ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ

ಪುಟ ಸಂಖ್ಯೆ:close

external-link copy
68 : 39

وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَصَعِقَ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا مَن شَآءَ ٱللَّهُۖ ثُمَّ نُفِخَ فِيهِ أُخۡرَىٰ فَإِذَا هُمۡ قِيَامٞ يَنظُرُونَ

Sa Araw na iihip ang anghel na itinalaga sa pag-ihip sa sungay, mamamatay ang bawat sinumang nasa mga langit at sinumang nasa lupa maliban sa sinumang niloob ni Allāh ang kawalan ng kamatayan nito. Pagkatapos iihip dito ang anghel sa ikalawang pagkakataon para sa pagbuhay, saka biglang ang lahat ng mga buhay ay mga nakatayo, na nakatingin sa anumang gagawin ni Allāh sa kanila.
info
التفاسير:

external-link copy
69 : 39

وَأَشۡرَقَتِ ٱلۡأَرۡضُ بِنُورِ رَبِّهَا وَوُضِعَ ٱلۡكِتَٰبُ وَجِاْيٓءَ بِٱلنَّبِيِّـۧنَ وَٱلشُّهَدَآءِ وَقُضِيَ بَيۡنَهُم بِٱلۡحَقِّ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ

Tatanglaw ang lupa kapag nalantad ang Panginoon ng Kapangyarihan para sa pagpapasya sa pagitan ng mga tao. Ilalatag ang mga kalatas ng mga gawa ng mga tao. Ihahatid ang mga propeta at ihahatid ang kalipunan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – upang sumaksi sa mga propeta laban sa mga tao nila. Hahatol si Allāh sa pagitan nilang lahat ayon sa katarungan. Sila ay hindi lalabagin sa katarungan sa Araw na iyon kaya, naman hindi madaragdagan ang isang tao ng isang masagwang gawa at hindi siya mababawasan ng isang magandang gawa. info
التفاسير:

external-link copy
70 : 39

وَوُفِّيَتۡ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا عَمِلَتۡ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِمَا يَفۡعَلُونَ

Maglulubos si Allāh sa ganti sa bawat kaluluwa, kabutihan man ang gawa nito o kasamaan. Si Allāh ay higit na nakaaalam sa anumang ginagawa nila. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawa nila: ang kabutihan sa mga ito at ang kasamaan sa mga ito. Gaganti Siya sa kanila sa Araw na ito sa mga gawa nila. info
التفاسير:

external-link copy
71 : 39

وَسِيقَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِلَىٰ جَهَنَّمَ زُمَرًاۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُوهَا فُتِحَتۡ أَبۡوَٰبُهَا وَقَالَ لَهُمۡ خَزَنَتُهَآ أَلَمۡ يَأۡتِكُمۡ رُسُلٞ مِّنكُمۡ يَتۡلُونَ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتِ رَبِّكُمۡ وَيُنذِرُونَكُمۡ لِقَآءَ يَوۡمِكُمۡ هَٰذَاۚ قَالُواْ بَلَىٰ وَلَٰكِنۡ حَقَّتۡ كَلِمَةُ ٱلۡعَذَابِ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ

Aakay ang mga anghel sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh patungo sa Impiyerno sa mga pangkat na hamak hanggang sa, kapag dumating sila sa Impiyerno, magbubukas ng mga pintuan nito para sa kanila ang mga tanod nito na mga anghel na itinalaga roon at sasalubong ang mga ito sa kanila nang may panunumbat habang mga nagsasabi sa kanila: "Wala bang pumunta sa inyo na mga sugong kabilang sa uri inyo, na bumibigkas sa inyo ng mga tanda ng Panginoon ninyo na pinababa sa inyo at nagpapangamba sa inyo sa pakikipagkita sa Araw ng Pagbangon dahil sa taglay nito na isang pagdurusang matindi?" Sasabihin ng mga tumangging sumampalataya habang mga umaamin laban sa mga sarili nila: "Oo; nangyari nga ang lahat ng iyon, subalit kinailangan ang hatol ng pagdurusa sa mga tagatangging sumampalataya at kami dati ay mga tagatangging sumampalataya." info
التفاسير:

external-link copy
72 : 39

قِيلَ ٱدۡخُلُوٓاْ أَبۡوَٰبَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ فَبِئۡسَ مَثۡوَى ٱلۡمُتَكَبِّرِينَ

Sasabihin sa kanila bilang panghahamak sa kanila at pagpapawalang-pag-asa mula sa awa ni Allāh at mula sa paglabas mula sa Apoy: "Pumasok kayo sa mga pintuan ng Impiyerno bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Kaya kay sagwa at kay pangit ang himpilan ng mga nagpapakamalaki na mga nagmamataas sa katotohanan!" info
التفاسير:

external-link copy
73 : 39

وَسِيقَ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ رَبَّهُمۡ إِلَى ٱلۡجَنَّةِ زُمَرًاۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُوهَا وَفُتِحَتۡ أَبۡوَٰبُهَا وَقَالَ لَهُمۡ خَزَنَتُهَا سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمۡ طِبۡتُمۡ فَٱدۡخُلُوهَا خَٰلِدِينَ

Aakay ang mga anghel nang may kalumayan sa mga mananampalataya na nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya patungo sa Paraiso sa mga pangkat na pinararangalan hanggang sa, kapag dumating sila sa Paraiso, bubuksan para sa kanila ang mga pintuan niyon. Magsasabi sa kanila ng mga anghel na itinalaga roon: "Kapayapaan ay sumainyo mula sa bawat pinsala at mula sa bawat kinasusuklaman ninyo. Nagpakaaya-aya ang mga puso ninyo at ang mga gawa ninyo kaya pumasok kayo sa Paraiso bilang mga mamamalagi rito magpakailanman." info
التفاسير:

external-link copy
74 : 39

وَقَالُواْ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي صَدَقَنَا وَعۡدَهُۥ وَأَوۡرَثَنَا ٱلۡأَرۡضَ نَتَبَوَّأُ مِنَ ٱلۡجَنَّةِ حَيۡثُ نَشَآءُۖ فَنِعۡمَ أَجۡرُ ٱلۡعَٰمِلِينَ

Magsasabi ang mga mananampalataya noong nakapasok sila sa Paraiso: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtotoo sa amin ng pangako Niya na ipinangako Niya sa amin ayon sa mga pananalita ng mga sugo Niya sapagkat nangako Siya sa amin na papasukin kami sa Paraiso. Nagpamana Siya sa amin ng lupa ng Paraiso; manunuluyan kami mula roon sa pook na loloobin namin na manuluyan. Kaya kay inam ang pabuya sa mga tagagawa na gumagawa ng mga gawang maayos sa paghahangad ng [ikasisiya ng] mukha ng Panginoon nila." info
التفاسير:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• ثبوت نفختي الصور.
Ang katibayan ng dalawang pag-ihip sa tambuli. info

• بيان الإهانة التي يتلقاها الكفار، والإكرام الذي يُسْتَقبل به المؤمنون.
Ang paghahayag sa panghahamak na daranasin ng mga tagatangging sumampalataya at ang pagpaparangal na ipansasalubong sa mga mananampalataya. info

• ثبوت خلود الكفار في الجحيم، وخلود المؤمنين في النعيم.
Ang pagpapatibay sa pananatili ng mga tagatangging sumampalataya sa Impiyerno at pananatili ng mga mananampalataya sa kaginhawahan. info

• طيب العمل يورث طيب الجزاء.
Ang kaayahan ng gawain ay nagpapamana ng kaayahan ng ganti. info