വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം).

external-link copy
23 : 29

وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَلِقَآئِهِۦٓ أُوْلَٰٓئِكَ يَئِسُواْ مِن رَّحۡمَتِي وَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – at sa pakikipagkita sa Kanya sa Araw ng Pagbangon, ang mga iyon ay nawalan na ng pag-asa sa awa Niya kaya naman hindi sila papasok sa paraiso magpakailanman dahil sa kawalang-pananampalataya nila, at ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila sa Kabilang-buhay. info
التفاسير:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• الأصنام لا تملك رزقًا، فلا تستحق العبادة.
Ang mga diyus-diyusan ay hindi nakapagdudulot ng isang panustos kaya hindi nagiging karapat-dapat sa pagsamba. info

• طلب الرزق إنما يكون من الله الذي يملك الرزق.
Ang paghiling ng panustos ay mula kay Allāh lamang na nakapagdudulot ng panustos. info

• بدء الخلق دليل على البعث.
Ang simula ng paglikha ay patunay sa pagkabuhay na muli. info

• دخول الجنة محرم على من مات على كفره.
Ang pagpasok sa paraiso ay ipinagbabawal sa sinumang namatay sa kawalang-pananampalataya niya. info