Ang mga iyon ay ang mga binigyan Namin ng Kasulatan, dunong, at pagkapropeta; ngunit kung tatangging sumampalataya sa mga iyan ang mga ito, naipagkatiwala na Namin ang mga iyan sa mga tao[5] na sa mga iyan ay hindi mga tagatangging sumampalataya.
[5] Ang mga taong ito ay ang mga Kasamahan ng Propeta na taga-Makkah na lumikas sa Madīnah, na tinawag na Muhājirūn, at ang mga Kasamahan niya na taga-Madīnah, na tinawag na Anṣār, na nag-adya sa mga lumikas.