ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការបកប្រែជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក) - មជ្ឈមណ្ឌលបកប្រែ​រ៉ូវ៉ាទ

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
29 : 46

وَإِذۡ صَرَفۡنَآ إِلَيۡكَ نَفَرٗا مِّنَ ٱلۡجِنِّ يَسۡتَمِعُونَ ٱلۡقُرۡءَانَ فَلَمَّا حَضَرُوهُ قَالُوٓاْ أَنصِتُواْۖ فَلَمَّا قُضِيَ وَلَّوۡاْ إِلَىٰ قَوۡمِهِم مُّنذِرِينَ

[Banggitin] noong naglihis Kami tungo sa iyo ng isang pangkat ng mga jinn na nakikinig sa Qur’ān, saka noong dumalo sila roon ay nagsabi sila: “Tumahimik kayo [upang makinig].” Kaya noong nagwakas ito ay umuwi sila sa mga kalahi nila bilang mga tagapagbabala [sa kanila]. info
التفاسير:

external-link copy
30 : 46

قَالُواْ يَٰقَوۡمَنَآ إِنَّا سَمِعۡنَا كِتَٰبًا أُنزِلَ مِنۢ بَعۡدِ مُوسَىٰ مُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِ يَهۡدِيٓ إِلَى ٱلۡحَقِّ وَإِلَىٰ طَرِيقٖ مُّسۡتَقِيمٖ

Nagsabi sila: “O mga kalahi namin, tunay na kami ay nakapakinig sa isang Aklat[6] na pinababa matapos na ni Moises, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito, na nagpapatnubay tungo sa katotohanan at tungo sa isang landasing tuwid [ng Islām]. info

[6] Ibig sabihin: ang Qur’an.

التفاسير:

external-link copy
31 : 46

يَٰقَوۡمَنَآ أَجِيبُواْ دَاعِيَ ٱللَّهِ وَءَامِنُواْ بِهِۦ يَغۡفِرۡ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَيُجِرۡكُم مِّنۡ عَذَابٍ أَلِيمٖ

O mga kalahi namin, sumagot kayo sa tagapag-anyaya ni Allāh [na si Propeta Muḥammad] at sumampalataya kayo rito, magpapatawad Siya sa inyo ng ilan sa mga pagkakasala ninyo at kakalinga Siya sa inyo laban sa isang pagdurusang masakit. info
التفاسير:

external-link copy
32 : 46

وَمَن لَّا يُجِبۡ دَاعِيَ ٱللَّهِ فَلَيۡسَ بِمُعۡجِزٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَيۡسَ لَهُۥ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءُۚ أُوْلَٰٓئِكَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ

Ang sinumang hindi sumagot sa tagapag-anyaya ni Allāh [na si Propeta Muḥammad] ay hindi makapagpapawalang-kakayahan [sa Kanya] sa lupa at hindi ito magkakaroon bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malinaw. info
التفاسير:

external-link copy
33 : 46

أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَلَمۡ يَعۡيَ بِخَلۡقِهِنَّ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يُحۡـِۧيَ ٱلۡمَوۡتَىٰۚ بَلَىٰٓۚ إِنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

Hindi ba nila napag-alaman na si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa at hindi napata sa paglikha ng mga ito ay nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay? Oo; tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. info
التفاسير:

external-link copy
34 : 46

وَيَوۡمَ يُعۡرَضُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَلَى ٱلنَّارِ أَلَيۡسَ هَٰذَا بِٱلۡحَقِّۖ قَالُواْ بَلَىٰ وَرَبِّنَاۚ قَالَ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ

Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya [ay sasabihin sa kanila]: “Hindi ba ito ang katotohanan?” Magsasabi sila: “Opo; sumpa man sa Panginoon namin.” Magsasabi Siya: “Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo dati ay tumatangging sumampalataya.” info
التفاسير:

external-link copy
35 : 46

فَٱصۡبِرۡ كَمَا صَبَرَ أُوْلُواْ ٱلۡعَزۡمِ مِنَ ٱلرُّسُلِ وَلَا تَسۡتَعۡجِل لَّهُمۡۚ كَأَنَّهُمۡ يَوۡمَ يَرَوۡنَ مَا يُوعَدُونَ لَمۡ يَلۡبَثُوٓاْ إِلَّا سَاعَةٗ مِّن نَّهَارِۭۚ بَلَٰغٞۚ فَهَلۡ يُهۡلَكُ إِلَّا ٱلۡقَوۡمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ

Kaya magtiis ka [O Propeta Muḥammad] kung paanong nagtiis ang mga may pagtitika kabilang sa mga sugo[7] at huwag kang magmadali para sa kanila. Para bang sila, sa araw na makikita nila ang ipinangangako sa kanila, ay hindi namalagi kundi isang oras mula sa maghapon. Isang pagpapaabot [ito] kaya walang ipahahamak kundi ang mga taong suwail [kay Allāh]. info

[7] na sina Noe, Abraham, Moises, Jesus, at Muḥammad (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga).

التفاسير: