કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપિની (ટાગાલોગ) ભાષામાં અલ્ મુખ્તસર ફી તફસીરિલ્ કુરઆનિલ્ કરીમ કિતાબનું અનુવાદ

પેજ નંબર:close

external-link copy
128 : 4

وَإِنِ ٱمۡرَأَةٌ خَافَتۡ مِنۢ بَعۡلِهَا نُشُوزًا أَوۡ إِعۡرَاضٗا فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡهِمَآ أَن يُصۡلِحَا بَيۡنَهُمَا صُلۡحٗاۚ وَٱلصُّلۡحُ خَيۡرٞۗ وَأُحۡضِرَتِ ٱلۡأَنفُسُ ٱلشُّحَّۚ وَإِن تُحۡسِنُواْ وَتَتَّقُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٗا

Kung nangamba ang isang babae mula sa asawa niya ng pagkapalalo sa kanya at kawalan ng pagkaibig sa kanya, walang kasalanan sa kanilang dalawa na magkasunduan silang dalawa sa pamamagitan ng pagpapaubaya sa ilan sa mga karapatang kinakailangan para sa babae gaya ng karapatan sa sustento at oras sa gabi. Ang pagkakasundo rito ay higit na mabuti para sa kanilang dalawa kaysa sa diborsiyo. Nilalang nga ang mga kaluluwa sa kalikasan ng karamutan at kasibaan kaya hindi nakaiibig ang mga ito sa pagpapaubaya sa anumang karapatang mayroon ang mga ito. Kaya nararapat sa mag-asawa ang paglunas sa ugaling ito sa pamamagitan ng paghuhubog sa kaluluwa sa pagbibigayan at paggawa ng maganda. Kung gagawa kayo ng maganda sa lahat ng mga pumapatungkol sa inyo at mangingilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman. Gaganti Siya sa inyo dahil dito. info
التفاسير:

external-link copy
129 : 4

وَلَن تَسۡتَطِيعُوٓاْ أَن تَعۡدِلُواْ بَيۡنَ ٱلنِّسَآءِ وَلَوۡ حَرَصۡتُمۡۖ فَلَا تَمِيلُواْ كُلَّ ٱلۡمَيۡلِ فَتَذَرُوهَا كَٱلۡمُعَلَّقَةِۚ وَإِن تُصۡلِحُواْ وَتَتَّقُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا

Hindi kayo makakakaya, O mga asawa, na magkaloob ng lubos na katarungan sa mga maybahay kaugnay sa pagkiling pampuso kahit pa nagsigasig kayo roon dahilan sa mga bagay-bagay na marahil ay labas sa pagnanais ninyo. Kaya huwag kayong kumiling nang buong pagkiling palayo sa hindi ninyo iniibig para maiwan ninyo ito tulad ng nakabitin [sa alanganin]: hindi ito may asawang nagtataguyod sa karapatan nito at hindi naman walang asawa para magmithi ito ng pag-aasawa. Kung magsasaayos kayo sa pagitan ninyo sa pamamagitan ng paghimok sa mga sarili ninyo sa hindi ninyo pinipithaya na pagtataguyod sa karapatan ng maybahay, at mangingilag kayong magkasala kay Allāh kaugnay sa maybahay, tunay na si Allāh ay laging Mapagpatawad, Maawain sa inyo. info
التفاسير:

external-link copy
130 : 4

وَإِن يَتَفَرَّقَا يُغۡنِ ٱللَّهُ كُلّٗا مِّن سَعَتِهِۦۚ وَكَانَ ٱللَّهُ وَٰسِعًا حَكِيمٗا

Kung magkakahiwalay ang mag-asawa dahil sa isang ṭalāq (diborsiyo mula sa asawa) o isang khul` (pakikipaghiwalay mula sa maybahay), magbibigay-kasapatan si Allāh sa bawat isa sa kanilang dalawa mula sa malawak na kabutihang-loob Niya. Laging si Allāh ay Malawak ang kabutihang-loob at ang awa, Marunong sa pangangasiwa Niya at pagtatakda Niya.
info
التفاسير:

external-link copy
131 : 4

وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَلَقَدۡ وَصَّيۡنَا ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِكُمۡ وَإِيَّاكُمۡ أَنِ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ وَإِن تَكۡفُرُواْ فَإِنَّ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَنِيًّا حَمِيدٗا

