ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក)

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
70 : 8

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ قُل لِّمَن فِيٓ أَيۡدِيكُم مِّنَ ٱلۡأَسۡرَىٰٓ إِن يَعۡلَمِ ٱللَّهُ فِي قُلُوبِكُمۡ خَيۡرٗا يُؤۡتِكُمۡ خَيۡرٗا مِّمَّآ أُخِذَ مِنكُمۡ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

O Propeta, sabihin mo sa sinumang bumagsak sa mga kamay ninyo na mga bihag na mga tagapagtambal na nabihag ninyo sa Araw ng Badr: "Kung nakaaalam si Allāh sa mga puso ninyo ng paglalayon ng mabuti at ng kaayusan ng layunin ay magbibigay Siya sa inyo ng higit na mabuti kaysa sa kinuha mula sa inyo na pantubos kaya huwag kayong malungkot sa kinuha sa inyo mula roon, at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila." Nagkatotoo nga ang pangako ni Allāh para kay Al-`Abbās, ang tiyuhin ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at sa iba pa sa kanya kabilang sa mga yumakap sa Islām. info
التفاسير:

external-link copy
71 : 8

وَإِن يُرِيدُواْ خِيَانَتَكَ فَقَدۡ خَانُواْ ٱللَّهَ مِن قَبۡلُ فَأَمۡكَنَ مِنۡهُمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ

Kung naglalayon sila, O Muḥammad, ng kataksilan sa iyo dahil sa inilalantad nila sa iyo mula sa sinasabi [nila] ay nagtaksil na sila kay Allāh bago pa nito. Nag-adya sa iyo si Allāh laban sa kanila kaya napatay mula sa kanila ang sinumang napatay at nabihag ang sinumang nabihag, kaya maghintay sila ng tulad niyon kung uulit sila. Si Allāh ay Maalam hinggil sa nilikha Niya at hinggil sa naaangkop sa kanila, Marunong sa pangangasiwa Niya. info
التفاسير:

external-link copy
72 : 8

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَهَاجَرُواْ وَجَٰهَدُواْ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱلَّذِينَ ءَاوَواْ وَّنَصَرُوٓاْ أُوْلَٰٓئِكَ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلِيَآءُ بَعۡضٖۚ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَلَمۡ يُهَاجِرُواْ مَا لَكُم مِّن وَلَٰيَتِهِم مِّن شَيۡءٍ حَتَّىٰ يُهَاجِرُواْۚ وَإِنِ ٱسۡتَنصَرُوكُمۡ فِي ٱلدِّينِ فَعَلَيۡكُمُ ٱلنَّصۡرُ إِلَّا عَلَىٰ قَوۡمِۭ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُم مِّيثَٰقٞۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ

Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at naniwala sa Sugo Niya, gumawa ayon sa batas niya, lumikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya tungo sa bayan ng Islām o tungo sa isang lugar na sinasamba si Allāh roon nang matiwasay, at nakibaka sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga ari-arian nila at pagkakaloob ng mga sarili nila para sa pagtataas sa Salita ni Allāh; at ang mga nagpatahan sa kanila sa mga tahanan ng mga ito at nag-adya sa kanila – ang mga lumikas na iyon at ang mga nag-adya sa kanila kabilang sa mga mamamayan ng Madīnah – ay mga katangkilik ng isa’t isa sa pag-aadya at pagtulong. Ang mga sumampalataya kay Allāh at hindi lumikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya tungo sa bayan ng Islām ay walang tungkulin sa inyo, O mga mananampalataya, na mag-adya kayo sa kanila at magsanggalang kayo sa kanila hanggang sa lumikas sila ayon sa landas ni Allāh. Kung lumabag sa kanila sa katarungan ang mga tagatangging sumampalataya saka humiling sila mula sa inyo ng pag-aadya ay mag-adya kayo sa kanila laban sa kaaway nila malibang kapag nangyaring sa pagitan ninyo at ng kaaway nila ay may kasunduang hindi sinira ng mga iyon. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
73 : 8

وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلِيَآءُ بَعۡضٍۚ إِلَّا تَفۡعَلُوهُ تَكُن فِتۡنَةٞ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَفَسَادٞ كَبِيرٞ

Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh ay pinagbubuklod ng kawalang-pananampalataya kaya nag-aadya ang iba sa kanila sa iba. Kaya naman huwag silang tangkilikin ng isang mananampalataya. Kung hindi kayo tatangkilik sa mga mananampalataya at kakalaban sa mga tagatangging sumampalataya, may mangyayaring isang sigalot para sa mga mananampalataya yayamang hindi sila nakatagpo ng mag-aadya sa kanila mula sa mga kapatid nila sa Relihiyon at may mangyayaring isang mabigat na katiwalian sa lupa dahil sa pagbalakid sa landas ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
74 : 8

وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَهَاجَرُواْ وَجَٰهَدُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱلَّذِينَ ءَاوَواْ وَّنَصَرُوٓاْ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ حَقّٗاۚ لَّهُم مَّغۡفِرَةٞ وَرِزۡقٞ كَرِيمٞ

Ang mga sumampalataya kay Allāh at lumikas ayon sa landas Niya, at ang mga kumanlong sa mga lumikas ayon sa landas ni Allāh at nag-adya sa kanila, ang mga iyon ay ang mga nailalarawan sa katangian ng pananampalataya nang totohanan. Ang ganti sa kanila mula kay Allāh ay isang kapatawaran sa mga pagkakasala nila at isang panustos na masagana mula sa Kanya: ang Paraiso. info
التفاسير:

external-link copy
75 : 8

وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنۢ بَعۡدُ وَهَاجَرُواْ وَجَٰهَدُواْ مَعَكُمۡ فَأُوْلَٰٓئِكَ مِنكُمۡۚ وَأُوْلُواْ ٱلۡأَرۡحَامِ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلَىٰ بِبَعۡضٖ فِي كِتَٰبِ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمُۢ

Ang mga sumampalataya nang matapos ng pananampalataya ng mga nauuna sa Islām kabilang sa mga lumikas at mga tagapag-adya, lumikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya tungo sa bayan ng Islām, at nakibaka ayon sa landas ni Allāh upang ang Salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas at ang salita ng mga tumangging sumampalataya ay maging ang pinakamababa, ang mga iyon ay kabilang sa inyo, O mga mananampalataya. Ukol sa kanila ang ukol sa inyo na mga karapatan at para sa kanila ang para sa inyo na mga tungkulin. Ang mga may kaugnayang pangkamag-anak, ayon sa patakaran ni Allāh, ang iba sa kanila ay higit na karapat-dapat sa iba pa sa pamana kaysa sa pagmamanahan ayon sa pananampalataya at paglikas, na dati ay naunang umiiral. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sapagkat Siya ay nakaaalam sa naaangkop para sa mga lingkod Niya kaya nagsasabatas Siya para sa kanila. info
التفاسير:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• يجب على المؤمنين ترغيب الأسرى في الإيمان.
Kinakailangan sa mga mananampalataya ang pagpapaibig sa mga bihag sa pananampalataya. info

• تضمنت الآيات بشارة للمؤمنين باستمرار النصر على المشركين ما داموا آخذين بأسباب النصر المادية والمعنوية.
Naglaman ang mga talata ng Qur'ān ng nakagagalak na balita para sa mga mananampalataya ng pagpapatuloy ng pag-aadya laban sa mga tagapagtambal hanggat sila ay mga nagsasagawa ng mga materyal at moral na kaparaanan ng pagwawagi. info

• إن المسلمين إذا لم يكونوا يدًا واحدة على أهل الكفر لم تظهر شوكتهم، وحدث بذلك فساد كبير.
Tunay na ang mga Muslim, kapag sila ay hindi iisang kamay laban sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya, ay hindi mangingibabaw ang kapangyarihan nila at may mangyayaring malaking gulo dahil doon. info

• فضيلة الوفاء بالعهود والمواثيق في شرعة الإسلام، وإن عارض ذلك مصلحة بعض المسلمين.
Ang kainaman ng pagtupad sa mga kasunduan at mga tipan sa Batas ng Islām kahit pa man sumalungat iyon sa kapakanan ng ilan sa mga Muslim. info