Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog)

Nomor Halaman:close

external-link copy
43 : 14

مُهۡطِعِينَ مُقۡنِعِي رُءُوسِهِمۡ لَا يَرۡتَدُّ إِلَيۡهِمۡ طَرۡفُهُمۡۖ وَأَفۡـِٔدَتُهُمۡ هَوَآءٞ

Kapag bumangon ang mga tao mula sa mga libingan nila, habang mga nagmamadali patungo sa tagapanawagan habang mga nag-aangat ng mga ulo nila habang nakatingin sa langit dala ng pagkabalisa, ay hindi babalik sa kanila ang mga paningin nila, bagkus manatiling nakatitig dala ng hilakbot sa nasasaksihan nila habang ang mga puso nila ay walang-laman, walang pagkaunawa ni pagkaintindi dahil sa pagkasindak sa sinasaksihan. info
التفاسير:

external-link copy
44 : 14

وَأَنذِرِ ٱلنَّاسَ يَوۡمَ يَأۡتِيهِمُ ٱلۡعَذَابُ فَيَقُولُ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ رَبَّنَآ أَخِّرۡنَآ إِلَىٰٓ أَجَلٖ قَرِيبٖ نُّجِبۡ دَعۡوَتَكَ وَنَتَّبِعِ ٱلرُّسُلَۗ أَوَلَمۡ تَكُونُوٓاْ أَقۡسَمۡتُم مِّن قَبۡلُ مَا لَكُم مِّن زَوَالٖ

Magpangamba ka, O Sugo, sa kalipunan mo ng pagdurusang dulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon kaya magsasabi sa sandaling iyon ang mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya: "O Panginoon namin, mag-antala Ka sa amin, mag-antala Ka sa amin ng pagdurusa, at magsauli Ka sa amin sa Mundo sa isang madaling yugto; sasampalataya kami sa Iyo at susunod kami sa mga sugong ipinadala Mo sa amin." Kaya sasagutin sila bilang pagtuligsa sa kanila: "Hindi ba nangyaring kayo ay sumumpa sa [panahon ng] buhay na pangmundo na kayo ay walang paglipat mula sa buhay na pangmundo patungo sa Kabilang-buhay habang mga nagkakaila sa pagbubuhay matapos ng kamatayan?" info
التفاسير:

external-link copy
45 : 14

وَسَكَنتُمۡ فِي مَسَٰكِنِ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ وَتَبَيَّنَ لَكُمۡ كَيۡفَ فَعَلۡنَا بِهِمۡ وَضَرَبۡنَا لَكُمُ ٱلۡأَمۡثَالَ

Nanuluyan kayo sa mga tirahan ng mga naunang kalipunang tagalabag sa katarungan, bago pa ninyo, sa mga sarili ng mga ito dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh, tulad ng mga kalipi ni Hūd at mga kalipi ni Ṣāliḥ. Lumiwanag para sa inyo ang pinangyari Namin sa kanila na kapahamakan. Naglahad para sa inyo ng mga paghahalintulad sa Aklat ni Allāh upang mapangaralan kayo ngunit hindi kayo napangaralan sa pamamagitan ng mga ito." info
التفاسير:

external-link copy
46 : 14

وَقَدۡ مَكَرُواْ مَكۡرَهُمۡ وَعِندَ ٱللَّهِ مَكۡرُهُمۡ وَإِن كَانَ مَكۡرُهُمۡ لِتَزُولَ مِنۡهُ ٱلۡجِبَالُ

Nagplano nga ang mga nanunuluyang ito sa mga tirahan ng mga kalipunang tagalabag sa katarungan ng mga pagpapakana para sa pagpatay kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ng pagpapawakas sa paanyaya niya samantalang si Allāh ay nakaaalam sa pagpaplano nila: walang nakakukubli sa Kanya mula rito na anuman. Ang pagpaplano ng mga ito ay mahina sapagkat iyon ay hindi nakaaalis ng mga bundok ni ng iba pa sa mga iyon dahil sa kahinaan niyon, bilang kasalungatan naman para sa pakana ni Allāh sa kanila. info
التفاسير:

external-link copy
47 : 14

فَلَا تَحۡسَبَنَّ ٱللَّهَ مُخۡلِفَ وَعۡدِهِۦ رُسُلَهُۥٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٞ ذُو ٱنتِقَامٖ

Kaya huwag ka ngang magpalagay na si Allāh na nangako sa mga sugo Niya ng pag-aadya at pagpapangibabaw ng relihiyon ay sisira sa ipinangako Niya sa mga sugo Niya. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan: walang nakadadaig sa Kanya na anuman, at magpaparangal sa mga katangkilik Niya, na May paghihiganting matindi sa mga kaaway Niya at mga kaaway ng mga sugo Niya. info
التفاسير:

external-link copy
48 : 14

يَوۡمَ تُبَدَّلُ ٱلۡأَرۡضُ غَيۡرَ ٱلۡأَرۡضِ وَٱلسَّمَٰوَٰتُۖ وَبَرَزُواْ لِلَّهِ ٱلۡوَٰحِدِ ٱلۡقَهَّارِ

