ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក)

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
12 : 58

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا نَٰجَيۡتُمُ ٱلرَّسُولَ فَقَدِّمُواْ بَيۡنَ يَدَيۡ نَجۡوَىٰكُمۡ صَدَقَةٗۚ ذَٰلِكَ خَيۡرٞ لَّكُمۡ وَأَطۡهَرُۚ فَإِن لَّمۡ تَجِدُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ

Noong nagpadalas ang mga Kasamahan sa sarilinang pakikipag-usap sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – nagsabi si Allāh: "O mga sumampalataya, kapag nagnais kayo ng pakikipaglihiman sa Sugo ay maghandog kayo, bago ng pakikipaglihiman ninyo, ng isang kawanggawa. Ang paghahandog na iyon ng kawanggawa ay higit na mabuti para sa inyo at higit na dalisay dahil sa taglay nito na pagtalima kay Allāh, na nagpapalinis sa mga puso. Ngunit kung hindi kayo nakatagpo ng maikakawanggawa ninyo, walang maisisisi sa inyo sa pakikipaglihiman sa kanya sapagkat tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya, Maawain sa kanila yayamang hindi Siya nag-atang sa kanila maliban ng ayon sa kakayahan nila.
info
التفاسير:

external-link copy
13 : 58

ءَأَشۡفَقۡتُمۡ أَن تُقَدِّمُواْ بَيۡنَ يَدَيۡ نَجۡوَىٰكُمۡ صَدَقَٰتٖۚ فَإِذۡ لَمۡ تَفۡعَلُواْ وَتَابَ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمۡ فَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥۚ وَٱللَّهُ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ

Nangamba ba kayo sa karalitaan dahilan sa paghahandog ng kawanggawa kapag sarilinang nakipag-usap kayo sa Sugo? Kaya kapag hindi ninyo nagawa ang ipinag-utos ni Allāh mula sa mga ito at tumanggap naman Siya sa inyo ng pagbabalik-loob yayamang pumayag Siya para sa inyo sa pagwaglit niyon, magsagawa kayo ng pagdarasal ayon sa pinakalubos na paraan, magbigay kayo ng zakāh ng mga yaman ninyo, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
14 : 58

۞ أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ تَوَلَّوۡاْ قَوۡمًا غَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِم مَّا هُم مِّنكُمۡ وَلَا مِنۡهُمۡ وَيَحۡلِفُونَ عَلَى ٱلۡكَذِبِ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ

Hindi ka ba tumingin, O Sugo, sa mga mapagpaimbabaw na nakipagtangkilikan sa mga Hudyo, na nagalit si Allāh sa mga iyon dahilan sa kawalang-pananampalataya ng mga iyon at mga pagsuway ng mga iyon? Ang mga mapagpaimbabaw na ito ay hindi kabilang sa mga mananampalataya at hindi kabilang sa mga Hudyo. Bagkus sila ay mga nag-uurong-sulong: hindi kampi sa mga ito at hindi sa mga iyan. Sumusumpa sila na sila raw ay mga Muslim, at na sila raw ay hindi naghatid ng mga ulat hinggil sa mga Muslim sa mga Hudyo samantalang sila ay mga sinungaling sa panunumpa nila. info
التفاسير:

external-link copy
15 : 58

أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُمۡ عَذَابٗا شَدِيدًاۖ إِنَّهُمۡ سَآءَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

Naghanda si Allāh para sa kanila ng isang pagdurusang matindi sa Kabilang-buhay kung saan magpapapasok Siya sa kanila sa pinakamababang palapag ng Apoy. Tunay na sila ay kay pangit ang dati nilang taglay na mga gawain ng kawalang-pananampalataya sa Mundo. info
التفاسير:

external-link copy
16 : 58

ٱتَّخَذُوٓاْ أَيۡمَٰنَهُمۡ جُنَّةٗ فَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ فَلَهُمۡ عَذَابٞ مُّهِينٞ

Gumawa sila sa mga panunumpa nila, na dati nilang ipinanunumpa, bilang pananggalang laban sa pagkapatay, dahilan sa kawalang-pananampalataya, yayamang nagpakita sila sa pamamagitan nito ng [pag-anib] sa Islām upang mapangalagaan sila sa mga buhay nila at mga yaman nila. Kaya nagpabaling sila sa mga tao palayo sa katotohanan dahil sila ay may dulot na pagpapahina at pagbabalakid sa mga Muslim. Kaya ukol sa kanila ay isang pagdurusang mang-aaba, na mag-aaba sa kanila at manghihiya sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
17 : 58

لَّن تُغۡنِيَ عَنۡهُمۡ أَمۡوَٰلُهُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُهُم مِّنَ ٱللَّهِ شَيۡـًٔاۚ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ

Hindi makapagpapakinabang para sa kanila ang mga yaman nila ni ang mga anak nila laban kay Allāh sa anuman. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy, na papasukin nila bilang mga mamamalagi roon magpakailanman; hindi mapuputol para sa kanila ang pagdurusa, info
التفاسير:

external-link copy
18 : 58

يَوۡمَ يَبۡعَثُهُمُ ٱللَّهُ جَمِيعٗا فَيَحۡلِفُونَ لَهُۥ كَمَا يَحۡلِفُونَ لَكُمۡ وَيَحۡسَبُونَ أَنَّهُمۡ عَلَىٰ شَيۡءٍۚ أَلَآ إِنَّهُمۡ هُمُ ٱلۡكَٰذِبُونَ

sa Araw na bubuhayin sila ni Allāh sa kalahatan: hindi Siya mag-iiwan mula sa kanila ng isa man malibang bubuhayin Niya ito para sa pagganti, saka manunumpa sila kay Allāh na hindi raw sila dati nasa kawalang-pananampalataya at pagpapaimbabaw, at sila raw dati ay mga mananampalataya na tagagawa lamang ng ikinalulugod ni Allāh. Manunumpa sila sa Kanya sa Kabilang-buhay kung paano sila dating nanunumpa sa inyo, O mga mananampalataya, sa Mundo na sila raw ay mga Muslim. Nagpapalagay sila na sila, dahil sa mga panunumpang ito na ipinanunumpa nila kay Allāh, ay [nakabatay] sa isang bagay na kabilang sa magdudulot para sa kanila ng isang kapakinabangan o magtutulak palayo sa kanila ng isang kapinsalaan. Pansinin, tunay na sila ay ang mga sinungaling, sa totoo, sa mga panunumpa nila sa Mundo at sa mga panunumpa nila sa Kabilang-buhay. info
التفاسير:

external-link copy
19 : 58

ٱسۡتَحۡوَذَ عَلَيۡهِمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ فَأَنسَىٰهُمۡ ذِكۡرَ ٱللَّهِۚ أُوْلَٰٓئِكَ حِزۡبُ ٱلشَّيۡطَٰنِۚ أَلَآ إِنَّ حِزۡبَ ٱلشَّيۡطَٰنِ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ

Nakapangibabaw sa kanila ang demonyo kaya nagpalimot ito sa kanila, sa pamamagitan ng panunulsol nito, ng pag-alaala kay Allāh kaya hindi sila gumawa ayon sa ikinalulugod Niya at gumawa lamang sila ng ikinagagalit Niya. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga kawal ni Satanas at ang mga tagasunod nito. Pansinin, tunay na ang mga kawal ni Satanas at ang mga tagasunod nito ay ang mga lugi sa Mundo at Kabilang-buhay sapagkat ipinagbili nila ang patnubay kapalit ng kaligawan at ang Hardin kapalit ng Apoy. info
التفاسير:

external-link copy
20 : 58

إِنَّ ٱلَّذِينَ يُحَآدُّونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓ أُوْلَٰٓئِكَ فِي ٱلۡأَذَلِّينَ

Tunay na ang mga nakikipag-away kay Allāh at nakikipag-away sa Sugo Niya, ang mga iyon ay nasa isang kabuuan ng inaba ni Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay at ipinahiya Niya kabilang sa mga kalipunang tagatangging sumampalataya. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 58

كَتَبَ ٱللَّهُ لَأَغۡلِبَنَّ أَنَا۠ وَرُسُلِيٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ قَوِيٌّ عَزِيزٞ

Nagtadhana si Allāh sa nauna sa kaalaman Niya: "Talagang magwawagi nga Ako mismo at ang mga sugo Ko laban sa mga kaaway Namin sa pamamagitan ng katwiran at lakas." Tunay na si Allāh ay Malakas sa pag-aadya sa mga sugo Niya, Makapangyarihan na maghihiganti sa mga kaaway nila. info
التفاسير:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• لطف الله بنبيه صلى الله عليه وسلم؛ حيث أدَّب صحابته بعدم المشقَّة عليه بكثرة المناجاة.
Ang kabaitan ni Allāh sa Propeta Niya – ang basbas at ang pagbabati ng kapayapaan ay sumakanya – yayamang nag-eduka Siya sa mga Kasamahan ng Sugo ng walang pahirap sa kanya dahil sa dalas ng sarilinang pakikipag-usap. info

• ولاية اليهود من شأن المنافقين.
Ang pagtangkilik sa mga Hudyo ay kabilang sa pumapatungkol sa mga mapagpaimbabaw. info

• خسران أهل الكفر وغلبة أهل الإيمان سُنَّة إلهية قد تتأخر، لكنها لا تتخلف.
Ang pagkalugi ng mga kampon ng kawalang-pananampalataya at ang pananaig ng mga alagad ng pananampalataya ay isang kalakarang makadiyos na maaaring mahuli subalit ito ay hindi napag-iiwanan. info