ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក)

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
15 : 34

لَقَدۡ كَانَ لِسَبَإٖ فِي مَسۡكَنِهِمۡ ءَايَةٞۖ جَنَّتَانِ عَن يَمِينٖ وَشِمَالٖۖ كُلُواْ مِن رِّزۡقِ رَبِّكُمۡ وَٱشۡكُرُواْ لَهُۥۚ بَلۡدَةٞ طَيِّبَةٞ وَرَبٌّ غَفُورٞ

Talaga ngang nagkaroon ang lipi ng Sheba sa tirahan nila, na sila noon ay nakatira, ng isang palatandaang naglalantad sa kakayahan ni Allāh at pagpapala Niya sa kanila: dalawang hardin na ang isa sa dalawa ay nasa gawing kanan at ang ikalawa ay nasa gawing kaliwa. Nagsabi Kami sa kanila: "Kumain kayo mula sa panustos ng Panginoon ninyo at magpasalamat kayo sa Kanya sa mga biyaya Niya. Ito ay isang bayang kaaya-aya at itong si Allāh ay isang Panginoong mapagpatawad na nagpapatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
16 : 34

فَأَعۡرَضُواْ فَأَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ سَيۡلَ ٱلۡعَرِمِ وَبَدَّلۡنَٰهُم بِجَنَّتَيۡهِمۡ جَنَّتَيۡنِ ذَوَاتَيۡ أُكُلٍ خَمۡطٖ وَأَثۡلٖ وَشَيۡءٖ مِّن سِدۡرٖ قَلِيلٖ

Ngunit umayaw sila sa pagpapasalamat kay Allāh at pagsampalataya sa mga sugo Niya kaya nagparusa Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagpapalit sa mga biyaya sa kanila na naging isang salot. Kaya nagsugo Kami sa kanila ng isang bahang rumaragasang sumira sa balakid nila at lumunod sa mga taniman nila. Nagpalit Kami sa dalawang pataniman nila ng dalawang patanimang namumunga ng bungang mapait. Mayroon sa dalawang ito na mga puno ng tamarisko na hindi namumunga, at mangilan-ngilang kaunting mansanitas. info
التفاسير:

external-link copy
17 : 34

ذَٰلِكَ جَزَيۡنَٰهُم بِمَا كَفَرُواْۖ وَهَلۡ نُجَٰزِيٓ إِلَّا ٱلۡكَفُورَ

Ang pagpapalit na iyon – ang nangyari sa dati nilang taglay na mga biyaya – ay dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at pag-ayaw nila sa pagpapasalamat sa mga biyaya. Hindi nagpaparusa ng matinding parusang ito kundi sa palakaila sa mga biyaya ni Allāh, palatangging magpasalamat sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 34

وَجَعَلۡنَا بَيۡنَهُمۡ وَبَيۡنَ ٱلۡقُرَى ٱلَّتِي بَٰرَكۡنَا فِيهَا قُرٗى ظَٰهِرَةٗ وَقَدَّرۡنَا فِيهَا ٱلسَّيۡرَۖ سِيرُواْ فِيهَا لَيَالِيَ وَأَيَّامًا ءَامِنِينَ

Naglagay Kami sa pagitan ng mga mamamayan ng Sheba sa Yemen at ng mga pamayanan ng Sirya, na nagpala Kami roon, ng mga pamayanang nagkakalapitan. Nagtakda Kami sa mga iyon ng paglalakbay kung saan naglalakbay sila mula sa isang pamayanan patungo sa isang pamayanan nang walang hirap hanggang sa dumating sila sa Sirya. Nagsabi Kami sa kanila: "Humayo kayo roon ayon sa niloob ninyo sa gabi at maghapon, sa katiwasayan laban sa kaaway, pagkagutom, at pagkauhaw." info
التفاسير:

external-link copy
19 : 34

فَقَالُواْ رَبَّنَا بَٰعِدۡ بَيۡنَ أَسۡفَارِنَا وَظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فَجَعَلۡنَٰهُمۡ أَحَادِيثَ وَمَزَّقۡنَٰهُمۡ كُلَّ مُمَزَّقٍۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّكُلِّ صَبَّارٖ شَكُورٖ

Ngunit nagpawalang-pakundangan sila sa biyaya ni Allāh sa kanila sa pamamagitan ng pagpapalapit ng mga distansiya at nagsabi sila: "Panginoon namin, magpalayo Ka sa pagitan ng mga paglalakbay namin sa pamamagitan ng pag-aalis sa mga pamayanang iyon upang makalasap kami ng pagod ng mga paglalakbay at lumantad ang pagkatangi ng mga sasakyang hayop namin." Lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagwawalang-pakundangan nila sa biyaya ni Allāh, pag-ayaw nila sa pagpapasalamat sa Kanya, at inggit nila sa mga maralita kabilang sa kanila. Kaya gumawa Kami sa kanila na maging mga pinag-uusapan na pinag-uusapan noong matapos nila. Nagpahiwa-hiwalay Kami sa kanila sa mga bayan nang buong pagpapahiwa-hiwalay sa paraang hindi sila nagkakaugnayan sa isa't isa sa kanila. Tunay na sa nabanggit na iyon na pagbibiyaya sa mga mamamayan ng Sheba, pagkatapos paghihiganti sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagwawalang-pakundangan nila ay talagang may maisasaalang-alang para sa bawat mapagtiis sa pagtalima kay Allāh, sa paglayo sa pagsuway sa Kanya, at sa pagsubok, na mapagpasalamat sa mga biyaya ni Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
20 : 34

وَلَقَدۡ صَدَّقَ عَلَيۡهِمۡ إِبۡلِيسُ ظَنَّهُۥ فَٱتَّبَعُوهُ إِلَّا فَرِيقٗا مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Talaga ngang nagsakatotohanan sa kanila si Satanas ng ipinagpalagay niya na siya ay nakakakaya sa pagpapalisya sa kanila at pagliligaw sa kanila palayo sa katotohanan. Kaya sumunod sila sa kanya sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw maliban sa isang pangkatin kabilang sa mga mananampalataya sapagkat tunay na sila ay bumigo sa pag-aasam niya dahil sa kawalan ng pagsunod nila sa kanya. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 34

وَمَا كَانَ لَهُۥ عَلَيۡهِم مِّن سُلۡطَٰنٍ إِلَّا لِنَعۡلَمَ مَن يُؤۡمِنُ بِٱلۡأٓخِرَةِ مِمَّنۡ هُوَ مِنۡهَا فِي شَكّٖۗ وَرَبُّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٍ حَفِيظٞ

Hindi nagkaroon si Satanas sa kanila ng anumang kapamahalaang ipanlulupig niya sa kanila para maligaw sila. Siya lamang noon ay nang-aakit sa kanila at nagpapalisya sa kanila, ngunit Kami ay nagpahintulot sa kanya sa pagpapalisya sa kanila upang malantad ang lagay ng sinumang sumasampalataya sa Kabilang-buhay at anumang naroon na ganti, mula sa sinumang hinggil sa Kabilang-buhay ay nasa isang pagdududa. Ang Panginoon mo, O Sugo, sa bawat bagay ay Mapag-ingat, na nag-iingat sa mga gawain ng mga lingkod Niya at gaganti sa kanila sa mga ito.
info
التفاسير:

external-link copy
22 : 34

قُلِ ٱدۡعُواْ ٱلَّذِينَ زَعَمۡتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ لَا يَمۡلِكُونَ مِثۡقَالَ ذَرَّةٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا لَهُمۡ فِيهِمَا مِن شِرۡكٖ وَمَا لَهُۥ مِنۡهُم مِّن ظَهِيرٖ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Manawagan kayo sa mga inangkin ninyo na sila ay mga diyos para sa inyo bukod pa kay Allāh upang magdulot sa inyo ng pakinabang o mag-alis sa inyo ng pinsala sapagkat hindi sila nagmamay-ari ng kasimbigat ng isang katiting sa mga langit ni sa lupa. Walang ukol sa kanila na pakikitambal sa mga ito kasama kay Allāh at walang ukol kay Allāh na anumang tagatulong na tumutulong sa Kanya sapagkat Siya ay Walang-pangangailangan sa mga katambal at mga tagatulong. info
التفاسير:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• الشكر يحفظ النعم، والجحود يسبب سلبها.
Ang pagpapasalamat ay nangangalaga sa mga biyaya at ang pagkakaila ay nagdadahilan ng pag-aalis sa mga ito. info

• الأمن من أعظم النعم التي يمتنّ الله بها على العباد.
Ang katiwasayan ay kabilang sa pinakasukdulan sa mga biyaya na ipinagmagandang-loob ni Allāh sa mga tao. info

• الإيمان الصحيح يعصم من اتباع إغواء الشيطان بإذن الله.
Ang tumpak na pananampalataya ay nagsasanggalang laban sa pagsunod sa pagpapalisya ng demonyo ayon sa pahintulot ni Allāh. info

• ظهور إبطال أسباب الشرك ومداخله كالزعم بأن للأصنام مُلْكًا أو مشاركة لله، أو إعانة أو شفاعة عند الله.
Ang paglitaw ng pagpapawalang-saysay sa mga kadahilanan ng shirk at mga pasukan nito gaya ng pag-aangkin na ang mga anito ay may paghahari o pakikihati kay Allāh o pagtulong o pamamagitan sa harap ni Allāh. info