Ang paghihiganting ito sa mga tagatangging sumampalataya ay mangyayari sa Araw ng Pagbangon, sa araw na papalitan ang lupang ito ng isang iba pang lupang puting dalisay, papalitan ang mga langit ng mga langit na iba sa mga ito, at lilitaw ang mga tao mula sa mga libingan nila kasama ng mga katawan nila at mga gawa nila para tumindig sa harap ni Allāh, ang namumukod-tangi sa paghahari Niya at kadakilaan Niya, ang Palalupig na lumulupig at hindi nalulupig, at dumadaig at hindi nadadaig. info
التفاسير:

external-link copy
49 : 14

وَتَرَى ٱلۡمُجۡرِمِينَ يَوۡمَئِذٖ مُّقَرَّنِينَ فِي ٱلۡأَصۡفَادِ

49-50. Sa araw na papalitan ang lupa ng ibang lupa at papalitan ang mga langit, makakikita ka, O Sugo, sa mga tagatangging sumampalataya at mga tagapagtambal na nakagapos nga sa isa't isa sa kanila sa mga sagka. Iniugnay ang mga kamay nila at ang mga paa nila sa mga leeg nila sa mga tanikala. Ang mga damit nilang isinusuot nila ay yari sa alkitran (isang materyal na matindi ang pagniningas). Pumapaitaas sa mga mapanglaw na mukha nila ang apoy. info
التفاسير:

external-link copy
50 : 14

سَرَابِيلُهُم مِّن قَطِرَانٖ وَتَغۡشَىٰ وُجُوهَهُمُ ٱلنَّارُ

49-50. Sa araw na papalitan ang lupa ng ibang lupa at papalitan ang mga langit, makakikita ka, O Sugo, sa mga tagatangging sumampalataya at mga tagapagtambal na nakagapos nga sa isa't isa sa kanila sa mga sagka. Iniugnay ang mga kamay nila at ang mga paa nila sa mga leeg nila sa mga tanikala. Ang mga damit nilang isinusuot nila ay yari sa alkitran (isang materyal na matindi ang pagniningas). Pumapaitaas sa mga mapanglaw na mukha nila ang apoy. info
التفاسير:

external-link copy
51 : 14

لِيَجۡزِيَ ٱللَّهُ كُلَّ نَفۡسٖ مَّا كَسَبَتۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ

[Ito ay] upang gumantimpala si Allāh sa bawat kaluluwa sa nagawa nito na kabutihan o kasamaan. Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos sa mga gawa. info
التفاسير:

external-link copy
52 : 14

هَٰذَا بَلَٰغٞ لِّلنَّاسِ وَلِيُنذَرُواْ بِهِۦ وَلِيَعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَا هُوَ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ وَلِيَذَّكَّرَ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ

Ang Qur'ān na ito na ibinaba kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isang pagbibigay-alam mula kay Allāh patungo sa mga tao. [Ito ay] upang pangambahin sila sa pamamagitan ng taglay nito na pagpapangilabot at matinding banta, upang makaalam sila na ang sinasamba ayon sa karapatan ay si Allāh lamang para sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng isa man, at upang mapangaralan sila sa pamamagitan nito at magsaalang-alang ang mga nagtataglay ng mga matinong pag-iisip dahil sila ay ang nakikinabang sa mga pangaral at mga isinasaalang-alang. info
التفاسير:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• تصوير مشاهد يوم القيامة وجزع الخلق وخوفهم وضعفهم ورهبتهم، وتبديل الأرض والسماوات.
Ang pagsasalarawan sa mga masasaksihan sa Araw ng Pagbangon, ang pagkabalisa ng mga nilikha, ang pangamba nila, ang kahinaan nila, ang pangingilabot nila, at ang pagpapalit sa lupa at mga langit. info

• وصف شدة العذاب والذل الذي يلحق بأهل المعصية والكفر يوم القيامة.
Ang paglalarawan sa tindi ng pagdurusa at kaabahan na lilipos sa mga alagad ng pagsuway at kawalang-pananampalataya sa Araw ng Pagbangon. info

• أن العبد في سعة من أمره في حياته في الدنيا، فعليه أن يجتهد في الطاعة، فإن الله تعالى لا يتيح له فرصة أخرى إذا بعثه يوم القيامة.
Na ang tao dahil sa lawak ng kalagayan niya sa buhay niya sa Mundo ay kailangan sa kanya na magsikap sa pagtalima sapagkat tunay na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay hindi magbibigay sa kanya ng isa pang pagkakataon kapag binuhay siya sa Araw ng Pagbangon. info