Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog)

Nomor Halaman:close

external-link copy
20 : 31

أَلَمۡ تَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ سَخَّرَ لَكُم مَّا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَأَسۡبَغَ عَلَيۡكُمۡ نِعَمَهُۥ ظَٰهِرَةٗ وَبَاطِنَةٗۗ وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يُجَٰدِلُ فِي ٱللَّهِ بِغَيۡرِ عِلۡمٖ وَلَا هُدٗى وَلَا كِتَٰبٖ مُّنِيرٖ

Hindi ba kayo nakakita at nakasaksi, O mga tao, na si Allāh ay nagpadali para sa inyo ng pakikinabang sa nasa mga langit gaya ng araw, buwan, at mga planeta; nagpadali para sa inyo rin [ng pakikinabang] sa nasa lupa gaya ng mga hayop, mga puno, at mga halaman; at nagpalubos sa inyo ng mga biyaya Niya nang lantaran sa mga mata gaya ng karikitan ng larawan at kagandahan ng anyo at nang pakubling nakatago gaya ng pagkaunawa at kaalaman? Sa kabila ng kairalan ng mga biyayang ito, mayroon sa mga tao na nakikipagtalo hinggil sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh nang walang isang kaalamang nakabatay sa isang kasi mula kay Allāh o isang pagkaunawang nakapagbibigay-liwanag ni isang aklat na maliwanag na ibinaba mula kay Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
21 : 31

وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّبِعُواْ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ قَالُواْ بَلۡ نَتَّبِعُ مَا وَجَدۡنَا عَلَيۡهِ ءَابَآءَنَآۚ أَوَلَوۡ كَانَ ٱلشَّيۡطَٰنُ يَدۡعُوهُمۡ إِلَىٰ عَذَابِ ٱلسَّعِيرِ

Kapag sinabi sa mga nakikipagtalong ito sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh: "Sumunod kayo sa pinababa ni Allāh sa Sugo Niya mula sa kasi," nagsasabi sila: "Hindi kami sumusunod dito. Bagkus sumusunod kami sa natagpuan namin sa mga ninuno namin na pagsamba sa mga diyos namin." Kahit ba ang demonyo ay nag-aanyaya sa kanila – sa pamamagitan ng ipinanliligaw niya sa kanila na pagsamba sa mga diyus-diyusan – tungo sa pagdurusa sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon? info
التفاسير:

external-link copy
22 : 31

۞ وَمَن يُسۡلِمۡ وَجۡهَهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِ وَهُوَ مُحۡسِنٞ فَقَدِ ٱسۡتَمۡسَكَ بِٱلۡعُرۡوَةِ ٱلۡوُثۡقَىٰۗ وَإِلَى ٱللَّهِ عَٰقِبَةُ ٱلۡأُمُورِ

Ang sinumang nag-uukol ng sarili kay Allāh habang nagpapakawagas sa Kanya sa pagsamba sa Kanya at gumagawa ng maganda sa gawain niya ay nakahawak nga siya sa pinakamatibay na makakapitan ng sinumang umaasa ng kaligtasan yayamang hindi pangangambahan ang pagkaputol ng hinawakan niya. Tungo kay Allāh lamang ang kahahantungan ng mga usapin at ang babalikan ng mga ito para gumantimpala Siya sa bawat isa ayon sa nagiging karapat-dapat dito. info
التفاسير:

external-link copy
23 : 31

وَمَن كَفَرَ فَلَا يَحۡزُنكَ كُفۡرُهُۥٓۚ إِلَيۡنَا مَرۡجِعُهُمۡ فَنُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ

Ang sinumang tumangging sumampalataya ay huwag magpalungkot sa iyo, O Sugo, ang kawalang-pananampalataya niya. Tungo sa Amin lamang ang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon saka magpapabatid Kami sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila na mga masagwang gawa sa Mundo at gaganti Kami sa kanila sa mga ito. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang nasa mga dibdib: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa anumang nasa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
24 : 31

