ಪವಿತ್ರ ಕುರ್‌ಆನ್ ಅರ್ಥಾನುವಾದ - ಅಲ್-ಮುಖ್ತಸರ್ ಫಿ ತಫ್ಸೀರಿಲ್ ಕುರ್‌ಆನಿಲ್ ಕರೀಮ್ - ಫಿಲಿಪ್ಪಿನಿಯನ್ (ಟ್ಯಾಗಲಾಗ್) ಅನುವಾದ

ಪುಟ ಸಂಖ್ಯೆ:close

external-link copy
80 : 16

وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّنۢ بُيُوتِكُمۡ سَكَنٗا وَجَعَلَ لَكُم مِّن جُلُودِ ٱلۡأَنۡعَٰمِ بُيُوتٗا تَسۡتَخِفُّونَهَا يَوۡمَ ظَعۡنِكُمۡ وَيَوۡمَ إِقَامَتِكُمۡ وَمِنۡ أَصۡوَافِهَا وَأَوۡبَارِهَا وَأَشۡعَارِهَآ أَثَٰثٗا وَمَتَٰعًا إِلَىٰ حِينٖ

Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay gumawa para sa inyo, mula sa mga bahay ninyong ipinatatayo ninyo yari sa bato at iba pa rito, ng isang tuluyan at isang kapahingahan; gumawa para sa inyo mula sa mga balat ng mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ng mga kubol at mga kulandong sa ilang tulad ng mga bahay sa kabayanan, na gagaan sa inyo ang pagdadala sa mga ito sa paglalakbay-lakbay ninyo mula sa isang lugar patungo sa iba pa at dadali sa inyo ang pagtukod sa mga ito sa oras ng panunuluyan ninyo; at gumawa para sa inyo mula sa mga lana ng mga tupa, mga balahibo ng mga kamelyo, at mga buhok ng mga kambing ng kasangkapan para sa mga bahay ninyo, mga kasuutan, at mga panakip na tinatamasa ninyo hanggang sa isang panahong tinakdaan. info
التفاسير:

external-link copy
81 : 16

وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّمَّا خَلَقَ ظِلَٰلٗا وَجَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلۡجِبَالِ أَكۡنَٰنٗا وَجَعَلَ لَكُمۡ سَرَٰبِيلَ تَقِيكُمُ ٱلۡحَرَّ وَسَرَٰبِيلَ تَقِيكُم بَأۡسَكُمۡۚ كَذَٰلِكَ يُتِمُّ نِعۡمَتَهُۥ عَلَيۡكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تُسۡلِمُونَ

Si Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa mga punong-kahoy at mga gusali ng nasisilungan ninyo laban sa init; gumawa para sa inyo mula sa mga bundok ng mga lagusan, mga groto, at mga yungib na nakapagtatago kayo sa loob ng mga ito palayo sa ginaw, init, at kaaway; gumawa para sa inyo ng mga kamisa at mga damit na yari sa bulak at iba pa rito na nagtutulak palayo sa inyo ng init at lamig; at gumawa para sa inyo ng mga kalasag na nagsasanggalang sa inyo sa karahasan ng iba sa inyo sa digmaan para hindi tumagos ang sandata sa mga katawan ninyo. Gaya ng pagbiyaya ni Allāh sa inyo ng mga biyayang nauna, naglulubos Siya ng mga biyaya Niya sa inyo sa pag-asang magpaakay kayo sa Kanya lamang at hindi kayo magtambal sa Kanya ng anuman. info
التفاسير:

external-link copy
82 : 16

فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّمَا عَلَيۡكَ ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ

Kaya kung umayaw sila sa pananampalataya at pagpapatotoo sa inihatid mo, walang kailangan sa iyo, O Sugo, kundi ang pagpapaabot ng ipinag-utos sa iyo na ipaabot ayon sa pagpapaabot na maliwanag at hindi kailangan sa iyo ang pagdala sa kanila sa kapatnubayan. info
التفاسير:

external-link copy
83 : 16

يَعۡرِفُونَ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ ثُمَّ يُنكِرُونَهَا وَأَكۡثَرُهُمُ ٱلۡكَٰفِرُونَ

Nakakikilala ang mga tagapagtambal sa mga biyaya ni Allāh na ibiniyaya Niya sa kanila, na kabilang sa mga ito ang pagsusugo sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kanila. Pagkatapos nagkakaila sila sa mga biyaya Niya dahil sa kawalang ng pasasalamat sa mga ito at dahil sa pagpapasinungaling sa Sugo Niya. Ang higit na marami sa kanila ay ang mga tagapagkaila sa mga biyaya Niya – kaluwalhatian sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
84 : 16

وَيَوۡمَ نَبۡعَثُ مِن كُلِّ أُمَّةٖ شَهِيدٗا ثُمَّ لَا يُؤۡذَنُ لِلَّذِينَ كَفَرُواْ وَلَا هُمۡ يُسۡتَعۡتَبُونَ

