വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം).

പേജ് നമ്പർ:close

external-link copy
29 : 28

۞ فَلَمَّا قَضَىٰ مُوسَى ٱلۡأَجَلَ وَسَارَ بِأَهۡلِهِۦٓ ءَانَسَ مِن جَانِبِ ٱلطُّورِ نَارٗاۖ قَالَ لِأَهۡلِهِ ٱمۡكُثُوٓاْ إِنِّيٓ ءَانَسۡتُ نَارٗا لَّعَلِّيٓ ءَاتِيكُم مِّنۡهَا بِخَبَرٍ أَوۡ جَذۡوَةٖ مِّنَ ٱلنَّارِ لَعَلَّكُمۡ تَصۡطَلُونَ

Kaya noong nakumpleto ni Moises at nagampanan ang dalawang taning na sampung taon at humayo siya kasama ng mag-anak niya mula sa Madyan patungo sa Ehipto, nakakita siya mula sa gilid ng bundok ng isang apoy. Nagsabi siya sa mag-anak niya: "Mamalagi kayo; tunay na ako ay nakakita ng isang apoy. Harinawa ako ay makapagdala sa inyo mula roon ng isang ulat o makapagdala ng isang ningas ng apoy na magpaparikit kayo sa pamamagitan niyon ng apoy, nang harinawa kayo ay makapagpapainit laban sa ginaw." info
التفاسير:

external-link copy
30 : 28

فَلَمَّآ أَتَىٰهَا نُودِيَ مِن شَٰطِيِٕ ٱلۡوَادِ ٱلۡأَيۡمَنِ فِي ٱلۡبُقۡعَةِ ٱلۡمُبَٰرَكَةِ مِنَ ٱلشَّجَرَةِ أَن يَٰمُوسَىٰٓ إِنِّيٓ أَنَا ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Kaya noong dumating si Moises sa apoy na nakita niya, tumawag sa kanya ang Panginoon niya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – mula sa kanang gilid ng lambak, sa kinaroroonang pinagpala ni Allāh dahil sa pakikipag-usap Niya kay Moises mula sa punong-kahoy, na [nagsasabi]: "O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan nila. info
التفاسير:

external-link copy
31 : 28

وَأَنۡ أَلۡقِ عَصَاكَۚ فَلَمَّا رَءَاهَا تَهۡتَزُّ كَأَنَّهَا جَآنّٞ وَلَّىٰ مُدۡبِرٗا وَلَمۡ يُعَقِّبۡۚ يَٰمُوسَىٰٓ أَقۡبِلۡ وَلَا تَخَفۡۖ إِنَّكَ مِنَ ٱلۡأٓمِنِينَ

Maghagis ka ng tungkod mo." Kaya naghagis nito si Moises bilang pagsunod sa utos ng Panginoon niya. Ngunit noong nakita niya ito na kumikilos at kumakawag-kawag na para bang ito ay isang ahas sa bilis nito, tumalikod siya habang tumatakas sa takot doon at hindi bumalik mula sa pagtakas niya. Kaya nanawagan sa kanya ang Panginoon niya: "O Moises, lumapit ka at huwag kang mangamba riyan sapagkat tunay na ikaw ay kabilang sa mga tiwasay mula riyan at mula sa iba pa riyan kabilang sa pinangangambahan mo. info
التفاسير:

external-link copy
32 : 28

ٱسۡلُكۡ يَدَكَ فِي جَيۡبِكَ تَخۡرُجۡ بَيۡضَآءَ مِنۡ غَيۡرِ سُوٓءٖ وَٱضۡمُمۡ إِلَيۡكَ جَنَاحَكَ مِنَ ٱلرَّهۡبِۖ فَذَٰنِكَ بُرۡهَٰنَانِ مِن رَّبِّكَ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦٓۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ

Ipasok mo ang kanang kamay mo sa bukasan ng kamisa mo mula sa malapit sa leeg, lalabas ito na maputi na walang ketong," kaya ipinasok naman ito ni Moises saka lumabas ito na mabuti gaya ng niyebe. "Iyapos mo sa iyo ang kamay mo upang mapanatag ang pangamba mo," kaya iniyapos naman ni Moises ito sa kanya kaya naglaho sa kanya ang pangamba. "Kaya ang dalawang nabanggit na ito, ang tungkod at ang kamay, ay dalawang patunay na isinugo mula sa Panginoon mo kay Paraon at sa mga maharlika nito kabilang sa mga tao nito. Tunay na sila noon ay mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway." info
التفاسير:

external-link copy
33 : 28

قَالَ رَبِّ إِنِّي قَتَلۡتُ مِنۡهُمۡ نَفۡسٗا فَأَخَافُ أَن يَقۡتُلُونِ

Nagsabi si Moises habang nagsusumamo sa Panginoon nito: "Tunay na ako ay nakapatay mula sa kanila ng isang tao kaya nangangamba ako na patayin nila ako dahil sa kanya kung pumunta ako sa kanila upang magpaabot ako sa kanila ng ipinasugo Mo. info
التفاسير:

external-link copy
34 : 28

وَأَخِي هَٰرُونُ هُوَ أَفۡصَحُ مِنِّي لِسَانٗا فَأَرۡسِلۡهُ مَعِيَ رِدۡءٗا يُصَدِّقُنِيٓۖ إِنِّيٓ أَخَافُ أَن يُكَذِّبُونِ

Ang kapatid ko na si Aaron ay higit na malinaw kaysa sa akin sa pagsasalita, kaya ipadala Mo siya kasama sa akin bilang tagatulong na aalinsunod sa akin sa pagsasalita ko, kung magpapasinungaling sa akin si Paraon at ang mga tao niya. Tunay na ako ay nangangamba na magpasinungaling sila sa akin gaya nang nakagawian ng mga kalipunan na pinadalhan ng mga sugo bago ko pa ako sapagkat nagpasinungaling ang mga iyon sa kanila." info
التفاسير:

external-link copy
35 : 28

قَالَ سَنَشُدُّ عَضُدَكَ بِأَخِيكَ وَنَجۡعَلُ لَكُمَا سُلۡطَٰنٗا فَلَا يَصِلُونَ إِلَيۡكُمَا بِـَٔايَٰتِنَآۚ أَنتُمَا وَمَنِ ٱتَّبَعَكُمَا ٱلۡغَٰلِبُونَ

Nagsabi si Allāh habang sumasagot sa panalangin ni Moises: "Palalakasin ka Namin, O Moises, sa pamamagitan ng pagpapadala sa kapatid mo kasama sa iyo bilang sugong tagatulong. Maglalagay Kami sa inyong dalawa ng katwiran at pagkatig kaya hindi sila makapagpapaabot sa inyong dalawa ng kasagwaang kasusuklaman ninyong dalawa. Dahilan sa mga tanda Naming isinugo Namin kayong dalawa dahil sa mga ito, kayong dalawa at ang sinumang sumunod sa inyong dalawa kabilang sa mga mananampalataya ay ang mga inaadya." info
التفاسير:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• الوفاء بالعقود شأن المؤمنين.
Ang pagtupad sa mga kasunduan ay gawi ng mga mananampalataya. info

• تكليم الله لموسى عليه السلام ثابت على الحقيقة.
Ang pakikipag-usap ni Allāh kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay nakabatay sa reyalidad. info

• حاجة الداعي إلى الله إلى من يؤازره.
Ang pangangailangan ng nag-aanyaya tungo kay Allāh sa sinumang makatutuwang sa kanya. info

• أهمية الفصاحة بالنسبة للدعاة.
Ang kahalagahan ng katatasan sa panig sa mga tagapag-aanyaya sa Islām. info