نُمَتِّعُهُمۡ قَلِيلٗا ثُمَّ نَضۡطَرُّهُمۡ إِلَىٰ عَذَابٍ غَلِيظٖ

Magpapatamasa Kami sa kanila sa pamamagitan ng ibinibigay Namin sa kanila na mga pampasarap sa Mundo sa kaunting panahon, pagkatapos magdudulog Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon tungo sa isang pagdurusang matindi, ang pagdurusa sa Apoy. info
التفاسير:

external-link copy
25 : 31

وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۚ قُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ

Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito kung sino ang lumikha ng mga langit at sino ang lumikha ng lupa ay talagang magsasabi nga sila na ang lumikha ng mga ito ay si Allāh. Sabihin mo sa kanila: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpalitaw sa katwiran sa inyo." Bagkus ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam sa kung sino ang nagiging karapat-dapat sa papuri dahil sa kamangmangan nila. info
التفاسير:

external-link copy
26 : 31

لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ

Sa kay Allāh lamang ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa, sa paglikha, paghahari, at pangangasiwa. Tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan sa lahat ng mga nilikha Niya, ang Pinapupurihan sa Mundo at Kabilang-buhay. info
التفاسير:

external-link copy
27 : 31

وَلَوۡ أَنَّمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ مِن شَجَرَةٍ أَقۡلَٰمٞ وَٱلۡبَحۡرُ يَمُدُّهُۥ مِنۢ بَعۡدِهِۦ سَبۡعَةُ أَبۡحُرٖ مَّا نَفِدَتۡ كَلِمَٰتُ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٞ

Kung sakaling ang anumang nasa lupa na mga punong-kahoy na pinutol at tinasahan ay naging mga panulat at ginawa ang dagat na tinta para sa mga iyon, at kung sakaling dinagdagan ito ng pitong dagat, hindi masasaid ang mga salita ni Allāh dahil sa kawalan ng pagwawakas ng mga ito. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihang walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya. info
التفاسير:

external-link copy
28 : 31

مَّا خَلۡقُكُمۡ وَلَا بَعۡثُكُمۡ إِلَّا كَنَفۡسٖ وَٰحِدَةٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعُۢ بَصِيرٌ

Walang iba ang pagkalikha sa inyo, O mga tao, ni ang pagbuhay sa inyo sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti kundi gaya ng pagkalikha ng iisang kaluluwa at pagbuhay rito sa kadalian. Tunay na si Allāh ay Madinigin na hindi nakaaabala sa Kanya ang pagkarinig sa isang tinig palayo sa pagkarinig sa iba pang tinig, Nakakikita na hindi nakaaabala sa Kanya ang pagkakita sa isang bagay palayo sa pagkakita sa iba pang bagay. Gayon din, hindi nakaaabala sa Kanya ang paglikha sa isang kaluluwa at ang pagbuhay rito palayo sa paglikha ng iba pa at pagbuhay niyon. info
التفاسير:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• نعم الله وسيلة لشكره والإيمان به، لا وسيلة للكفر به.
Ang mga biyaya ni Allāh ay isang kaparaanan para sa pagpapasalamat sa Kanya at pananampalataya sa Kanya, hindi isang kaparaanan para sa kawalang-pananampalataya sa Kanya. info

• خطر التقليد الأعمى، وخاصة في أمور الاعتقاد.
Ang panganib ng bulag na paggaya-gaya, lalo na sa mga usapin ng paniniwala. info

• أهمية الاستسلام لله والانقياد له وإحسان العمل من أجل مرضاته.
Ang kahalagahan ng pagsuko kay Allāh, pagpapaakay sa Kanya, at ang pagpapaganda sa gawain alang-alang sa kaluguran Niya. info

• عدم تناهي كلمات الله.
Ang kawalan ng pagwawakas ng mga salita ni Allāh. info