Banggitin mo, O Sugo, ang araw na bubuhay si Allāh mula sa bawat kalipunan ng sugo nitong isinugo rito na sasaksi sa pananampalataya ng mananampalataya kabilang sa kanila at sa kawalang-pananampalataya ng tagatangging sumampalataya. Pagkatapos matapos niyon ay hindi papayagan para sa mga tagatangging sumampalataya ang paghingi ng paumanhin sa dating taglay nila na kawalang-pananampalataya at hindi sila babalik sa Mundo upang gumawa ng magpapalugod sa Panginoon nila sapagkat ang Kabilang-buhay ay tahanan ng pagtutuos hindi tahanan ng paggawa. info
التفاسير:

external-link copy
85 : 16

وَإِذَا رَءَا ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ ٱلۡعَذَابَ فَلَا يُخَفَّفُ عَنۡهُمۡ وَلَا هُمۡ يُنظَرُونَ

Kapag napagmasdan ng mga tagalabag sa katarungan na mga tagapagtambal ang pagdurusa, hindi pagagaanin sa kanila ang pagdurusa ni sila ay ipagpapaliban sa pamamagitan ng pag-aantala nito sa kanila, bagkus papasok sila roon bilang mga mananatili roon at mga pananatilihin. info
التفاسير:

external-link copy
86 : 16

وَإِذَا رَءَا ٱلَّذِينَ أَشۡرَكُواْ شُرَكَآءَهُمۡ قَالُواْ رَبَّنَا هَٰٓؤُلَآءِ شُرَكَآؤُنَا ٱلَّذِينَ كُنَّا نَدۡعُواْ مِن دُونِكَۖ فَأَلۡقَوۡاْ إِلَيۡهِمُ ٱلۡقَوۡلَ إِنَّكُمۡ لَكَٰذِبُونَ

Kapag napagmasdan ng mga tagapagtambal sa Kabilang-buhay ang mga sinamba nilang sila dati ay sumasamba sa mga iyon bukod pa kay Allāh ay magsasabi sila: "Panginoon namin, ang mga ito ay ang mga pantambal namin [sa Iyo] na kami dati ay sumasamba sa kanila bukod pa sa Iyo." Nagsabi sila niyon upang ipapasan nila sa mga ito ang mga pananagutan nila ngunit pabibigkasin ni Allāh ang mga sinamba nila kaya tutugon ang mga ito sa kanila: "Tunay na kayo, O mga tagapagtambal, ay talagang mga sinungaling sa pagsamba ninyo sa isang katambal kasama kay Allāh sapagkat walang kasama sa Kanya na isang katambal para sambahin." info
التفاسير:

external-link copy
87 : 16

وَأَلۡقَوۡاْ إِلَى ٱللَّهِ يَوۡمَئِذٍ ٱلسَّلَمَۖ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ

Susuko ang mga tagapagtambal at magpapaakay sila kay Allāh lamang. Mawawala sa kanila ang dati nilang nililikha-likha gaya ng pag-aangkin na ang mga anito nila ay namamagitan para sa kanila sa ganang kay Allāh. info
التفاسير:
ಈ ಪುಟದಲ್ಲಿರುವ ಶ್ಲೋಕಗಳ ಉಪಯೋಗಗಳು:
• دلت الآيات على جواز الانتفاع بالأصواف والأوبار والأشعار على كل حال، ومنها استخدامها في البيوت والأثاث.
Nagpatunay ang mga talata ng Qur'ān sa pagpayag sa pakikinabang sa mga lana, mga balahibo, at mga buhok sa bawat kalagayan. Kabilang doon ang paggamit ng mga ito sa mga bahay at mga kasangkapan. info

• كثرة النعم من الأسباب الجالبة من العباد مزيد الشكر، والثناء بها على الله تعالى.
Ang dami ng mga biyaya ay kabilang sa mga kadahilanang hayag mula sa mga tao ang karagdagan ng pagpapasalamat at pagbubunyi dahil sa mga ito kay Allāh – pagkataas-taas Siya. info

• الشهيد الذي يشهد على كل أمة هو أزكى الشهداء وأعدلهم، وهم الرسل الذين إذا شهدوا تمّ الحكم على أقوامهم.
Ang saksi na sasaksi sa bawat kalipunan ay ang pinakadalisay sa mga saksi at ang pinakamakatarungan sa kanila. Sila ay ang mga sugong kapag sumaksi ay matutupad ang kahatulan sa mga tao nila. info

• في قوله تعالى: ﴿وَسَرَابِيلَ تَقِيكُم بِأْسَكُمْ﴾ دليل على اتخاذ العباد عدّة الجهاد؛ ليستعينوا بها على قتال الأعداء.
Sa sabi Niya – pagkataas-taas Siya: "mga kasuutang nagsasanggalang sa inyo sa karahasan sa inyo" ay may isang patunay sa paggawa ng mga tao ng kagamitan sa pakikibaka upang ipantulong nila sa pakikipaglaban sa mga kaaway. info