَتۡلُوهُ عَلَيۡكَ مِنَ ٱلۡأٓيَٰتِ وَٱلذِّكۡرِ ٱلۡحَكِيمِ

Ang binibigkas Naming iyon sa iyo mula sa ulat ka kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay kabilang sa mga palatandaang maliwanag na nagpapatunay sa katumpakan ng pinababa sa iyo. Ito ay isang paalaala para sa mga tagapangilag magkasala, na isang tahasang nauunawaan na hindi nadadatnan ng kabulaanan. info
التفاسير:

external-link copy
59 : 3

إِنَّ مَثَلَ عِيسَىٰ عِندَ ٱللَّهِ كَمَثَلِ ءَادَمَۖ خَلَقَهُۥ مِن تُرَابٖ ثُمَّ قَالَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ

Tunay na ang paghahalintulad sa pagkalikha kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa ganang kay Allāh ay gaya ng paghahalintulad sa pagkalikha kay Adan mula sa alabok, nang walang ama ni ina. Nagsabi lamang si Allāh dito: "Maging isang tao ka," saka nangyari ito gaya ng ninais Niya – pagkataas-taas Siya. Kaya papaanong nag-aakala sila na si Jesus ay isang diyos dahil sa katwirang ito ay nilikha nang walang ama samantalang sila ay umaamin naman na si Adan ay isang tao gayong ito ay nilikha nang walang ama ni ina? info
التفاسير:

external-link copy
60 : 3

ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَ فَلَا تَكُن مِّنَ ٱلۡمُمۡتَرِينَ

Ang katotohanang walang duda hinggil dito kaugnay sa lagay ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay ang bumaba sa iyo mula sa Panginoon mo kaya huwag kang maging kabilang sa mga nagdududang nag-aatubili, bagkus kailangan sa iyo ang katatagan sa anumang ikaw ay nakasalig doon na katotohanan. info
التفاسير:

external-link copy
61 : 3

فَمَنۡ حَآجَّكَ فِيهِ مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَكَ مِنَ ٱلۡعِلۡمِ فَقُلۡ تَعَالَوۡاْ نَدۡعُ أَبۡنَآءَنَا وَأَبۡنَآءَكُمۡ وَنِسَآءَنَا وَنِسَآءَكُمۡ وَأَنفُسَنَا وَأَنفُسَكُمۡ ثُمَّ نَبۡتَهِلۡ فَنَجۡعَل لَّعۡنَتَ ٱللَّهِ عَلَى ٱلۡكَٰذِبِينَ

Kaya ang sinumang nakipagtalo sa iyo, O Sugo, kabilang sa mga Kristiyano ng Najrān hinggil sa lagay ni Jesus, habang nag-aakalang ito ay hindi isang lingkod ni Allāh, nang matapos na may dumating sa iyo na kaalamang tumpak hinggil sa lagay nito ay magsabi ka sa kanila: "Halikayo; manawagan tayo para sa pagdalo ng mga anak namin at ng mga anak ninyo, ng mga kababaihan namin at ng mga kababaihan ninyo, at ng mga sarili namin at ng mga sarili ninyo, at magtipon tayo sa kabuuan natin. Pagkatapos magsumamo tayo kay Allāh sa pamamagitan ng panalangin na magbaba Siya ng sumpa Niya sa mga sinungaling kabilang sa amin at sa inyo." info
التفاسير:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• من كمال قدرته تعالى أنه يعاقب من يمكر بدينه وبأوليائه، فيمكر بهم كما يمكرون.
Bahagi ng kalubusan ng kapangyarihan Niya – pagkataas-taas Siya – na Siya ay nagpaparusa sa sinumang nagpapakana sa Relihiyon Niya at mga katangkilik Niya, kaya nagpapakana Siya sa kanila kung paanong nagpapakana sila. info

• بيان المعتقد الصحيح الواجب في شأن عيسى عليه السلام، وبيان موافقته للعقل فهو ليس بدعًا في الخلقة، فآدم المخلوق من غير أب ولا أم أشد غرابة والجميع يؤمن ببشريته.
Ang paglilinaw sa pinaniniwalaang tumpak na kinakailangan kaugnay sa lagay ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ang paglilinaw ng pagsang-ayon nito sa isip sapagkat siya ay hindi isang kauna-unahan sa pagkakalikha sapagkat si Adan, ang nilikhang walang ama ni ina, ay higit na matindi sa pagiging kataka-taka at ang lahat ay naniniwala sa pagkatao niya. info

• مشروعية المُباهلة بين المتنازعين على الصفة التي وردت بها الآية الكريمة.
Ang pagkaisinasabatas ng pagdalangin ng paghiling ng sumpa ni Allāh sa pagitan ng mga nag-aalitan ayon sa katangiang isinaad ng marangal na talata ng Qur'ān. info