ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក)

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
21 : 32

وَلَنُذِيقَنَّهُم مِّنَ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡأَدۡنَىٰ دُونَ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡأَكۡبَرِ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ

Talagang magpapalasap nga Kami sa mga tagapagpasinungaling na ito na mga lumalabas sa pagtalima sa Panginoon nila mula sa mga sigalot at pagsubok sa Mundo bago ng pagdurusang pinakamalaking inihanda para sa kanila sa Kabilang-buhay kung hindi sila nagbalik-loob, nang sa gayon sila ay manumbalik sa pagtalima sa Panginoon nila. info
التفاسير:

external-link copy
22 : 32

وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن ذُكِّرَ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦ ثُمَّ أَعۡرَضَ عَنۡهَآۚ إِنَّا مِنَ ٱلۡمُجۡرِمِينَ مُنتَقِمُونَ

Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pinangaralan sa pamamagitan ng mga tanda ng Panginoon niya ngunit hindi siya napangaralan at umayaw siya sa mga ito nang hindi pumapansin sa mga ito. Tunay na Kami, sa mga salarin – dahil sa paggawa ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway – na mga umaayaw sa mga tanda Namin, ay maghihiganti nang walang pasubali. info
التفاسير:

external-link copy
23 : 32

وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ فَلَا تَكُن فِي مِرۡيَةٖ مِّن لِّقَآئِهِۦۖ وَجَعَلۡنَٰهُ هُدٗى لِّبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ

Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah kaya huwag ka, O Sugo, maging nasa isang pagdududa sa pakikipagkita mo kay Moises sa gabi ng panggabing paglalakbay (isrā') at pagpanik sa langit (mi`rāj). Gumawa Kami sa Kasulatang pinababa kay Moises bilang tagapatnubay para sa mga anak ni Israel laban sa pagkaligaw. info
التفاسير:

external-link copy
24 : 32

وَجَعَلۡنَا مِنۡهُمۡ أَئِمَّةٗ يَهۡدُونَ بِأَمۡرِنَا لَمَّا صَبَرُواْۖ وَكَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يُوقِنُونَ

Gumawa Kami mula sa mga anak ni Israel ng mga pinuno na tinutularan ng mga tao sa katotohanan, na gumagabay tungo sa katotohanan ayon sa pagpapahintulot Namin sa kanila niyon at pagpapalakas Namin sa kanila sa [katotohanang] iyon dahil nagtiis sila sa pagsunod sa mga ipinag-uutos at pag-iwas sa mga sinasaway at sa pananakit sa landas ng pag-aanyaya [tungo sa Islām]. Sila noon sa mga tanda ni Allāh na pinababa sa sugo nila ay nagpapatotoo ayon sa pagpapatotoong tiyakan.
info
التفاسير:

external-link copy
25 : 32

إِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَفۡصِلُ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ

Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay ang magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon sa anumang sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba sa Mundo kaya lilinawin Niya ang tagapagpahayag ng katotohanan at ang tagapagpahayag ng kabulaanan at gaganti Siya sa bawat isa ng nagiging karapat-dapat dito. info
التفاسير:

external-link copy
26 : 32

أَوَلَمۡ يَهۡدِ لَهُمۡ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَبۡلِهِم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ يَمۡشُونَ فِي مَسَٰكِنِهِمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٍۚ أَفَلَا يَسۡمَعُونَ

Nabulagan ba ang mga ito kaya hindi luminaw para sa kanila kung ilan ang ipinahamak Namin, bago pa nila, mula sa mga kalipunang nauna? Heto sila, naglalakad sa mga tirahan nila na sila noon ay nakatira sa mga ito bago ng pagpapahamak sa kanila ngunit hindi sila napangaralan ayon sa kalagayan nila. Tunay na sa nangyari sa mga kalipunang iyon na pagpapahamak dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at mga pagsuway nila ay talagang may mga maisasaalang-alang, na maipampapatunay sa katapatan ng mga sugo nila na dumating sa kanila mula sa ganang kay Allāh. Kaya hindi ba dumidinig ang mga tagapagpasinungaling na ito sa mga tanda ni Allāh ayon sa pagdinig ng pagtanggap at pagkapangaral? info
التفاسير:

external-link copy
27 : 32

أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا نَسُوقُ ٱلۡمَآءَ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ ٱلۡجُرُزِ فَنُخۡرِجُ بِهِۦ زَرۡعٗا تَأۡكُلُ مِنۡهُ أَنۡعَٰمُهُمۡ وَأَنفُسُهُمۡۚ أَفَلَا يُبۡصِرُونَ

Hindi ba nakakikita ang mga tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay na Kami ay nagsusugo sa tubig ulan patungo sa lupang tuyot na walang halaman dito saka nagpapalabas Kami sa pamamagitan ng tubig na iyon ng pananim na kumakain mula rito ang mga kamelyo nila, ang mga baka nila, at ang mga tupa nila, at kumakain sila mismo mula roon? Kaya hindi ba sila tumitingin doon at nakatatalos na ang sinumang nagpatubo sa lupang tuyot ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa mga patay? info
التفاسير:

external-link copy
28 : 32

وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡفَتۡحُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

Nagsasabi ang mga tagapagpasinungaling sa pagkabuhay na muli habang mga nagmamadali sa pagdurusa: "Kailan ang paghahatol na ito na nag-aangkin kayo na ito ay magpapasya sa pagitan namin at ninyo sa Araw ng Pagbangon kaya ang kahahantungan namin ay ang Apoy at ang kahahantungan ninyo ay ang Paraiso?" info
التفاسير:

external-link copy
29 : 32

قُلۡ يَوۡمَ ٱلۡفَتۡحِ لَا يَنفَعُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِيمَٰنُهُمۡ وَلَا هُمۡ يُنظَرُونَ

Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang pangakong ito ay ang Araw ng Pagbangon. Tunay na ito ay Araw ng Pagpapasya sa pagitan ng mga tao kapag hindi magpapakinabang sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh sa Mundo ang pagpapatotoo nila matapos ng pagkakita sa Araw ng Pagbangon, ni sila ay ipagpapaliban hanggang sa magbalik-loob sila sa Panginoon nila at magsisi sila sa Kanya." info
التفاسير:

external-link copy
30 : 32

فَأَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ وَٱنتَظِرۡ إِنَّهُم مُّنتَظِرُونَ

Kaya umayaw ka, O Sugo, sa mga ito matapos ng paggigiit nila sa pagkaligaw nila at maghintay ka sa dadapo sa kanila; tunay na sila ay naghihintay sa ipinangangako mo sa kanila na pagdurusa. info
التفاسير:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• عذاب الكافر في الدنيا وسيلة لتوبته.
Ang pagdurusa ng mga tagatangging sumampalataya sa Mundo ay isang kaparaanan para sa pagbabalik-loob niya. info

• ثبوت اللقاء بين نبينا صلى الله عليه وسلم وموسى عليه السلام ليلة الإسراء والمعراج.
Ang pagpapatibay sa pagkikita sa pagitan ng Propeta natin – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa gabi ng panggabing paglalakbay at pagpanik sa langit. info

• الصبر واليقين صفتا أهل الإمامة في الدين.
Ang pagtitiis at ang katiyakan ay dalawang katangian ng mga may pamumuno sa relihiyon. info