ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក)

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
24 : 48

وَهُوَ ٱلَّذِي كَفَّ أَيۡدِيَهُمۡ عَنكُمۡ وَأَيۡدِيَكُمۡ عَنۡهُم بِبَطۡنِ مَكَّةَ مِنۢ بَعۡدِ أَنۡ أَظۡفَرَكُمۡ عَلَيۡهِمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرًا

Siya ay ang humadlang sa mga kamay ng mga tagapagtambal laban sa inyo nang dumating ang mga walumpung lalaki kabilang sa kanila na nagnanais ng pagdudulot ng kasagwaan sa inyo sa Ḥudaybīyah at pumigil Siya sa mga kamay ninyo laban sa kanila kaya hindi ninyo sila pinatay at hindi ninyo sila sinaktan, bagkus nagdulot kayo ng kalayaan nila matapos na ipinakaya Niya sa inyo ang pagbihag sa kanila. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 48

هُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّوكُمۡ عَنِ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ وَٱلۡهَدۡيَ مَعۡكُوفًا أَن يَبۡلُغَ مَحِلَّهُۥۚ وَلَوۡلَا رِجَالٞ مُّؤۡمِنُونَ وَنِسَآءٞ مُّؤۡمِنَٰتٞ لَّمۡ تَعۡلَمُوهُمۡ أَن تَطَـُٔوهُمۡ فَتُصِيبَكُم مِّنۡهُم مَّعَرَّةُۢ بِغَيۡرِ عِلۡمٖۖ لِّيُدۡخِلَ ٱللَّهُ فِي رَحۡمَتِهِۦ مَن يَشَآءُۚ لَوۡ تَزَيَّلُواْ لَعَذَّبۡنَا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡهُمۡ عَذَابًا أَلِيمًا

Sila ay ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at humadlang sa inyo sa Masjid na Pinakababanal at humadlang sa inaalay kaya nanatiling napipigilan sa pag-abot sa Ḥaram, ang lugar na pinagkakatayan nito. Kung hindi dahil sa pagkakaroon ng mga lalaking mananampalataya kay Allāh at mga babaing mananampalataya sa Kanya, na hindi kayo nakakikilala sa kanila – na baka mapatay ninyo sila kasama ng mga tagatangging sumampalataya kaya mapapatawan kayo dahil sa pagkapatay sa kanila ng isang kasalanan at mga bayad-pinsala nang walang kaalaman mula sa inyo – talaga sanang nagpahintulot Siya sa inyo sa pagsakop sa Makkah upang magpapapasok si Allāh sa awa Niya ng sinumang niloloob Niya tulad ng mga mananampalataya sa Makkah. Kung sakaling natangi ang mga tumangging sumampalataya sa mga mananampalataya sa Makkah ay talaga sanang pinagdusa ang mga tumanging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ng isang pagdurusang nakasasakit. info
التفاسير:

external-link copy
26 : 48

إِذۡ جَعَلَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي قُلُوبِهِمُ ٱلۡحَمِيَّةَ حَمِيَّةَ ٱلۡجَٰهِلِيَّةِ فَأَنزَلَ ٱللَّهُ سَكِينَتَهُۥ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ وَعَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَأَلۡزَمَهُمۡ كَلِمَةَ ٱلتَّقۡوَىٰ وَكَانُوٓاْ أَحَقَّ بِهَا وَأَهۡلَهَاۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا

Noong naglagay ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya sa mga puso nila ng panghahamak, panghahamak ng Kamangmangan, na hindi nauugnay sa pagsasakatotohanan ng katotohanan at nauugnay lamang sa pithaya. Humamak sila sa pagpasok ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – noong taon ng Ḥudhaybīyah dahil sa pangamba sa pang-aalipusta sa kanila dahil siya ay nanaig sa kanila roon. Kaya nagpababa si Allāh ng kapanatagan mula sa ganang Kanya sa Sugo Niya at nagpababa Siya nito sa mga mananampalataya kaya hindi naghatid sa kanila ang galit tungo sa pagtumbas sa mga tagapagtambal ng tulad sa gawain ng mga ito. Nagpanatili si Allāh sa mga mananampalataya sa pangungusap ng katotohanan, na "Walang Diyos kundi si Allāh," at na magsagawa sila ng karapatan nito kaya naman nagsagawa sila nito. Ang mga mananampalataya ay higit na may karapatan sa pangungusap na ito kaysa sa iba pa sa kanila. Sila ay ang mga alagad nito na mga nagpakakarapat-dapat dito dahil sa nalaman ni Allāh sa mga puso nila na kabutihan. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 48

لَّقَدۡ صَدَقَ ٱللَّهُ رَسُولَهُ ٱلرُّءۡيَا بِٱلۡحَقِّۖ لَتَدۡخُلُنَّ ٱلۡمَسۡجِدَ ٱلۡحَرَامَ إِن شَآءَ ٱللَّهُ ءَامِنِينَ مُحَلِّقِينَ رُءُوسَكُمۡ وَمُقَصِّرِينَ لَا تَخَافُونَۖ فَعَلِمَ مَا لَمۡ تَعۡلَمُواْ فَجَعَلَ مِن دُونِ ذَٰلِكَ فَتۡحٗا قَرِيبًا

Talaga ngang nagsakatuparan si Allāh sa Sugo Niya ng panaginip ayon sa katotohanan nang ipinakita Niya rito iyon sa pagtulog nito at ipinabatid naman nito iyon sa mga Kasamahan nito. Ang [napanaginipan ng Propeta] ay na siya at ang mga Kasamahan niya ay papasok sa Bahay na Pinakababanal ni Allāh nang ligtas mula sa kaaway nila, na kabilang sa kanila ang mga nag-ahit ng mga ulo nila at kabilang sa kanila ang mga nagpaiksi [ng buhok] bilang pagpapahayag sa wakas ng gawain ng ḥajj. Saka nakaalam si Allāh mula sa kapakanan ninyo, O mga mananampalataya, ng hindi ninyo nalaman mismo. Saka gumawa Siya ng bukod pa sa pagsasakatotohanan ng panaginip sa pamamagitan ng pagpasok sa Makkah nang taon na iyon ng isang pagpapawaging malapit. Ito ay ang ipinangyari ni Allāh na Pakikipagpayapaan sa Ḥudaybīyah at ang sumunod dito na pagsakop sa Khaybar sa kamay ng mga mananampalatayang nakadalo sa Ḥudaybīyah. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 48

هُوَ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ رَسُولَهُۥ بِٱلۡهُدَىٰ وَدِينِ ٱلۡحَقِّ لِيُظۡهِرَهُۥ عَلَى ٱلدِّينِ كُلِّهِۦۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ شَهِيدٗا

Si Allāh ay ang nagsugo sa Sugo Niyang si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kalakip ng paglilinaw na maliwanag at Relihiyon ng Katotohanan na siyang ang Islām upang magpataas Siya nito sa mga relihiyong sumasalungat dito sa kabuuan ng mga ito. Sumaksi nga si Allāh doon. Nakasapat si Allāh bilang Tagasaksi. info
التفاسير:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• الصد عن سبيل الله جريمة يستحق أصحابها العذاب الأليم.
Ang pagsagabal sa landas ni Allāh ay isang krimen na nagiging karapat-dapat ang mga tagagawa nito sa pagdurusang masakit. info

• تدبير الله لمصالح عباده فوق مستوى علمهم المحدود.
Ang pangangasiwa ni Allāh sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya ay higit sa antas ng kaalaman nilang limitado. info

• التحذير من استبدال رابطة الدين بحمية النسب أو الجاهلية.
Ang pagbibigay-babala laban sa pagpapalit sa buklod ng Relihiyon ng panatisismo ng kaangkanan o ng Kamangmangan. info

• ظهور دين الإسلام سُنَّة ووعد إلهي تحقق.
Ang pangingibabaw ng Relihiyong Islām ay kalakaran at pangakong makadiyos na magkakatotoo. info