Terjemahan makna Alquran Alkarim - Terjemahan Al-Mukhtaṣar fī Tafsīr Al-Qur`ān Al-Karīm ke bahasa Philipina (Tagalog)

Nomor Halaman:close

external-link copy
54 : 10

وَلَوۡ أَنَّ لِكُلِّ نَفۡسٖ ظَلَمَتۡ مَا فِي ٱلۡأَرۡضِ لَٱفۡتَدَتۡ بِهِۦۗ وَأَسَرُّواْ ٱلنَّدَامَةَ لَمَّا رَأَوُاْ ٱلۡعَذَابَۖ وَقُضِيَ بَيۡنَهُم بِٱلۡقِسۡطِ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ

Kung sakaling taglay ng bawat tagapagtambal kay Allāh ang lahat ng anumang nasa lupa na mga yamang mamahalin ay talaga sanang gagawin niya ito bilang panumbas sa pagkalas niya sa parusa ni Allāh. Ito ay kung sakaling bibigyan siya ng pagkakataon na ipantubos ito. Ikukubli ng mga tagapagtambal ang pagsisisi sa kawalang-pananampalataya nila kapag nakasaksi sila sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon. Maghuhusga si Allāh sa pagitan nila ayon sa katarungan habang sila ay hindi lalabagin sa katarungan. Gagantihan lamang sila ayon sa mga gawa nila. info
التفاسير:

external-link copy
55 : 10

أَلَآ إِنَّ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ أَلَآ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ

Pakaalamin, tunay na sa kay Allāh lamang ang pagmamay-ari ng anumang nasa mga langit at ang pagmamay-ari ng anumang nasa lupa. Pakaalamin, tunay na ang pangako ni Allāh ng pagpaparusa sa mga tagatangging sumampalataya ay magaganap, walang pag-aalangan hinggil doon, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam niyon kaya nagdududa sila. info
التفاسير:

external-link copy
56 : 10

هُوَ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ

Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay bumubuhay sa mga patay at nagbibigay-kamatayan sa mga buhay. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
57 : 10

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ قَدۡ جَآءَتۡكُم مَّوۡعِظَةٞ مِّن رَّبِّكُمۡ وَشِفَآءٞ لِّمَا فِي ٱلصُّدُورِ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٞ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ

O mga tao, dumating nga sa inyo ang Qur'ān na may pagpapaalaala, pagpapaibig, at pagpapangilabot. Ito ay isang lunas sa nasa mga puso na sakit ng pagdududa at pag-aalinlangan, at isang paggabay sa daan ng katotohanan. Dito ay may awa para sa mga mananampalataya sapagkat sila ang mga makikinabang dito. info
التفاسير:

external-link copy
58 : 10

قُلۡ بِفَضۡلِ ٱللَّهِ وَبِرَحۡمَتِهِۦ فَبِذَٰلِكَ فَلۡيَفۡرَحُواْ هُوَ خَيۡرٞ مِّمَّا يَجۡمَعُونَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tao: "Ang inihatid ko sa inyo na Qur'ān ay isang kagandahang-loob mula kay Allāh sa inyo at isang awa mula sa Kanya sa inyo. Kaya sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya sa inyo dahil sa pagpapababa ng Qur'ān na ito ay magalak kayo, hindi sa iba pa sa mga ito sapagkat ang anumang inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – mula sa Panginoon niya ay higit na mabuti kaysa sa iniipon nila na mga panandaliang basura ng Mundo." info
التفاسير:

external-link copy
59 : 10

قُلۡ أَرَءَيۡتُم مَّآ أَنزَلَ ٱللَّهُ لَكُم مِّن رِّزۡقٖ فَجَعَلۡتُم مِّنۡهُ حَرَامٗا وَحَلَٰلٗا قُلۡ ءَآللَّهُ أَذِنَ لَكُمۡۖ أَمۡ عَلَى ٱللَّهِ تَفۡتَرُونَ

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin tungkol sa ipinagmagandang-loob ni Allāh sa inyo na pagpapababa ng panustos, saka may ginawa kayo rito dahil sa mga pithaya ninyo kaya nagpahintulot kayo sa ilan dito at nagbawal kayo sa ilan dito." Sabihin mo sa kanila: "Si Allāh kaya ay pumayag sa inyo sa pagpapahintulot ng ipinahintulot ninyo at pagbabawal sa ipinagbawal ninyo, o na kayo ay lumilikha-likha laban sa Kanya ng kasinungalingan?" info
التفاسير:

external-link copy
60 : 10

وَمَا ظَنُّ ٱلَّذِينَ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَشۡكُرُونَ

Aling bagay ang ipinagpapalagay ng mga lumilikha-likha ng kasinungalingan laban sa Kanya na magaganap sa kanila sa Araw ng Pagbangon? Nagpapalagay ba sila na magpapatawad Siya sa kanila? Malayong mangyari! Tunay na si Allāh ay talagang may pagmamagandang-loob sa mga tao dahil sa pagpapalugit sa kanila at hindi pagmamadali sa kanila sa kaparusahan, subalit ang higit na marami sa kanila ay mga nagkakaila sa mga biyaya ni Allāh sa kanila kaya hindi sila nagpapasalamat sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
61 : 10

وَمَا تَكُونُ فِي شَأۡنٖ وَمَا تَتۡلُواْ مِنۡهُ مِن قُرۡءَانٖ وَلَا تَعۡمَلُونَ مِنۡ عَمَلٍ إِلَّا كُنَّا عَلَيۡكُمۡ شُهُودًا إِذۡ تُفِيضُونَ فِيهِۚ وَمَا يَعۡزُبُ عَن رَّبِّكَ مِن مِّثۡقَالِ ذَرَّةٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِي ٱلسَّمَآءِ وَلَآ أَصۡغَرَ مِن ذَٰلِكَ وَلَآ أَكۡبَرَ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مُّبِينٍ

Hindi ka, O Sugo, nasa isang kalagayan kabilang sa mga kalagayan, hindi ka bumibigkas ng isang bahagi ng Qur’ān, at hindi kayo gumagawa, O mga mananampalataya, ng anumang gawain malibang Kami ay nakakikita sa inyo habang nakaaalam sa inyo at nakaririnig sa inyo kapag nagsisimula kayo sa paggawa, na mga nagsisigasig dito. Walang naililingid sa kaalaman ng Panginoon mo na kasimbigat ng isang maliit na langgam sa langit o sa lupa, ni higit na maliit kaysa sa timbang niyon ni higit na malaki, malibang iyon ay nakatala sa isang talaang maliwanag, na hindi nag-iiwan ng maliit ni malaki malibang binibilang nito. info
التفاسير:
Beberapa Faedah Ayat-ayat di Halaman Ini:
• عظم ما ينتظر المشركين بالله من عذاب، حتى إنهم يتمنون دفعه بكل ما في الأرض، ولن يُقْبلَ منهم.
Ang bigat ng naghihintay na pagdurusa sa mga tagapagtambal kay Allāh hanggang sa tunay na sila ay nagmimithing bayaran iyon ng lahat ng nasa lupa ngunit hindi tatanggapin ito mula sa kanila. info

• القرآن شفاء للمؤمنين من أمراض الشهوات وأمراض الشبهات بما فيه من الهدايات والدلائل العقلية والنقلية.
Ang Qur'ān ay lunas para sa mga mananampalataya mula sa mga sakit ng mga pagnanasa at mga sakit ng mga maling akala dahil sa taglay nito na mga kapatnubayan at mga patunay na pang-isip at ipinarating. info

• ينبغي للمؤمن أن يفرح بنعمة الإسلام والإيمان دون غيرهما من حطام الدنيا.
Nararapat para sa mananampalataya na matuwa siya sa biyaya ng Islām at Pananampalataya, hindi sa iba pa sa mga ito kabilang sa mga basura ng Mundo. info

• دقة مراقبة الله لعباده وأعمالهم وخواطرهم ونياتهم.
Ang kawastuhan ng pagmamasid ni Allāh sa mga lingkod Niya, mga gawain nila, mga iniisip nila, at mga layunin nila. info