ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការបកប្រែជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) - មជ្ឈមណ្ឌលបកប្រែ​រ៉ូវ៉ាទ

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
7 : 58

أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۖ مَا يَكُونُ مِن نَّجۡوَىٰ ثَلَٰثَةٍ إِلَّا هُوَ رَابِعُهُمۡ وَلَا خَمۡسَةٍ إِلَّا هُوَ سَادِسُهُمۡ وَلَآ أَدۡنَىٰ مِن ذَٰلِكَ وَلَآ أَكۡثَرَ إِلَّا هُوَ مَعَهُمۡ أَيۡنَ مَا كَانُواْۖ ثُمَّ يُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُواْ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٌ

Hindi mo ba napag-alaman na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa? Walang anumang sarilinang pag-uusap ng tatlo malibang Siya ay ang ikaapat nila, ni ng lima malibang Siya ay ang ikaanim nila, ni ng higit na mababa kaysa roon, ni ng higit na marami kaysa roon malibang Siya ay kasama sa kanila nasaan man sila [sa kaalaman Niya]. Pagkatapos magbabalita Siya sa kanila, hinggil sa anumang ginawa nila [buhay nila], sa Araw ng Pagbangon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam. info
التفاسير:

external-link copy
8 : 58

أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ نُهُواْ عَنِ ٱلنَّجۡوَىٰ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا نُهُواْ عَنۡهُ وَيَتَنَٰجَوۡنَ بِٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡعُدۡوَٰنِ وَمَعۡصِيَتِ ٱلرَّسُولِۖ وَإِذَا جَآءُوكَ حَيَّوۡكَ بِمَا لَمۡ يُحَيِّكَ بِهِ ٱللَّهُ وَيَقُولُونَ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ لَوۡلَا يُعَذِّبُنَا ٱللَّهُ بِمَا نَقُولُۚ حَسۡبُهُمۡ جَهَنَّمُ يَصۡلَوۡنَهَاۖ فَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ

Hindi ka ba tumingin sa mga sinaway laban sa sarilinang pag-uusap, pagkatapos nanunumbalik sila sa sinaway sa kanila at sarilinang nag-uusapan sila hinggil sa kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo? Kapag dumating sila sa iyo ay bumabati sila sa iyo ng [pagbating] hindi ibinati sa iyo ni Allāh at nagsasabi sila sa mga sarili nila: “Bakit hindi tayo pagdusahin ni Allāh dahil sa sinasabi natin?” Kasapatan sa kanila ang Impiyerno. Masusunog sila roon, kaya kay saklap ang kahahantungan! info
التفاسير:

external-link copy
9 : 58

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا تَنَٰجَيۡتُمۡ فَلَا تَتَنَٰجَوۡاْ بِٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡعُدۡوَٰنِ وَمَعۡصِيَتِ ٱلرَّسُولِ وَتَنَٰجَوۡاْ بِٱلۡبِرِّ وَٱلتَّقۡوَىٰۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِيٓ إِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ

O mga sumampalataya, kapag sarilinang nag-usapan kayo ay huwag kayong sarilinang mag-usapan hinggil sa kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo [ni Allāh], bagkus sarilinang mag-usapan kayo hinggil sa pagsasamabuting-loob at pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na tungo sa Kanya ay kakalapin kayo. info
التفاسير:

external-link copy
10 : 58

إِنَّمَا ٱلنَّجۡوَىٰ مِنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ لِيَحۡزُنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَلَيۡسَ بِضَآرِّهِمۡ شَيۡـًٔا إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ

Ang [masamang] sarilinang pag-uusap ay mula sa demonyo lamang upang malungkot ang mga sumampalataya at hindi siya makapipinsala sa kanila ng anuman malibang may pahintulot ni Allāh. Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
11 : 58

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا قِيلَ لَكُمۡ تَفَسَّحُواْ فِي ٱلۡمَجَٰلِسِ فَٱفۡسَحُواْ يَفۡسَحِ ٱللَّهُ لَكُمۡۖ وَإِذَا قِيلَ ٱنشُزُواْ فَٱنشُزُواْ يَرۡفَعِ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنكُمۡ وَٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ دَرَجَٰتٖۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ

O mga sumampalataya, kapag sinabi sa inyo na magpaluwang-luwang kayo sa mga pagtitipon [ninyo] ay magpaluwang kayo – magpapaluwang si Allāh para sa inyo [mula sa awa Niya; at kapag sinabi sa inyo na umangat kayo [mula sa kinauupuan] ay umangat kayo – mag-aangat si Allāh ng mga antas sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at mga binigyan ng kaalaman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid. info
التفاسير: