ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ

ಪುಟ ಸಂಖ್ಯೆ:close

external-link copy
47 : 22

وَيَسۡتَعۡجِلُونَكَ بِٱلۡعَذَابِ وَلَن يُخۡلِفَ ٱللَّهُ وَعۡدَهُۥۚ وَإِنَّ يَوۡمًا عِندَ رَبِّكَ كَأَلۡفِ سَنَةٖ مِّمَّا تَعُدُّونَ

Humihiling sa iyo, O Sugo, ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga kababayan mo ng pagmamadali sa pagdurusang ipinamamadali sa Mundo at pagdurusang ipinagpapaliban sa Kabilang-buhay dahil sa pagkababala sa kanila sa mga ito. Hindi sisira sa kanila si Allāh sa ipinangako Niya sa kanila. Kabilang sa ipinamamadali ay ang dumapo sa kanila sa Araw ng [Labanan sa] Badr. Tunay na ang isang araw ng pagdurusa sa Kabilang-buhay ay tulad ng isang libong taon mula sa binibilang ninyo mula sa mga taon ng Mundo dahilan sa dulot nitong pagdurusa. info
التفاسير:

external-link copy
48 : 22

وَكَأَيِّن مِّن قَرۡيَةٍ أَمۡلَيۡتُ لَهَا وَهِيَ ظَالِمَةٞ ثُمَّ أَخَذۡتُهَا وَإِلَيَّ ٱلۡمَصِيرُ

Anong dami ng mga pamayanan na nagpalugit Ako sa mga ito sa [pagdulot ng] pagdurusa samantalang ang mga ito ay tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya ng mga ito. Hindi Ako nakipagmadalian sa mga ito [sa pagdulot ng pagdurusa] bilang pagpapain para sa mga ito. Pagkatapos dumaklot Ako sa mga ito sa pamamagitan ng isang pagdurusang pumupuksa. Tungo sa Akin lamang ang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon, kaya gaganti Ako sa kanila sa kawalang-pananampalataya nila ng pagdurusang namamalagi. info
التفاسير:

external-link copy
49 : 22

قُلۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّمَآ أَنَا۠ لَكُمۡ نَذِيرٞ مُّبِينٞ

Sabihin mo: "O mga tao, ako lamang para sa inyo ay isang tagapagbabala, nagpapaabot sa inyo ng ipinasugo sa akin, na maliwanag sa pagbabala ko."
info
التفاسير:

external-link copy
50 : 22

فَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَرِزۡقٞ كَرِيمٞ

Kaya ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ukol sa kanila mula sa Panginoon nila ay isang kapatawaran para sa mga pagkakasala nila at ukol sa kanila ay isang panustos na masagana sa Paraiso, na hindi mapuputol magpakailanman. info
التفاسير:

external-link copy
51 : 22

وَٱلَّذِينَ سَعَوۡاْ فِيٓ ءَايَٰتِنَا مُعَٰجِزِينَ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَحِيمِ

Ang mga nagsikap sa pagpapasinungaling sa mga tanda Namin habang mga nagtataya na sila ay magpapawalang-kakayahan kay Allāh at makalulusot sa Kanya para hindi Siya makapagparusa sa kanila, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno, na pananatilihan nila gaya ng pananatili ng kasamahan sa kasamahan nito. info
التفاسير:

external-link copy
52 : 22

وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ مِن رَّسُولٖ وَلَا نَبِيٍّ إِلَّآ إِذَا تَمَنَّىٰٓ أَلۡقَى ٱلشَّيۡطَٰنُ فِيٓ أُمۡنِيَّتِهِۦ فَيَنسَخُ ٱللَّهُ مَا يُلۡقِي ٱلشَّيۡطَٰنُ ثُمَّ يُحۡكِمُ ٱللَّهُ ءَايَٰتِهِۦۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

