ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក)

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
24 : 4

۞ وَٱلۡمُحۡصَنَٰتُ مِنَ ٱلنِّسَآءِ إِلَّا مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُمۡۖ كِتَٰبَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡۚ وَأُحِلَّ لَكُم مَّا وَرَآءَ ذَٰلِكُمۡ أَن تَبۡتَغُواْ بِأَمۡوَٰلِكُم مُّحۡصِنِينَ غَيۡرَ مُسَٰفِحِينَۚ فَمَا ٱسۡتَمۡتَعۡتُم بِهِۦ مِنۡهُنَّ فَـَٔاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ فَرِيضَةٗۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ فِيمَا تَرَٰضَيۡتُم بِهِۦ مِنۢ بَعۡدِ ٱلۡفَرِيضَةِۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا

Ipinagbawal sa inyo ang pag-aasawa ng mga may-asawa kabilang sa mga babae, maliban sa minay-ari ninyo sa pamamagitan ng pagbihag sa pakikibaka sa landas ni Allāh sapagkat ipinahihintulot para sa inyo ang pakikipagtalik sa kanila matapos ng pagkalinis ng mga sinapupunan nila sa pamamagitan ng isang pagreregla. Nagsatungkulin si Allāh niyon sa inyo bilang tungkulin. Nagpahintulot si Allāh sa inyo ng anumang iba pa roon na mga babae, na maghangad kayo kapalit ng mga yaman ninyo ng pagsanggalang sa pangangalunya ng sarili ninyo at pangangalaga sa kalinisan ng puri nito sa pamamagitan ng ipinahihintulot, nang hindi naglalayon ng pangangalunya. Ang [mga babaing] nagpakaligaya kayo sa kanila sa pamamagitan ng pag-aasawa ay magbigay kayo sa kanila ng mga bigay-kaya nila na ginawa ni Allāh bilang tungkuling regalong kinakailangan sa inyo. Walang kasalanan sa inyo kaugnay sa kinahantungan ng pagkakaluguran ninyo, nang matapos ng pagtatakda ng bigay-kayang kinakailangan, na pagdaragdag dito o pagpapalampas sa isang bahagi nito. Tunay na si Allāh ay laging Maalam sa nilikha Niya: walang nakakukubli sa Kanya mula sa kanila na anuman, Marunong sa pangangasiwa Niya at pagbabatas Niya. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 4

وَمَن لَّمۡ يَسۡتَطِعۡ مِنكُمۡ طَوۡلًا أَن يَنكِحَ ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ فَمِن مَّا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُم مِّن فَتَيَٰتِكُمُ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۚ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِإِيمَٰنِكُمۚ بَعۡضُكُم مِّنۢ بَعۡضٖۚ فَٱنكِحُوهُنَّ بِإِذۡنِ أَهۡلِهِنَّ وَءَاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِ مُحۡصَنَٰتٍ غَيۡرَ مُسَٰفِحَٰتٖ وَلَا مُتَّخِذَٰتِ أَخۡدَانٖۚ فَإِذَآ أُحۡصِنَّ فَإِنۡ أَتَيۡنَ بِفَٰحِشَةٖ فَعَلَيۡهِنَّ نِصۡفُ مَا عَلَى ٱلۡمُحۡصَنَٰتِ مِنَ ٱلۡعَذَابِۚ ذَٰلِكَ لِمَنۡ خَشِيَ ٱلۡعَنَتَ مِنكُمۡۚ وَأَن تَصۡبِرُواْ خَيۡرٞ لَّكُمۡۗ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Ang sinumang hindi nakaya kabilang sa inyo, O mga lalaki, dahil sa kakauntian ng yaman niya, na mag-asawa ng mga malayang babae ay pinapayagan para sa kanya ang mag-asawa ng mga aliping babaing minamay-ari ng iba sa inyo kung sila ay mga babaing mananampalataya ayon sa lumilitaw sa inyo. Si Allāh ay higit na maalam sa reyalidad ng pananampalataya ninyo at mga lihim ng mga kalagayan ninyo. Kayo at sila ay magkapantay sa relihiyon at pagkatao kaya huwag ninyong matahin ang pag-aasawa mula sa kanila. Kaya mag-asawa kayo sa kanila ayon sa pahintulot ng mga tagamay-ari nila at magbigay kayo sa kanila ng mga bigay-kaya sa kanila nang walang bawas o pagpapatagal. Ito ay kung sila ay mga mabini hindi mga nangangalunya nang hayagan ni mga kumukuha ng mga kasintahan sa pangangalunya sa kanila nang palihim. Kapag nag-asawa sila, pagkatapos gumawa sila ng kahalayan ng pangangalunya, ang takdang parusa sa kanila ay kalahati ng kaparusahan ng mga babaing malaya, na limampung hagupit at walang pagbato sa kanila, bilang kasalungatan naman sa mga babaing malaya kapag nangalunya ang mga ito. Ang nabanggit na iyon na pagpayag sa pag-aasawa sa mga babaing aliping mananampalatayang mabini ay isang pahintulot para sa sinumang nangamba para sa sarili niya sa pagkasadlak sa pangangalunya at hindi naitakdang mag-asawa ng mga babaing malaya. Gayon pa man ang pagtitiis laban sa pag-aasawa ng mga babaing alipin ay higit na karapat-dapat para mapaiwas ang mga anak sa pagkaalipin. Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. Bahagi ng awa Niya na nagsabatas Siya para sa kanila ng pag-aasawa sa mga babaing alipin sa kalagayan ng kawalang-kakayahan sa pag-aasawa ng mga babaing malaya sa sandali ng pagkatakot sa pangangalunya. info
التفاسير:

external-link copy
26 : 4

يُرِيدُ ٱللَّهُ لِيُبَيِّنَ لَكُمۡ وَيَهۡدِيَكُمۡ سُنَنَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ وَيَتُوبَ عَلَيۡكُمۡۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

Nagnanais si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa pagsasabatas Niya ng mga patakarang ito para sa inyo na maglinaw para sa inyo ng mga kakanyahan ng batas Niya at relihiyon Niya, at anumang naroon ang mga kapakanan ninyo sa Mundo at Kabilang-buhay. Nagnanais Siya na gumabay sa inyo tungo sa mga daan ng mga propeta bago pa ninyo kaugnay sa pagpapahintulot at pagbabawal, sa mga katangian nilang marangal, at sa mga talambuhay nilang kapuri-puri upang sundan ninyo sila. Nagnanais Siya na magpabalik sa inyo mula sa pagsuway sa Kanya tungo sa pagtalima sa Kanya. Si Allāh ay Maaalam sa anumang naroon ang kapakanan ng mga lingkod Niya kaya nagsasabatas Siya para sa kanila, Marunong sa pagbabatas Niya at pangangasiwa Niya sa mga nauukol sa kanila. info
التفاسير:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• حُرمة نكاح المتزوجات: حرائر أو إماء حتى تنقضي عدتهن أيًّا كان سبب العدة.
Ang kabanalan ng kasal ng mga babaing may-asawa, mga malaya man o mga alipin, hanggang sa magtapos ang `iddah nila maging anuman ang dahilan ng `iddah. info

• أن مهر المرأة يتعين بعد الدخول بها، وجواز أن تحط بعض مهرها إذا كان بطيب نفس منها.
Na ang bigay-kaya sa babae ay napagtitibay matapos ng pakikipagtalik sa kanya at ang pagpayag sa pagbawas ng isang bahagi ng bigay-kaya sa kanya kapag ito ay dahil sa isang pagmamabuting-loob mula sa kanya. info

• جواز نكاح الإماء المؤمنات عند عدم القدرة على نكاح الحرائر؛ إذا خاف على نفسه الوقوع في الزنى.
Ang pagpayag sa pag-aasawa sa mga babaing aliping mananampalataya sa sandali ng kawalan ng kakayahan sa pag-aasawa sa mga babaing malaya kapag nangamba para sa sarili ng pagkakasadlak sa pangangalunya. info

• من مقاصد الشريعة بيان الهدى والضلال، وإرشاد الناس إلى سنن الهدى التي تردُّهم إلى الله تعالى.
Kabilang sa mga layunin ng Batas ng Islām ang paglilinaw sa patnubay at pagkaligaw, at paggabay sa mga tao tungo sa mga kalakaran ng patnubay na nagpapanauli sa kanila kay Allāh – pagkataas-taas Siya. info