ការបកប្រែអត្ថន័យគួរអាន - ការអធិប្បាយសង្ខេបអំពីគម្ពីគួរអានជាភាសាហ្វីលីពីន (តាហ្គាឡុក)

លេខ​ទំព័រ:close

external-link copy
14 : 27

وَجَحَدُواْ بِهَا وَٱسۡتَيۡقَنَتۡهَآ أَنفُسُهُمۡ ظُلۡمٗا وَعُلُوّٗاۚ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُفۡسِدِينَ

Tumanggi silang sumampalataya sa mga tandang malilinaw na ito at hindi kumilala sa mga ito – samantalang tumiyak ang mga sarili nila na ang mga ito ay mula sa ganang kay Allāh – dahilan sa paglabag nila sa katarungan at pagmamalaki nila sa [pagtanggi sa] katotohanan. Kaya magnilay-nilay ka, o Sugo, kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagagulo sa lupa dahil sa kawalang-pananampalataya nila at mga pagsuway nila sapagkat ipinahamak Namin sila at winasak Namin sila sa kabuuan nila. info
التفاسير:

external-link copy
15 : 27

وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا دَاوُۥدَ وَسُلَيۡمَٰنَ عِلۡمٗاۖ وَقَالَا ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي فَضَّلَنَا عَلَىٰ كَثِيرٖ مِّنۡ عِبَادِهِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Talaga ngang nagbigay Kami kay David at sa anak niyang si Solomon ng kaalaman, na bahagi nito ang kaalaman sa pakikipag-usap sa mga ibon. Nagsabi sina David at Solomon habang mga nagpapasalamat kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtangi sa amin ng inilaan Niya sa amin na kaalaman at pagkapropeta higit sa marami sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya."
info
التفاسير:

external-link copy
16 : 27

وَوَرِثَ سُلَيۡمَٰنُ دَاوُۥدَۖ وَقَالَ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ عُلِّمۡنَا مَنطِقَ ٱلطَّيۡرِ وَأُوتِينَا مِن كُلِّ شَيۡءٍۖ إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡفَضۡلُ ٱلۡمُبِينُ

Nagmana si Solomon sa ama niyang si David sa pagkapropeta, kaalaman, at pagkahari. Nagsabi siya habang nagsasalita hinggil sa biyaya ni Allāh sa kanya at sa ama niya: "O mga tao, nagturo sa amin si Allāh ng pag-intindi sa mga huni ng ibon at nagbigay Siya sa amin mula sa bawat bagay na ibinigay Niya sa mga propeta at mga hari. Tunay na itong ibinigay sa amin ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay talagang ang kabutihang-loob na maliwanag na malinaw." info
التفاسير:

external-link copy
17 : 27

وَحُشِرَ لِسُلَيۡمَٰنَ جُنُودُهُۥ مِنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ وَٱلطَّيۡرِ فَهُمۡ يُوزَعُونَ

Tinipon para kay Solomon ang mga kawal niya mula sa tao, jinn, at ibon, saka sila ay inaakay nang may kaayusan. info
التفاسير:

external-link copy
18 : 27

حَتَّىٰٓ إِذَآ أَتَوۡاْ عَلَىٰ وَادِ ٱلنَّمۡلِ قَالَتۡ نَمۡلَةٞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّمۡلُ ٱدۡخُلُواْ مَسَٰكِنَكُمۡ لَا يَحۡطِمَنَّكُمۡ سُلَيۡمَٰنُ وَجُنُودُهُۥ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ

Kaya hindi sila tumitigil na inaakay hanggang sa nang dumating sila sa lambak ng mga langgam (isang pook sa Sirya), may nagsabing isa sa mga langgam: "O mga langgam, magsipasok kayo sa mga tirahan ninyo upang hindi magpahamak sa inyo si Solomon at ang mga kawal niya habang sila ay hindi nakaaalam sa inyo yayamang kung sakaling nakaalam sila sa inyo ay talagang hindi sila aapak sa inyo." info
التفاسير:

external-link copy
19 : 27

فَتَبَسَّمَ ضَاحِكٗا مِّن قَوۡلِهَا وَقَالَ رَبِّ أَوۡزِعۡنِيٓ أَنۡ أَشۡكُرَ نِعۡمَتَكَ ٱلَّتِيٓ أَنۡعَمۡتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَٰلِدَيَّ وَأَنۡ أَعۡمَلَ صَٰلِحٗا تَرۡضَىٰهُ وَأَدۡخِلۡنِي بِرَحۡمَتِكَ فِي عِبَادِكَ ٱلصَّٰلِحِينَ