Sa kay Allāh – tanging sa Kanya – ang pagmamay-ari sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa, at ang pagmamay-ari sa anumang nasa pagitan ng mga ito. Talaga ngang naghabilin si Allāh sa mga May Kasulatan na mga Hudyo at mga Kristiyano, at naghabilin Siya sa inyo ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Kung tatanggi kayong sumampalataya sa tagubiling ito ay hindi kayo makapipinsala maliban sa mga sarili ninyo sapagkat si Allāh ay Walang-pangangailangan sa pagtalima ninyo sapagkat sa Kanya ang pagmamay-ari sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa. Siya ay ang Walang-pangangailangan sa lahat ng nilikha Niya, ang Pinapupurihan dahil sa lahat ng mga katangian Niya at mga gawa Niya. info
التفاسير:

external-link copy
132 : 4

وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلًا

Sa kay Allāh – tanging sa Kanya – ang pagmamay-ari sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa, ang karapat-dapat na talimain. Nakasapat na si Allāh bilang tagapagsagawa ng pangangasiwa sa lahat ng mga nauukol sa nilikha Niya. info
التفاسير:

external-link copy
133 : 4

إِن يَشَأۡ يُذۡهِبۡكُمۡ أَيُّهَا ٱلنَّاسُ وَيَأۡتِ بِـَٔاخَرِينَۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ ذَٰلِكَ قَدِيرٗا

Kung loloobin Niya, lilipulin Niya kayo, O mga tao, at magdadala Siya ng mga iba pa sa inyo, na tatalima kay Allāh at hindi susuway sa Kanya. Laging si Allāh sa gayon ay May-kakayahan. info
التفاسير:

external-link copy
134 : 4

مَّن كَانَ يُرِيدُ ثَوَابَ ٱلدُّنۡيَا فَعِندَ ٱللَّهِ ثَوَابُ ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ سَمِيعَۢا بَصِيرٗا

Ang sinumang kabilang sa inyo, O mga tao, na nagnanais dahil sa gawa niya ng gantimpala sa Mundo lamang, alamin niya na nasa ganang kay Allāh ang gantimpala sa Mundo at Kabilang-buhay, kaya humiling siya ng gantimpala ng dalawang ito mula sa Kanya. Laging si Allāh ay Madinigin sa mga sabi ninyo, Nakakikita sa mga gawa ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito. info
التفاسير:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• استحباب المصالحة بين الزوجين عند المنازعة، وتغليب المصلحة بالتنازل عن بعض الحقوق إدامة لعقد الزوجية.
Ang pagkakaibig-ibig ng pakikipag-ayusan sa pagitan ng mag-asawa sa sandali ng sigalutan, ng pagpapanaig sa kapakanan sa pamamagitan ng pagpapaubaya sa ilan sa mga karapatan, at ng pagpapamalagi sa bigkis ng kasal. info

• أوجب الله تعالى العدل بين الزوجات خاصة في الأمور المادية التي هي في مقدور الأزواج، وتسامح الشرع حين يتعذر العدل في الأمور المعنوية، كالحب والميل القلبي.
Nag-obliga si Allāh – pagkataas-taas Siya – ng katarungan sa pagitan ng mga maybahay lalo na sa mga bagay-bagay na materyal na nasa nakakaya ng mga asawa. Nagpaluwag ang Batas ng Islām kapag nagiging imposible ang katarungan sa mga bagay-bagay na hindi materyal gaya ng pag-ibig at pagkiling ng puso. info

• لا حرج على الزوجين في الفراق إذا تعذرت العِشْرة بينهما.
Walang maisisisi sa mag-asawa sa pakikipaghiwalayan kapag naging imposible ang pagtutugmaan sa pagitan nilang dalawa. info

• الوصية الجامعة للخلق جميعًا أولهم وآخرهم هي الأمر بتقوى الله تعالى بامتثال الأوامر واجتناب النواهي.
Ang habiling sumasaklaw para sa nilikha sa kalahatan, sa kauna-unahan sa kanila at kahuli-hulihan sa kanila, ay ang pag-uutos ng pangingilag sa pagkakasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. info