ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការបកប្រែជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) - មជ្ឈមណ្ឌលបកប្រែ​រ៉ូវ៉ាទ

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
52 : 51

كَذَٰلِكَ مَآ أَتَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا قَالُواْ سَاحِرٌ أَوۡ مَجۡنُونٌ

Gayon din, walang pumunta sa mga [tao] bago pa nila na isang sugo [mula kay Allāh] malibang nagsabi sila: “Isang manggagaway o isang sinapian.” info
التفاسير:

external-link copy
53 : 51

أَتَوَاصَوۡاْ بِهِۦۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمٞ طَاغُونَ

Nagtagubilinan ba sila hinggil dito? Bagkus sila ay mga taong tagapagmalabis. info
التفاسير:

external-link copy
54 : 51

فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ فَمَآ أَنتَ بِمَلُومٖ

Kaya tumalikod ka palayo sa kanila sapagkat ikaw ay hindi masisisi.[7] info

[7] sapagkat naipaabot mo sa kanila ang ipinsugo sa iyo sa kanila

التفاسير:

external-link copy
55 : 51

وَذَكِّرۡ فَإِنَّ ٱلذِّكۡرَىٰ تَنفَعُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Magpaalaala ka [nang tuluy-tuloy] sapagkat tunay na ang paalaala ay nagpapakinabang sa mga mananampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
56 : 51

وَمَا خَلَقۡتُ ٱلۡجِنَّ وَٱلۡإِنسَ إِلَّا لِيَعۡبُدُونِ

Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin. info
التفاسير:

external-link copy
57 : 51

مَآ أُرِيدُ مِنۡهُم مِّن رِّزۡقٖ وَمَآ أُرِيدُ أَن يُطۡعِمُونِ

Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng anumang panustos at hindi Ako nagnanais na magpakain sila sa Akin. info
التفاسير:

external-link copy
58 : 51

إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلرَّزَّاقُ ذُو ٱلۡقُوَّةِ ٱلۡمَتِينُ

Tunay na si Allāh ay ang Palatustos, ang May Lakas, ang Matibay. info
التفاسير:

external-link copy
59 : 51

فَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ ذَنُوبٗا مِّثۡلَ ذَنُوبِ أَصۡحَٰبِهِمۡ فَلَا يَسۡتَعۡجِلُونِ

Saka tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan[8] ay mga pagkakasalang tulad ng mga pagkakasala ng mga [sinaunang] kasamahan nila, kaya huwag silang magmadali sa Akin. info

[8] sa mga sarili nila dahil sa pagpapasinungaling kay Propeta Muhammad

التفاسير:

external-link copy
60 : 51

فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن يَوۡمِهِمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ

Kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa araw nila ipinangangako sa kanila. info
التفاسير: