വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം).

പേജ് നമ്പർ:close

external-link copy
65 : 16

وَٱللَّهُ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَحۡيَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَآۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَسۡمَعُونَ

Si Allāh ay nagpababa mula sa dako ng langit ng ulan saka nagbigay-buhay sa pamamagitan nito sa lupa sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga halaman mula rito matapos na ito dati ay tigang at tuyo. Tunay na sa pagpapababa ng ulan mula sa dako ng langit at pagpapalabas ng mga halaman ng lupa sa pamamagitan niyon ay talagang may katunayang maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong dumidinig sa salita ni Allāh at nagbubulay-bulay rito. info
التفاسير:

external-link copy
66 : 16

وَإِنَّ لَكُمۡ فِي ٱلۡأَنۡعَٰمِ لَعِبۡرَةٗۖ نُّسۡقِيكُم مِّمَّا فِي بُطُونِهِۦ مِنۢ بَيۡنِ فَرۡثٖ وَدَمٖ لَّبَنًا خَالِصٗا سَآئِغٗا لِّلشَّٰرِبِينَ

Tunay na para sa inyo, O mga tao, sa mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ay talagang may pangaral na mapangangaralan kayo sa pamamagitan nito, yayamang nagpapainom Kami sa inyo ng gatas mula sa mga suso ng mga ito, na lumalabas mula sa pagitan ng nilalaman ng tiyan na mga dumi at ng nasa katawan na dugo. Sa kabila nito ay nagpapalabas ng gatas na puro, dalisay, masarap, na nagiging kaaya-aya para sa mga umiinom. info
التفاسير:

external-link copy
67 : 16

وَمِن ثَمَرَٰتِ ٱلنَّخِيلِ وَٱلۡأَعۡنَٰبِ تَتَّخِذُونَ مِنۡهُ سَكَرٗا وَرِزۡقًا حَسَنًاۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ

Para sa inyo ay may pangaral kaugnay sa itinutustos Namin sa inyo mula sa mga bunga ng mga punong-datiles at mula sa mga bunga ng mga ubas sapagkat gumagawa kayo mula sa mga ito ng isang pampalasing na nag-aalis ng isip at ito ay hindi maganda, at gumagawa kayo mula rito ng isang panustos na maganda na nakikinabang kayo rito tulad ng datiles, pasas, suka, at pulot. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may katunayan sa kakayahan ni Allāh at pagbibiyaya Niya sa mga lingkod Niya para sa mga taong nakapag-uunawa sapagkat sila ang mga nagsasaalang-alang. info
التفاسير:

external-link copy
68 : 16

وَأَوۡحَىٰ رَبُّكَ إِلَى ٱلنَّحۡلِ أَنِ ٱتَّخِذِي مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتٗا وَمِنَ ٱلشَّجَرِ وَمِمَّا يَعۡرِشُونَ

Nagpahiwatig ang Panginoon mo, O Sugo, at gumabay Siya sa bubuyog, na [nagsasabi]: "Gumawa ka para sa iyo ng mga bahay sa mga bundok at gumawa ka ng mga bahay sa mga punong-kahoy, at sa ipinatatayo ng mga tao at binububungan nila. info
التفاسير:

external-link copy
69 : 16

ثُمَّ كُلِي مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ فَٱسۡلُكِي سُبُلَ رَبِّكِ ذُلُلٗاۚ يَخۡرُجُ مِنۢ بُطُونِهَا شَرَابٞ مُّخۡتَلِفٌ أَلۡوَٰنُهُۥ فِيهِ شِفَآءٞ لِّلنَّاسِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ

Pagkatapos kumain ka mula sa lahat ng ninanasa mo mula sa mga bunga at tumahak ka sa mga daang ipinahiwatig sa iyo ng Panginoon mo ang pagtahak sa mga iyon bilang pinasunud-sunuran." May lumalabas mula sa mga tiyan ng mga bubuyog na iyon na pulut-pukyutang nagkakaiba-iba ang mga kulay – nariyan ang puti, ang dilaw, at ang iba pa – na may taglay itong lunas para sa mga tao, na ipinanggagamot nila sa mga sakit. Tunay na sa pagpapahiwatig na iyon sa mga bubuyog at sa pulut-pukyutang lumalabas mula sa mga tiyan ng mga ito ay talagang may katunayan sa kakayahan ni Allāh at pangangasiwa Niya para sa mga kapakanan ng mga taong nag-iisip-isip sapagkat sila ang mga nagsasaalang-alang. info
التفاسير:

external-link copy
70 : 16

وَٱللَّهُ خَلَقَكُمۡ ثُمَّ يَتَوَفَّىٰكُمۡۚ وَمِنكُم مَّن يُرَدُّ إِلَىٰٓ أَرۡذَلِ ٱلۡعُمُرِ لِكَيۡ لَا يَعۡلَمَ بَعۡدَ عِلۡمٖ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٞ قَدِيرٞ

Si Allāh ay lumikha sa inyo nang walang naunang pagkakatulad, pagkatapos nagbigay-kamatayan sa inyo sa sandali ng pagtatapos ng mga taning ninyo. Mayroon sa inyo na pinahahaba ang edad hanggang sa pinakamasagwa sa mga antas ng edad, ang pag-uulyanin, kaya hindi siya nakaaalam ng anuman mula sa mga dati niyang nalalaman. Tunay na si Allāh ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ng mga lingkod Niya, May-kakayahan na hindi napanghihina ng anuman. info
التفاسير:

external-link copy
71 : 16

وَٱللَّهُ فَضَّلَ بَعۡضَكُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ فِي ٱلرِّزۡقِۚ فَمَا ٱلَّذِينَ فُضِّلُواْ بِرَآدِّي رِزۡقِهِمۡ عَلَىٰ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَهُمۡ فِيهِ سَوَآءٌۚ أَفَبِنِعۡمَةِ ٱللَّهِ يَجۡحَدُونَ

Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nagtangi ng iba sa inyo higit sa iba sa ipinagkaloob Niya sa inyo na panustos sapagkat ginawa Niya mula sa inyo ang mayaman at ang maralita at ang pinapanginoon at ang namamanginoon. Ngunit ang mga itinangi ni Allāh sa panustos ay hindi maglilipat ng ibinigay sa kanila ni Allāh sa mga alipin nila upang ang mga ito ay maging mga katambal nila sa pagkakapantay sa kanila sa pagmamay-ari. Kaya papaano silang nalulugod para kay Allāh na magkaroon ng mga katambal mula sa mga alipin Niya samantalang hindi sila nalulugod para sa mga sarili nila na magkaroon sila ng mga katambal mula sa mga alipin nila na papantay sa kanila? Kaya aling kawalang-katarungan ito at aling pagkakaila sa mga biyaya ni Allāh ang higit na mabigat kaysa rito? info
التفاسير:

external-link copy
72 : 16

وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّنۡ أَنفُسِكُمۡ أَزۡوَٰجٗا وَجَعَلَ لَكُم مِّنۡ أَزۡوَٰجِكُم بَنِينَ وَحَفَدَةٗ وَرَزَقَكُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِۚ أَفَبِٱلۡبَٰطِلِ يُؤۡمِنُونَ وَبِنِعۡمَتِ ٱللَّهِ هُمۡ يَكۡفُرُونَ

Si Allāh ay gumawa para sa inyo, O mga tao, mula sa lahi ninyo ng mga asawang nakapapalagayang-loob ninyo, gumawa para sa inyo mula sa mga asawa ninyo ng mga anak at mga anak ng mga anak, at tumustos sa inyo mula sa mga pagkain – gaya ng karne, mga butil, at mga prutas – ng kaaya-aya sa mga ito. Kaya ba sa kabulaanan na mga anito at mga diyus-diyusan ay sumasampalataya kayo at sa maraming biyaya ni Allāh na hindi ninyo nakakayang limitahan ay tumatanggi kayong kumilala at hindi kayo nagpapasalamat sa Kanya sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Kanya lamang? info
التفاسير:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• جعل تعالى لعباده من ثمرات النخيل والأعناب منافع للعباد، ومصالح من أنواع الرزق الحسن الذي يأكله العباد طريًّا ونضيجًا وحاضرًا ومُدَّخَرًا وطعامًا وشرابًا.
Gumawa Siya – pagkataas-taas Siya – para sa mga lingkod Niya mula sa mga bunga ng mga datiles at mga ubas ng mga pakinabang para mga tao at mga kapakanan mula sa mga uri ng magandang panustos na kinakain ng mga tao nang hilaw at luto, sariwa at inimbak, at bilang pagkain at inumin. info

• في خلق النحلة الصغيرة وما يخرج من بطونها من عسل لذيذ مختلف الألوان بحسب اختلاف أرضها ومراعيها، دليل على كمال عناية الله تعالى، وتمام لطفه بعباده، وأنه الذي لا ينبغي أن يوحَّد غيره ويُدْعى سواه.
Sa paglikha ng munting bubuyog at ng inilalabas ng tiyan nito na masarap na pulut-pukyutang nagkakaiba-iba ang mga kulay alinsunod sa pagkakaiba-iba ng lupa [na pinanggalingan] nito at mga kinakainan nito ay may patunay sa pagkaganap ng pagmamalasakit ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at pagkalubos ng kabaitan Niya sa mga lingkod Niya, at na hindi nararapat na sambahin ang iba pa sa Kanya at dalanginan ang bukod pa sa Kanya. info

• من منن الله العظيمة على عباده أن جعل لهم أزواجًا ليسكنوا إليها، وجعل لهم من أزواجهم أولادًا تقرُّ بهم أعينهم، ويخدمونهم ويقضون حوائجهم، وينتفعون بهم من وجوه كثيرة.
Kabilang sa mga dakilang kagandahang-loob ni Allāh sa mga lingkod Niya na gumawa Siya para sa kanila ng mga asawa upang tumahan sila sa mga ito at gumawa Siya para sa kanila mula sa mga asawa nila ng mga anak, na natutuwa sa mga ito ang mga mata nila, naglilingkod ang mga ito sa kanila, tumutugon ang mga ito sa mga pangangailangan nila, at nakikinabang sila sa mga sa mga ito sa maraming paraan. info