ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការបកប្រែជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) - មជ្ឈមណ្ឌលបកប្រែ​រ៉ូវ៉ាទ

At-Talāq

external-link copy
1 : 65

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِذَا طَلَّقۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَطَلِّقُوهُنَّ لِعِدَّتِهِنَّ وَأَحۡصُواْ ٱلۡعِدَّةَۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ رَبَّكُمۡۖ لَا تُخۡرِجُوهُنَّ مِنۢ بُيُوتِهِنَّ وَلَا يَخۡرُجۡنَ إِلَّآ أَن يَأۡتِينَ بِفَٰحِشَةٖ مُّبَيِّنَةٖۚ وَتِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِۚ وَمَن يَتَعَدَّ حُدُودَ ٱللَّهِ فَقَدۡ ظَلَمَ نَفۡسَهُۥۚ لَا تَدۡرِي لَعَلَّ ٱللَّهَ يُحۡدِثُ بَعۡدَ ذَٰلِكَ أَمۡرٗا

O Propeta, kapag magdidiborsiyo kayo ng mga maybahay ay magdiborsiyo kayo sa kanila sa para sa [simula ng] panahon ng paghihintay nila, [1] magbilang kayo ng panahon ng paghihintay,[2] at mangilag kayong magkasala kay Allāh na Panginoon ninyo. Huwag kayong magpalisan sa kanila sa mga bahay [ng mga asawa] nila at hindi sila lilisan [sa panahon ng paghihintay] maliban na makagawa sila ng isang mahalay na naglilinaw. Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang sinumang lalabag sa mga hangganan ni Allāh ay lumabag nga siya sa katarungan sa sarili niya. Hindi ka nakababatid marahil si Allāh ay magpangyari matapos niyon ng isang bagay [para magbalikan]. info

[1] Ibig sabihin: matapos na pagkalubos ng buwang dalaw ngunit bago maganap ang pakikipagtalik o sa panahon ng natiyak na pagdadalang-tao.
[2] Ibig sabihin: maghintay ng tatlong buwanang dalaw.

التفاسير:

external-link copy
2 : 65

فَإِذَا بَلَغۡنَ أَجَلَهُنَّ فَأَمۡسِكُوهُنَّ بِمَعۡرُوفٍ أَوۡ فَارِقُوهُنَّ بِمَعۡرُوفٖ وَأَشۡهِدُواْ ذَوَيۡ عَدۡلٖ مِّنكُمۡ وَأَقِيمُواْ ٱلشَّهَٰدَةَ لِلَّهِۚ ذَٰلِكُمۡ يُوعَظُ بِهِۦ مَن كَانَ يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يَجۡعَل لَّهُۥ مَخۡرَجٗا

Kaya kapag umabot sila sa taning nila ay humawak kayo sa kanila ayon sa isang nakabubuti o makipaghiwalay kayo sa kanila ayon sa isang nakabubuti. Magpasaksi kayo sa dalawang may katarungan kabilang sa inyo at magpanatili kayo ng pagsasaksi kay Allāh. Iyon ay ipinangangaral sa sinumang naging sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh ay gagawa Siya para rito ng isang malalabasan [sa bawat kagipitan], info
التفاسير:

external-link copy
3 : 65

وَيَرۡزُقۡهُ مِنۡ حَيۡثُ لَا يَحۡتَسِبُۚ وَمَن يَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِ فَهُوَ حَسۡبُهُۥٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ بَٰلِغُ أَمۡرِهِۦۚ قَدۡ جَعَلَ ٱللَّهُ لِكُلِّ شَيۡءٖ قَدۡرٗا

at magtutustos Siya rito mula sa kung saan hindi nito inaasahan. Ang sinumang nananalig kay Allāh, Siya ay kasapatan dito. Tunay na si Allāh ay umaabot sa nauukol sa Kanya. Gumawa nga si Allāh para sa bawat bagay ng isang pagtatakda. info
التفاسير:

external-link copy
4 : 65

وَٱلَّٰٓـِٔي يَئِسۡنَ مِنَ ٱلۡمَحِيضِ مِن نِّسَآئِكُمۡ إِنِ ٱرۡتَبۡتُمۡ فَعِدَّتُهُنَّ ثَلَٰثَةُ أَشۡهُرٖ وَٱلَّٰٓـِٔي لَمۡ يَحِضۡنَۚ وَأُوْلَٰتُ ٱلۡأَحۡمَالِ أَجَلُهُنَّ أَن يَضَعۡنَ حَمۡلَهُنَّۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يَجۡعَل لَّهُۥ مِنۡ أَمۡرِهِۦ يُسۡرٗا

Ang mga nawalan ng regla kabilang sa mga maybahay ninyo, kung nag-alinlangan kayo, ang panahon ng paghihintay nila ay tatlong buwan, at [gayundin] ang mga hindi na niregla. Ang mga may dinadalang-tao, ang taning [ng paghihintay] nila ay na magsilang sila ng dinadalang-tao nila. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh,[3] gagawa Siya para rito mula sa lagay nito ng isang kaluwagan. info

[3] sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.

التفاسير:

external-link copy
5 : 65

ذَٰلِكَ أَمۡرُ ٱللَّهِ أَنزَلَهُۥٓ إِلَيۡكُمۡۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يُكَفِّرۡ عَنۡهُ سَيِّـَٔاتِهِۦ وَيُعۡظِمۡ لَهُۥٓ أَجۡرًا

Iyon ay utos ni Allāh; nagpababa Siya nito sa inyo. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh[4] ay magtatakip Siya rito sa mga masagwang gawa nito at magpapasukdulan Siya para rito ng pabuya. info

[4] sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.

التفاسير: