ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក)

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
147 : 6

فَإِن كَذَّبُوكَ فَقُل رَّبُّكُمۡ ذُو رَحۡمَةٖ وَٰسِعَةٖ وَلَا يُرَدُّ بَأۡسُهُۥ عَنِ ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ

Kaya kung nagpasinungaling sila sa iyo, O Sugo, at hindi nagpatotoo sa inihatid mo mula sa Panginoon mo ay sabihin mo bilang pag-uudyok sa kanila: "Ang Panginoon ninyo ay may awang malawak. Bahagi ng awa Niya sa inyo ay ang pagpapalugit Niya sa inyo at ang hindi pagmamadali Niya sa inyo sa pagdurusa." Sabihin mo pa sa kanila bilang pagbabala sa kanila: "Tunay na ang parusa Niya ay hindi nabawi buhat sa mga taong gumagawa ng mga pagsuway at mga kasalanan." info
التفاسير:

external-link copy
148 : 6

سَيَقُولُ ٱلَّذِينَ أَشۡرَكُواْ لَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَآ أَشۡرَكۡنَا وَلَآ ءَابَآؤُنَا وَلَا حَرَّمۡنَا مِن شَيۡءٖۚ كَذَٰلِكَ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ حَتَّىٰ ذَاقُواْ بَأۡسَنَاۗ قُلۡ هَلۡ عِندَكُم مِّنۡ عِلۡمٖ فَتُخۡرِجُوهُ لَنَآۖ إِن تَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَإِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا تَخۡرُصُونَ

Magsasabi ang mga tagapagtambal habang mga nangangatwiran ng kalooban ni Allāh at pagtatakda Niya sa katumpakan ng pagtatambal nila kay Allāh: "Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami magtambal mismo ni ang mga magulang namin ay talaga sanang hindi kami nagtambal sa Kanya. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami magbawal ng ipinagbawal namin sa mga sarili namin ay talaga sanang hindi kami nagbawal niyon." Sa pamamagitan ng tulad ng katwiran nilang napabubulaanan, nagpasinungaling ang mga nauna pa sa kanila sa mga sugo ng mga iyon, na mga nagsasabi: "Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami magpasinungaling sa kanila ay talaga sanang hindi kami nagpasinungaling sa kanila." Nagpatuloy sila sa pagpapasinungaling na ito hanggang sa lumasap sila ng parusa Namin na pinababa Namin sa kanila. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Mayroon kaya sa ganang inyo na isang patunay na nagpapatunay na si Allāh ay nalugod sa inyo na magtambal kayo sa Kanya at na magpahintulot kayo ng ipinagbawal Niya at magbawal kayo ng ipinahintulot Niya? Ang payak na pagkaganap niyon mula sa inyo ay hindi isang patunay sa pagkalugod Niya sa inyo. Tunay na kayo ay walang sinusunod kaugnay roon kundi ang palagay. Tunay na ang palagay ay hindi naipapalit sa katotohanan sa anuman. Kayo ay walang [ginagawa] malibang nagpapasinungaling." info
التفاسير:

external-link copy
149 : 6

قُلۡ فَلِلَّهِ ٱلۡحُجَّةُ ٱلۡبَٰلِغَةُۖ فَلَوۡ شَآءَ لَهَدَىٰكُمۡ أَجۡمَعِينَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Kung wala kayong mga katwiran maliban sa mga mahinang katwirang ito, tunay na sa kay Allāh ang katwirang pamputol na mapuputol sa harap nito ang mga dahi-dahilan ninyong inilalahad ninyo at mawawalang-saysay sa pamamagitan nito ang mga maling akala ninyong kinakapitan ninyo. Kaya kung sakaling niloob ni Allāh ang pagtutuon sa inyo sa kalahatan sa katotohanan, O mga tagapagtambal, ay talaga sanang nagtuon Siya sa inyo roon." info
التفاسير:

external-link copy
150 : 6

قُلۡ هَلُمَّ شُهَدَآءَكُمُ ٱلَّذِينَ يَشۡهَدُونَ أَنَّ ٱللَّهَ حَرَّمَ هَٰذَاۖ فَإِن شَهِدُواْ فَلَا تَشۡهَدۡ مَعَهُمۡۚ وَلَا تَتَّبِعۡ أَهۡوَآءَ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ وَهُم بِرَبِّهِمۡ يَعۡدِلُونَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito na nagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh at nag-aangkin na si Allāh ay ang nagbawal niyon: "Magdala kayo ng mga saksi ninyo na sasaksi na si Allāh ay nagbawal ng mga bagay na ito na ipinagbawal ninyo." Ngunit kung sumaksi sila nang walang kaalaman na si Allāh ay nagbawal niyon, huwag kang maniwala sa kanila, O Sugo, sa pagsasaksi nila dahil ito ay isang pagsaksi sa kabulaanan. Huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga nagpapahatol sa mga pithaya nila sapagkat nagpasinungaling nga sila sa mga tanda ni Allāh nang ipinagbawal nila ang ipinahintulot ni Allāh sa kanila. Huwag kang sumunod sa mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay samantalang sila sa Panginoon nila ay nagtatambal saka nagpapantay sila sa Kanya sa iba pa sa Kanya. Papaanong sinusunod ang sinumang ito ang saloobin niya sa Panginoon niya?" info
التفاسير:

external-link copy
151 : 6

۞ قُلۡ تَعَالَوۡاْ أَتۡلُ مَا حَرَّمَ رَبُّكُمۡ عَلَيۡكُمۡۖ أَلَّا تُشۡرِكُواْ بِهِۦ شَيۡـٔٗاۖ وَبِٱلۡوَٰلِدَيۡنِ إِحۡسَٰنٗاۖ وَلَا تَقۡتُلُوٓاْ أَوۡلَٰدَكُم مِّنۡ إِمۡلَٰقٖ نَّحۡنُ نَرۡزُقُكُمۡ وَإِيَّاهُمۡۖ وَلَا تَقۡرَبُواْ ٱلۡفَوَٰحِشَ مَا ظَهَرَ مِنۡهَا وَمَا بَطَنَۖ وَلَا تَقۡتُلُواْ ٱلنَّفۡسَ ٱلَّتِي حَرَّمَ ٱللَّهُ إِلَّا بِٱلۡحَقِّۚ ذَٰلِكُمۡ وَصَّىٰكُم بِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tao: "Halikayo, bibigkas ako sa inyo ng ipinagbawal ni Allāh sa inyo: na magtambal kayo sa Kanya ng anuman kabilang sa mga nilikha Niya; na magpakasutil kayo sa mga magulang ninyo, bagkus kinakailangan sa inyo ang paggawa ng maganda sa kanila; na pumatay kayo ng mga anak ninyo dahilan sa karalitaan gaya ng ginagawa noon ng mga tao ng Panahon ng Kamangmangan, si Allāh ay nagtutustos sa inyo at nagtutustos sa kanila; nagbawal Siya na lumapit kayo sa mga malaswa: anumang inihayag mula sa mga ito at anumang inilihim; at na pumatay kayo ng buhay na ipinagbawal ni Allāh na patayin malibang ayon sa karapatan gaya ng pangangalunya matapos makapag-asawa at pagtalikod sa Islām." Ang nabanggit na iyon ay itinagubilin ni Allāh sa inyo, nang sa gayon kayo ay uunawa sa Kanya sa mga ipinag-uutos Niya at mga sinasaway Niya. info
التفاسير:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• الحذر من الجرائم الموصلة لبأس الله؛ لأنه لا يُرَدُّ بأسه عن القوم المجرمين إذا أراده.
Ang babala laban sa mga krimeng nagpapahantong sa kaparusahan ni Allāh dahil hindi napipigilan ang kaparusahan Niya laban sa mga taong salarin kapag ninais Niya. info

• الاحتجاج بالقضاء والقدر بعد أن أعطى الله تعالى كل مخلوق قُدْرة وإرادة يتمكَّن بهما من فعل ما كُلِّف به؛ ظُلْمٌ مَحْض وعناد صرف.
Ang pangangatwiran ng pagtatadhana at ang pagtatakda matapos na nagbigay si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa bawat nilikha ng kakayahan at pagnanais na makakakaya siya sa pamamagitan ng mga ito sa paggawa ng iniatang sa kanya ay isang dalisay na kawalang-katarungan at isang payak na pagmamatigas. info

• دَلَّتِ الآيات على أنه بحسب عقل العبد يكون قيامه بما أمر الله به.
Nagpatunay ang mga talatang ito ng Qur'ān na alinsunod sa pagkaunawa ng tao nangyayari ang pagsasagawa niya ng ipinag-utos ni Allāh. info

• النهي عن قربان الفواحش أبلغ من النهي عن مجرد فعلها، فإنه يتناول النهي عن مقدماتها ووسائلها الموصلة إليها.
Ang pagsaway sa paglapit sa mga mahalay ay higit na masidhi kaysa sa pagsaway sa paggawa lamang nito sapagkat tunay ito ay nagsasagawa ng pagsaway sa mga panimulang gawain ng mga ito at mga kaparaanan ng mga ito na nagpapahantong sa mga ito. info