ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ

ಪುಟ ಸಂಖ್ಯೆ:close

external-link copy
64 : 27

أَمَّن يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ وَمَن يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ قُلۡ هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

O ang nagsisimula ng paglikha sa mga sinapupunan sa isang baitang matapos ng isang baitang, pagkatapos nagbibigay-buhay rito matapos ng pagbibigay-kamatayan dito, at ang nagtutustos sa inyo mula sa langit sa pamamagitan ng ulang pinabababa mula sa dako niyon at nagtutustos sa inyo mula sa lupa sa pamamagitan ng mga halamang pinatutubo rito ay isang sinasamba bang gumagawa niyon kasama kay Allāh?" Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magbigay kayo ng mga patunay ninyo sa taglay ninyo na shirk kung kayo ay mga tapat sa anumang pinagsasabi ninyo na kayo ay nasa katotohanan." info
التفاسير:

external-link copy
65 : 27

قُل لَّا يَعۡلَمُ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ ٱلۡغَيۡبَ إِلَّا ٱللَّهُۚ وَمَا يَشۡعُرُونَ أَيَّانَ يُبۡعَثُونَ

Sabihin mo, O Sugo: "Hindi nalalaman ang Lingid ng sinumang nasa mga langit na mga anghel ni ng sinumang nasa lupa na mga tao, subalit si Allāh lamang ay ang nakaaalam niyon. Hindi nalalaman ng lahat ng mga nasa mga langit at ng mga nasa lupa kung kailan sila bubuhayin para sa pagganti maliban kay Allāh." info
التفاسير:

external-link copy
66 : 27

بَلِ ٱدَّٰرَكَ عِلۡمُهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِۚ بَلۡ هُمۡ فِي شَكّٖ مِّنۡهَاۖ بَلۡ هُم مِّنۡهَا عَمُونَ

O nagkasunud-sunod kaya ang kaalaman nila kaugnay sa Kabilang-buhay saka nakatiyak sila roon? Hindi. Bagkus sila ay nasa isang pagdududa at isang pagkalito hinggil sa Kabilang-buhay. Bagkus nabulag na ang mga paningin nila mula roon. info
التفاسير:

external-link copy
67 : 27

وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَءِذَا كُنَّا تُرَٰبٗا وَءَابَآؤُنَآ أَئِنَّا لَمُخۡرَجُونَ

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya habang mga nagmamasama: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok, maaari ba na pabangunin kami bilang mga buhay? info
التفاسير:

external-link copy
68 : 27

لَقَدۡ وُعِدۡنَا هَٰذَا نَحۡنُ وَءَابَآؤُنَا مِن قَبۡلُ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ

Talaga ngang pinangakuan Kami mismo at pinangakuan ang mga magulang namin bago pa man kami ay bubuhayin sa kalahatan ngunit hindi kami nakakita ng isang pagsasakatuparan para sa pangakong iyon. Walang iba ang pangakong ito na ipinangako sa amin sa kalahatan kundi ang mga kasinungalingan ng mga sinauna na nagtala ng mga ito sa mga aklat nila." info
التفاسير:

external-link copy
69 : 27

قُلۡ سِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagkailang ito sa pagbubuhay: "Humayo kayo sa alinmang dako ng lupa saka magnilay-nilay kayo kung papaano naging ang wakas ng mga salaring tagapagpasinungaling sa pagkabuhay sapagkat nagpahamak nga Kami sa kanila dahil sa pagpapasinungaling nila rito." info
التفاسير:

external-link copy
70 : 27

وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَلَا تَكُن فِي ضَيۡقٖ مِّمَّا يَمۡكُرُونَ

Huwag kang malungkot dahilan sa pag-ayaw ng mga tagapagtambal sa paanyaya mo at huwag manikip ang dibdib mo dahil sa pakana nila sapagkat si Allāh ay Tagapag-adya mo laban sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
71 : 27

وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

Nagsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na mga nagkakaila sa pagbubuhay kabilang sa mga kalipi mo: "Kailan magkakatotoo ang ipinangangako mo mismo sa amin at ng mga mananampalataya na pagdurusa, kung kayo ay mga tapat sa anumang pinagsasabi ninyo mula roon?" info
التفاسير:

external-link copy
72 : 27

قُلۡ عَسَىٰٓ أَن يَكُونَ رَدِفَ لَكُم بَعۡضُ ٱلَّذِي تَسۡتَعۡجِلُونَ

Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Marahil maging nalapit para sa inyo ang ilan sa minamadali ninyo na pagdurusa." info
التفاسير:

external-link copy
73 : 27

وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَشۡكُرُونَ

Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao yayamang nag-isang-tabi Siya ng pagmamadali sa kanila sa kaparusahan sa kabila ng taglay nila na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nagpapasalamat kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
74 : 27

وَإِنَّ رَبَّكَ لَيَعۡلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمۡ وَمَا يُعۡلِنُونَ

Tunay na ang Panginoon mo ay talagang nakaaalam ng anumang inililihim ng mga puso ng mga lingkod Niya at anumang inilalantad nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon at gaganti Siya sa kanila roon. info
التفاسير:

external-link copy
75 : 27

وَمَا مِنۡ غَآئِبَةٖ فِي ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مُّبِينٍ

Walang anumang bagay na nakalingid sa mga tao, na nasa langit, ni nakalingid sa kanila, na nasa lupa, malibang iyon ay nasa isang talaang malinaw, ang Tablerong Pinag-iingatan. info
التفاسير:

external-link copy
76 : 27

إِنَّ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ يَقُصُّ عَلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ أَكۡثَرَ ٱلَّذِي هُمۡ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ

Tunay na itong Qur’ān na ibinaba kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay nagsasalaysay sa mga anak ni Israel ng higit na marami sa anumang nagkakaiba-iba sila hinggil doon at nagbubunyag sa mga pagkakalihis nila. info
التفاسير:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• علم الغيب مما اختص به الله، فادعاؤه كفر.
Ang kaalaman sa Lingid ay kabilang sa natatangi kay Allāh kaya ang pag-aangkin nito ay kawalang-pananampalataya. info

• الاعتبار بالأمم السابقة من حيث مصيرها وأحوالها طريق النجاة.
Ang pagsasaalang-alang sa mga kalipunang nauna kaugnay sa kinahantungan ng mga ito at mga kalagayan ng mga ito ay daan ng kaligtasan. info

• إحاطة علم الله بأعمال عباده.
Ang pagkasaklaw ng kaalaman ni Allāh sa mga gawain ng mga lingkod Niya. info

• تصحيح القرآن لانحرافات بني إسرائيل وتحريفهم لكتبهم.
Ang pagtutumpak ng Qur'ān sa mga pagkakalihis ng mga anak ni Israel at ang paglilihis nila sa mga kasulatan nila. info