Kaya noong nakarinig si Solomon sa salita niyon ay ngumiti-ngiti siya na natatawa sinabing ito niyon. Nagsabi siya, na dumadalangin sa Panginoon niya – kaluwalhatian sa Kanya: "Panginoon ko, magtuon Ka sa akin at magpahiwatig Ka sa akin na magpasalamat ako sa biyaya Mong ibiniyaya Mo sa akin at sa ama ko, magtuon Ka sa akin na gumawa ako ng gawang maayos na kinalulugdan Mo, at magpapasok Ka sa akin, sa pamamagitan ng awa Mo, sa kabuuan ng mga lingkod Mong mga maayos." info
التفاسير:

external-link copy
20 : 27

وَتَفَقَّدَ ٱلطَّيۡرَ فَقَالَ مَالِيَ لَآ أَرَى ٱلۡهُدۡهُدَ أَمۡ كَانَ مِنَ ٱلۡغَآئِبِينَ

Nagsiyasat si Solomon sa mga ibon ngunit hindi siya nakakita sa abubilya kaya nagsabi siya: "Ano ang mayroon sa akin na hindi ako nakakikita sa abubilya? May pumigil ba sa akin na isang tagapigil sa pagkakita sa kanya, o siya ay naging kabilang sa mga lumiliban?" info
التفاسير:

external-link copy
21 : 27

لَأُعَذِّبَنَّهُۥ عَذَابٗا شَدِيدًا أَوۡ لَأَاْذۡبَحَنَّهُۥٓ أَوۡ لَيَأۡتِيَنِّي بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ

Kaya nagsabi siya noong luminaw sa kanya ang pagliban niyon: "Talagang pagdurusahin ko nga siya ng isang pagdurusang matindi, o talagang kakatayin ko nga siya bilang parusa sa kanya sa pagliban niya, o talagang magdadala nga siya sa akin ng isang katwirang maliwanag na maglilinaw sa pagdadahilan niya sa pagliban." info
التفاسير:

external-link copy
22 : 27

فَمَكَثَ غَيۡرَ بَعِيدٖ فَقَالَ أَحَطتُ بِمَا لَمۡ تُحِطۡ بِهِۦ وَجِئۡتُكَ مِن سَبَإِۭ بِنَبَإٖ يَقِينٍ

Kaya namalagi ang abubilya sa pagkaliban nito sa panahong hindi matagal, saka noong dumating ito ay nagsabi ito kay Solomon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Napag-alaman ko ang hindi mo napag-alaman, at naghatid ako sa iyo mula sa mga naninirahan sa Shebah ng isang balitang tapat, na walang duda roon. info
التفاسير:
ក្នុង​ចំណោម​អត្ថប្រយោជន៍​នៃអាយ៉ាត់ទាំងនេះក្នុងទំព័រនេះ:
• التبسم ضحك أهل الوقار.
Ang pagngiti-ngiti ay ang tawa ng mga may hinahon. info

• شكر النعم أدب الأنبياء والصالحين مع ربهم.
Ang pagpapasalamat sa mga biyaya ay kaasalan ng mga propeta at mga matuwid sa Panginoon nila. info

• الاعتذار عن أهل الصلاح بظهر الغيب.
Ang pagmamatuwid para sa mga may kaayusan ay isinasapuso. info

• سياسة الرعية بإيقاع العقاب على من يستحقه، وقبول عذر أصحاب الأعذار.
Ang pamamahala sa mga nasasakupan ay sa pamamagitan ng pagpataw ng parusa sa sinumang nagiging karapat-dapat doon at ang pagtanggap ng pagdadahilan ng mga may pagdadahilan. info

• قد يوجد من العلم عند الأصاغر ما لا يوجد عند الأكابر.
Maaaring nakatatagpo ng kaalaman buhat sa mga nakababata, na hindi natatagpuan buhat sa mga nakatatanda. info