വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം).

പേജ് നമ്പർ:close

external-link copy
37 : 24

رِجَالٞ لَّا تُلۡهِيهِمۡ تِجَٰرَةٞ وَلَا بَيۡعٌ عَن ذِكۡرِ ٱللَّهِ وَإِقَامِ ٱلصَّلَوٰةِ وَإِيتَآءِ ٱلزَّكَوٰةِ يَخَافُونَ يَوۡمٗا تَتَقَلَّبُ فِيهِ ٱلۡقُلُوبُ وَٱلۡأَبۡصَٰرُ

May mga lalaking hindi nalilibang ng isang pagbili ni ng isang pagtitinda palayo sa pag-aalaala kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya, pagsasagawa ng pagdarasal ayon sa pinakalubos na anyo, at pagbibigay ng zakāh para sa mga gugulin nito. Nangangamba sila sa Araw ng Pagbangon, ang Araw na iyon na magpapalipat-lipat doon ang mga puso sa pagitan ng pagmimithi sa kaligtasan mula sa pagdurusa at ng pangamba roon, at magpapalipat-lipat doon ang mga paningin tungo sa alinmang dakong pupunta ang mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
38 : 24

لِيَجۡزِيَهُمُ ٱللَّهُ أَحۡسَنَ مَا عَمِلُواْ وَيَزِيدَهُم مِّن فَضۡلِهِۦۗ وَٱللَّهُ يَرۡزُقُ مَن يَشَآءُ بِغَيۡرِ حِسَابٖ

Gumawa sila niyon upang gumantimpala sa kanila si Allāh dahil sa mga gawa nila ng higit na maganda sa ginawa nila at magdagdag Siya sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya bilang ganti sa mga iyon. Si Allāh ay nagtutustos sa sinumang niloloob Niya nang walang pagtutuos ayon sa sukat ng mga gawa nila, bagkus magbibigay Siya sa kanila ng ilang ulit sa ginawa nila. info
التفاسير:

external-link copy
39 : 24

وَٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَعۡمَٰلُهُمۡ كَسَرَابِۭ بِقِيعَةٖ يَحۡسَبُهُ ٱلظَّمۡـَٔانُ مَآءً حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَهُۥ لَمۡ يَجِدۡهُ شَيۡـٔٗا وَوَجَدَ ٱللَّهَ عِندَهُۥ فَوَفَّىٰهُ حِسَابَهُۥۗ وَٱللَّهُ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ

Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh, ang mga gawa nilang ginawa nila ay walang gantimpala sa mga ito, na tulad ng malikmata sa isang mababang bahagi ng lupa. Nakikita iyon ng uhaw kaya nagpapalagay siya na iyon ay isang tubig kaya pumupunta siya roon. Hanggang sa nang dumating siya roon at tumigil siya roon, hindi siya nakatagpo ng tubig. Gayon din ang tagatangging sumampalataya; nagpapalagay siya na ang mga gawa niya ay magpapakinabang sa kanya. Hanggang sa nang namatay siya at binuhay siya, hindi siya nakatagpo ng gantimpala sa mga iyon. Nakatagpo siya sa Panginoon niya sa harap niya saka maglulubus-lubos Ito sa kanya sa pagtutuos sa gawa niya nang ganap. Si Allāh ay mabilis ang pagtutuos. info
التفاسير:

external-link copy
40 : 24

أَوۡ كَظُلُمَٰتٖ فِي بَحۡرٖ لُّجِّيّٖ يَغۡشَىٰهُ مَوۡجٞ مِّن فَوۡقِهِۦ مَوۡجٞ مِّن فَوۡقِهِۦ سَحَابٞۚ ظُلُمَٰتُۢ بَعۡضُهَا فَوۡقَ بَعۡضٍ إِذَآ أَخۡرَجَ يَدَهُۥ لَمۡ يَكَدۡ يَرَىٰهَاۗ وَمَن لَّمۡ يَجۡعَلِ ٱللَّهُ لَهُۥ نُورٗا فَمَا لَهُۥ مِن نُّورٍ

