કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપિની (ટાગાલોગ) ભાષામાં અલ્ મુખ્તસર ફી તફસીરિલ્ કુરઆનિલ્ કરીમ કિતાબનું અનુવાદ

પેજ નંબર:close

external-link copy
15 : 46

وَوَصَّيۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ بِوَٰلِدَيۡهِ إِحۡسَٰنًاۖ حَمَلَتۡهُ أُمُّهُۥ كُرۡهٗا وَوَضَعَتۡهُ كُرۡهٗاۖ وَحَمۡلُهُۥ وَفِصَٰلُهُۥ ثَلَٰثُونَ شَهۡرًاۚ حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ أَشُدَّهُۥ وَبَلَغَ أَرۡبَعِينَ سَنَةٗ قَالَ رَبِّ أَوۡزِعۡنِيٓ أَنۡ أَشۡكُرَ نِعۡمَتَكَ ٱلَّتِيٓ أَنۡعَمۡتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَٰلِدَيَّ وَأَنۡ أَعۡمَلَ صَٰلِحٗا تَرۡضَىٰهُ وَأَصۡلِحۡ لِي فِي ذُرِّيَّتِيٓۖ إِنِّي تُبۡتُ إِلَيۡكَ وَإِنِّي مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ

Nag-utos Kami sa tao ng isang utos na binigyang-diin: na gumawa siya ng maganda sa mga magulang niya sa pamamagitan ng pagpapakabuti sa kanilang dalawa sa buhay nilang dalawa at matapos ng kamatayan nilang dalawa, sa pamamagitan ng anumang walang pagsalungat sa Batas ng Islām, lalo na sa ina niya na nagdalang-tao sa kanya sa hirap at nagsilang sa kanya nito sa hirap. Ang yugto ng pagdadalang-tao sa kanya na ang haba nito at ang simula ng pag-awat sa kanya ay tatlumpong buwan. Hanggang sa nang umabot siya sa pagkalubos ng mga kalakasan niyang pangkaisipan at pangkatawan at umabot siya sa apatnapung taong gulang ay nagsabi siya: "Panginoon ko, ibuyo Mo ako na magpasalamat ako sa biyaya Mo na ibiniyaya Mo sa akin at sa mga magulang ko, ibuyo Mo ako na gumawa ako ng gawang maayos na kalulugdan Mo, tanggapin Mo ito mula sa akin, at magsaayos Ka para sa akin ng mga supling ko; tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Iyo mula sa mga pagkakasala ko at tunay na ako ay kabilang sa mga nagpapaakay sa pagtalima sa iyo, na mga sumusuko sa mga utos Mo." info
التفاسير:

external-link copy
16 : 46

أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ نَتَقَبَّلُ عَنۡهُمۡ أَحۡسَنَ مَا عَمِلُواْ وَنَتَجَاوَزُ عَن سَيِّـَٔاتِهِمۡ فِيٓ أَصۡحَٰبِ ٱلۡجَنَّةِۖ وَعۡدَ ٱلصِّدۡقِ ٱلَّذِي كَانُواْ يُوعَدُونَ

Ang mga iyon ay ang mga tatanggap Kami buhat sa kanila ng pinakamaganda sa ginawa nila na mga gawaing maayos at magpapalampas Kami sa mga masagwang gawa nila kaya hindi kami maninisi sa kanila dahil sa mga ito. Sila ay nasa kabuuan ng mga maninirahan sa Paraiso. Ang pangakong ito na ipinangako sa kanila ay isang pangako ng katapatan na magkakatotoo nang walang pasubali. info
التفاسير:

external-link copy
17 : 46

وَٱلَّذِي قَالَ لِوَٰلِدَيۡهِ أُفّٖ لَّكُمَآ أَتَعِدَانِنِيٓ أَنۡ أُخۡرَجَ وَقَدۡ خَلَتِ ٱلۡقُرُونُ مِن قَبۡلِي وَهُمَا يَسۡتَغِيثَانِ ٱللَّهَ وَيۡلَكَ ءَامِنۡ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ فَيَقُولُ مَا هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ

Ang nagsabi sa mga magulang niya: "Buwisit kayong dalawa! Nangangako ba kayong dalawa sa akin na palabasin ako mula sa libingan ko na isang buhay matapos ng kamatayan ko gayong lumipas na ang maraming salinlahi at namatay ang mga tao sa mga iyon ngunit walang binuhay na muli na isa man kabilang sa kanila?" Ang mga magulang niya naman ay humihingi ng saklolo mula kay Allāh na patnubayan ang anak nilang dalawa sa pananampalataya samantalang nagsasabi silang dalawa sa anak nila: "Kapahamakan ay ukol sa iyo; kung hindi ka sumampalataya sa pagbubuhay, sampalatayanan mo ito! Tunay na ang pangako ni Allāh na pagbubuhay ay totoo, walang pag-aalinlangan dito." Ngunit magsasabi siya habang nag-uulit ng pagkakaila niya sa pagbubuhay: "Walang iba itong sinasabi tungkol sa pagbubuhay kundi isang ipinarating mula sa mga aklat ng mga naunang tao at isinatitik nila, na hindi napatutunayang buhat kay Allāh." info
التفاسير:

external-link copy
18 : 46

أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ حَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَوۡلُ فِيٓ أُمَمٖ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِم مِّنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ خَٰسِرِينَ

Ang mga iyon ay ang mga kinailangan para sa kanila ang pagdurusa sa kabuuan ng mga kalipunan bago pa nila, kabilang sa jinn at tao. Tunay na sila ay naging mga lugi yayamang nagpalugi sila ng mga sarili nila at mga mag-anak nila dahil sa pagpasok nila sa Apoy. info
التفاسير:

external-link copy
19 : 46

وَلِكُلّٖ دَرَجَٰتٞ مِّمَّا عَمِلُواْۖ وَلِيُوَفِّيَهُمۡ أَعۡمَٰلَهُمۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ

Para sa kapwa pangkat, ang pangkat ng Hardin at ang pangkat ng Liyab, ay may mga baytang alinsunod sa mga gawain nila. Ang mga baytang ng mga maninirahan sa Hardin ay mga antas na mataas at ang mga baytang ng mga maninirahan sa Apoy ay mga kababaang mababa, at upang tumumbas sa kanila si Allāh ng ganti sa mga gawa nila habang sila ay hindi nilalabag sa katarungan sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nila ni sa pagdagdag sa mga masagwang gawa nila. info
التفاسير:

external-link copy
20 : 46

وَيَوۡمَ يُعۡرَضُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَلَى ٱلنَّارِ أَذۡهَبۡتُمۡ طَيِّبَٰتِكُمۡ فِي حَيَاتِكُمُ ٱلدُّنۡيَا وَٱسۡتَمۡتَعۡتُم بِهَا فَٱلۡيَوۡمَ تُجۡزَوۡنَ عَذَابَ ٱلۡهُونِ بِمَا كُنتُمۡ تَسۡتَكۡبِرُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَبِمَا كُنتُمۡ تَفۡسُقُونَ

Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga sugo Niya upang pagdusahin doon at sasabihin sa kanila bilang paninisi sa kanila at panunumbat: "Nag-alis kayo ng mga kaaya-aya ninyo sa buhay ninyo na Mundo at nagtamasa kayo roon ng mga minamasarap. Kaya tungkol naman sa araw na ito, gagantihan kayo ng pagdurusa na manghahamak sa inyo at mang-aaba sa inyo dahilan sa pagpapakamalaki ninyo sa lupa nang walang karapatan at dahilan sa paglabas ninyo sa pagtalima kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway." info
التفاسير:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• بيان مكانة بِرِّ الوالدين في الإسلام، بخاصة في حق الأم، والتحذير من العقوق.
Ang paglilinaw sa kalagayan ng pagpapakabuti sa mga magulang sa Islām, lalo na sa panig ng ina, at ang pagbabala laban sa kasutilan [sa mga magulang]. info

• بيان خطر التوسع في ملاذّ الدنيا؛ لأنها تشغل عن الآخرة.
Ang paglilinaw sa panganib ng pagpapalawak sa mga minamasarap sa Mundo dahil ang mga ito ay nakaaabala palayo sa Kabilang-buhay. info

• بيان الوعيد الشديد لأصحاب الكبر والفسوق.
Ang paglilinaw sa matinding banta para sa mga sangkot sa pagmamalaki at kasuwailan. info