Hindi nagpadala bago mo pa, O Sugo, ng isang sugo ni isang propeta malibang kapag bumigkas siya ng aklat ni Allāh ay nagpupukol ang demonyo sa pagbigkas nito ng nagpapalito sa mga tao [para mag-akala] na iyan ay bahagi pagkakasi, ngunit nagpapawalang-bisa si Allāh sa ipinupukol ng demonyo mula pagpukol niyon at nagpapatatag Siya sa mga tanda Niya. Si Allāh ay Maalam sa bawat bagay: walang nakakukubli sa Kanya na anuman, Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pangangasiwa Niya. info
التفاسير:

external-link copy
53 : 22

لِّيَجۡعَلَ مَا يُلۡقِي ٱلشَّيۡطَٰنُ فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡقَاسِيَةِ قُلُوبُهُمۡۗ وَإِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ لَفِي شِقَاقِۭ بَعِيدٖ

Nagpupukol ang demonyo sa pagbigkas ng Propeta upang gawin ni Allāh ang ipinupukol ng demonyo bilang pagsusulit para sa mga mapagpaimbabaw at para sa mga tumigas ang mga puso nila kabilang sa mga tagapagtambal. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan kabilang sa mga mapagpaimbabaw at mga tagapagtambal ay talagang nasa isang pangangaway kay Allāh at sa Sugo Niya at isang pagkalayo sa katotohanan at pagkagabay. info
التفاسير:

external-link copy
54 : 22

وَلِيَعۡلَمَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ أَنَّهُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَ فَيُؤۡمِنُواْ بِهِۦ فَتُخۡبِتَ لَهُۥ قُلُوبُهُمۡۗ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَهَادِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ

[Iyan ay] upang makapagtiyak ang mga binigyan ni Allāh ng kaalaman na ang Qur'ān na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay ang katotohanan na ikinasi ni Allāh sa iyo, O Sugo, para madagdagan sila ng pananampalataya rito at magpasailalim rito ang mga puso nila at magpakumbaba. Tunay na si Allāh ay talagang tagapagpatnubay ng mga sumampalataya sa Kanya tungo sa daan ng katotohanan, na tuwid, na walang pagkabaluktot doon, bilang ganti sa kanila sa pagpapasailalim nila rito. info
التفاسير:

external-link copy
55 : 22

وَلَا يَزَالُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي مِرۡيَةٖ مِّنۡهُ حَتَّىٰ تَأۡتِيَهُمُ ٱلسَّاعَةُ بَغۡتَةً أَوۡ يَأۡتِيَهُمۡ عَذَابُ يَوۡمٍ عَقِيمٍ

Hindi tumitigil na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Sugo Niya ay nasa isang pagdududa sa pinababa ni Allāh sa iyo na Qur'ān habang mga nagpapatuloy hanggang sa pumunta sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan habang sila ay nasa gayong kalagayan, o pumunta sa kanila ang isang pagdurusa sa isang Araw na walang awa para sa kanila roon at walang kabutihan. Ito ay ang Araw ng Pagbangon kaugnay sa kanila.
info
التفاسير:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• استدراج الظالم حتى يتمادى في ظلمه سُنَّة إلهية.
Ang pagpapain sa tagalabag sa katarungan, hanggang sa magpatuloy siya sa kawalang-katarungan niya, ay isang kalakarang pandiyos. info

• حفظ الله لكتابه من التبديل والتحريف وصرف مكايد أعوان الشيطان عنه.
Ang pangangalaga ni Allāh sa Aklat Niya laban sa pagpapalit at pagpilipit, at ang paglihis sa mga pakana ng mga katulong ng demonyo. info

• النفاق وقسوة القلوب مرضان قاتلان.
Ang pagpapaimbabaw at ang katigasan ng mga puso ay mga karamdamang pumapatay. info

• الإيمان ثمرة للعلم، والخشوع والخضوع لأوامر الله ثمرة للإيمان.
Ang pananampalataya ay bunga ng kaalaman. Ang pagpapakumbaba at ang pagpapasailalim sa mga kautusan ni Allah ay bunga ng pananampalataya. info