O ang mga gawa nila ay tulad ng mga kadiliman sa isang dagat na malalim na may pumapaibabaw dito na mga alon, na mula sa ibabaw ng mga alon na iyon ay may mga iba pang alon, na sa ibabaw ng mga ito ay may mga ulap na nagtatakip sa ipinapampatnubay na mga bituin. Mga kadilimang nagkapatung-patong, na ang ilan sa mga ito ay nasa ibabaw ng iba, kapag naglabas ang sinumang nasadlak sa mga kadilimang ito ng kamay niya ay hindi halos siya makakita nito dahil sa tindi ng kadiliman. Gayon din ang tagatangging sumampalataya sapagkat nagkapatung-patong sa kanya ang mga kadiliman ng kamangmangan, pagdududa, pagkalito, at pagkapinid sa puso niya. Ang sinumang hindi tinustusan ni Allāh ng patnubay laban sa kaligawan at ng kaalaman sa Aklat Niya, walang ukol sa kanya na patnubay na ipampapatnubay niya at walang aklat na ipanliliwanag niya. info
التفاسير:

external-link copy
41 : 24

أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يُسَبِّحُ لَهُۥ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَٱلطَّيۡرُ صَٰٓفَّٰتٖۖ كُلّٞ قَدۡ عَلِمَ صَلَاتَهُۥ وَتَسۡبِيحَهُۥۗ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِمَا يَفۡعَلُونَ

Hindi ka ba nakaalam, O Sugo, na kay Allāh nagluluwalhati ang sinumang nasa mga langit, sa Kanya nagluluwalhati ang sinumang nasa lupa na mga nilikha Niya, at sa Kanya nagluluwalhati ang mga ibon habang nakabuka ang mga pakpak ng mga ito sa himpapawid? Bawat [isa] sa mga nilikhang iyon ay nakaalam si Allāh sa pagdarasal ng sinumang nagdarasal kabilang sa mga iyon gaya ng tao at ng pagluluwalhati ng sinumang nagluluwalhati kabilang sa mga iyon gaya ng mga ibon. Si Allāh ay Maalam sa anumang ginagawa nila: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawa nila na anuman. info
التفاسير:

external-link copy
42 : 24

وَلِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَإِلَى ٱللَّهِ ٱلۡمَصِيرُ

Sa kay Allāh lamang ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa at tungo sa Kanya lamang ang pagbabalik sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti. info
التفاسير:

external-link copy
43 : 24

أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يُزۡجِي سَحَابٗا ثُمَّ يُؤَلِّفُ بَيۡنَهُۥ ثُمَّ يَجۡعَلُهُۥ رُكَامٗا فَتَرَى ٱلۡوَدۡقَ يَخۡرُجُ مِنۡ خِلَٰلِهِۦ وَيُنَزِّلُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مِن جِبَالٖ فِيهَا مِنۢ بَرَدٖ فَيُصِيبُ بِهِۦ مَن يَشَآءُ وَيَصۡرِفُهُۥ عَن مَّن يَشَآءُۖ يَكَادُ سَنَا بَرۡقِهِۦ يَذۡهَبُ بِٱلۡأَبۡصَٰرِ

Hindi ka ba nakaalam, O Sugo, na si Allāh ay nag-aakay ng mga ulap, pagkatapos ay nagpapasanib Siya ng mga parte ng isang bahagi ng mga ito sa ibang bahagi? Pagkatapos ay gumagawa Siya sa mga ito na nagkabuntun-bunton, na pumapatong ang iba sa mga ito sa iba pa, saka nakikita mo ang ulan na lumalabas mula sa loob ng mga ulap. Nagbababa Siya mula sa dako ng langit mula sa mga ulap na nagkakapalan sa loob ng mga ito – na nakawawangis ng mga bundok sa laki ng mga ito – ng mga pirasong nagsayelong tubig gaya ng mga munting bato. Nagpapatama Siya ng yelong iyon sa sinumang niloloob Niya sa mga lingkod Niya at naglilihis Siya niyon palayo sa sinumang niloloob Niya sa kanila. Halos ang kinang ng kidlat ng mga ulap, dahil sa tindi ng kislap nito, ay nag-aalis ng mga paningin. info
التفاسير:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• موازنة المؤمن بين المشاغل الدنيوية والأعمال الأخروية أمر لازم.
Ang pagbabalanse ng mananampalataya sa pagitan ng mga pinagkakaabalahang pangmundo at ng mga gawaing pangkabilang-buhay ay isang bagay na kinakailangan. info

• بطلان عمل الكافر لفقد شرط الإيمان.
Ang kawalang-kabuluhan ng gawain ng tagatangging sumampalataya dahil sa pagkawala ng kundisyon ng pananampalataya. info

• أن الكافر نشاز من مخلوقات الله المسبِّحة المطيعة.
Na ang tagatangging sumampalataya ay isang kaalitan ng mga tagapagluwalhating tagatalimang nilikha ni Allāh. info

• جميع مراحل المطر من خلق الله وتقديره.
Ang lahat ng mga yugto ng ulan ay bahagi ng paglikha ni Allāh at pagtatakda Niya. info