કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપિની (ટાગાલોગ) ભાષામાં અલ્ મુખ્તસર ફી તફસીરિલ્ કુરઆનિલ્ કરીમ કિતાબનું અનુવાદ

પેજ નંબર:close

external-link copy
166 : 3

وَمَآ أَصَٰبَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡتَقَى ٱلۡجَمۡعَانِ فَبِإِذۡنِ ٱللَّهِ وَلِيَعۡلَمَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Ang nangyari sa inyo na pagkapatay, pagkasugat, at pagkatalo sa Araw ng Uḥud nang nagkita-kita ang bukluran ninyo at ang bukluran ng mga tagapagtambal, iyon ay ayon sa pahintulot ni Allāh at pagtatakda Niya dahil sa isang malalim na kasanhian upang lumitaw ang mga mananampalatayang tapat. info
التفاسير:

external-link copy
167 : 3

وَلِيَعۡلَمَ ٱلَّذِينَ نَافَقُواْۚ وَقِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ قَٰتِلُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ أَوِ ٱدۡفَعُواْۖ قَالُواْ لَوۡ نَعۡلَمُ قِتَالٗا لَّٱتَّبَعۡنَٰكُمۡۗ هُمۡ لِلۡكُفۡرِ يَوۡمَئِذٍ أَقۡرَبُ مِنۡهُمۡ لِلۡإِيمَٰنِۚ يَقُولُونَ بِأَفۡوَٰهِهِم مَّا لَيۡسَ فِي قُلُوبِهِمۡۚ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا يَكۡتُمُونَ

[Hayaang] lumitaw ang mga mapagpaimbabaw, na noong sinabi sa kanila: "Makipaglaban kayo sa landas ni Allāh o magtanggol kayo sa pamamagitan ng pagpaparami ninyo sa masa ng mga Muslim" ay nagsabi sila: "Kung sakaling nalalaman namin na may mangyayaring labanan ay talaga sanang sumunod kami sa inyo subalit kami ay hindi nakakikita na may mangyayari sa pagitan ninyo at ng mga tao na isang labanan." Sila, sa kalagayan nila sa sandaling iyon, ay higit na malapit sa nagpapatunay sa kawalang-pananampalataya nila kaysa sa nagpapatunay sa pananampalataya nila. Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga dila nila ng wala sa mga puso nila. Si Allāh ay higit na maalam sa anumang kinikimkim nila sa mga dibdib nila at magpaparusa sa kanila dahil doon.
info
التفاسير:

external-link copy
168 : 3

ٱلَّذِينَ قَالُواْ لِإِخۡوَٰنِهِمۡ وَقَعَدُواْ لَوۡ أَطَاعُونَا مَا قُتِلُواْۗ قُلۡ فَٱدۡرَءُواْ عَنۡ أَنفُسِكُمُ ٱلۡمَوۡتَ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

[Sila] ang mga nagpaiwan sa pakikipaglaban at nagsabi sa mga kaanak nila na nasalanta sa Araw ng Uḥud: "Kung sakaling sila ay tumalima sa amin at hindi sila pumunta sa pakikipaglaban ay hindi sana sila napatay." Sabihin mo, O Propeta bilang tugon sa kanila: "Kaya itulak ninyo palayo sa mga sarili ninyo ang kamatayan kapag bumaba sa inyo, kung kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyo na sila raw, kung sakaling tumalima sa inyo, ay hindi sana napatay at na ang dahilan ng pagkaligtas ninyo mula sa kamatayan ay ang pananatili palayo sa pakikibaka sa landas ni Allāh." info
التفاسير:

external-link copy
169 : 3

وَلَا تَحۡسَبَنَّ ٱلَّذِينَ قُتِلُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ أَمۡوَٰتَۢاۚ بَلۡ أَحۡيَآءٌ عِندَ رَبِّهِمۡ يُرۡزَقُونَ

Huwag ka ngang magpalagay, O Propeta, na ang mga pinatay sa pakikibaka sa landas ni Allāh ay mga patay, bagkus sila ay mga buhay ayon sa buhay na natatangi sa piling ng Panginoon nila sa Tahanan ng Kaalwanan Niya, na tinutustusan ng mga uri ng kaginhawahan na walang nakaaalam kundi si Allāh. info
التفاسير:

external-link copy
170 : 3

فَرِحِينَ بِمَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦ وَيَسۡتَبۡشِرُونَ بِٱلَّذِينَ لَمۡ يَلۡحَقُواْ بِهِم مِّنۡ خَلۡفِهِمۡ أَلَّا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ

Pumuspos sa kanila ang kaligayahan at lumipos sa kanila ang tuwa dahil nagmagandang-loob si Allāh sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya. Umaasa sila, at naghihintay sila na susunod sa kanila ang mga kapatid nilang nanatili sa Mundo, na kung ang mga ito ay napatay sa pakikibaka ay magtatamo ng kabutihang-loob tulad nila. Walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila na nauukol sa Kabilang-buhay ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila na mga suwerte sa Mundo. info
التفاسير:

external-link copy
171 : 3

۞ يَسۡتَبۡشِرُونَ بِنِعۡمَةٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَفَضۡلٖ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ

Matutuwa sila kasama nito sa malaking gantimpalang naghihintay sa kanila mula kay Allāh at sa isang malaking karagdagan sa gantimpala, at na Siya – pagkataas-taas Siya – ay hindi magpapawalang-saysay sa pabuya sa mga mananampalataya, bagkus maglulubos Siya sa kanila sa mga pabuya sa kanila nang buo at magdaragdag Siya sa kanila sa mga ito. info
التفاسير:

external-link copy
172 : 3

ٱلَّذِينَ ٱسۡتَجَابُواْ لِلَّهِ وَٱلرَّسُولِ مِنۢ بَعۡدِ مَآ أَصَابَهُمُ ٱلۡقَرۡحُۚ لِلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ مِنۡهُمۡ وَٱتَّقَوۡاْ أَجۡرٌ عَظِيمٌ

[Sila] ang mga tumugon sa utos ni Allāh at ng Sugo Niya nang inanyayahan sila sa pagpunta sa pakikipaglaban sa landas ni Allāh at pakikipagkita sa mga tagapagtambal sa pagsugod sa "Pula ng Leyon" na sumunod sa Uḥud matapos na sumalanta sa kanila ang mga sugat sa Araw ng Uḥud. Hindi pumigil sa kanila ang mga sugat nila sa pagtugon sa panawagan ni Allāh at ng Sugo Niya. Ukol sa mga gumawa ng maganda kabilang sa kanila sa mga gawain nila at nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay isang pabuyang sukdulan mula kay Allāh, ang Paraiso. info
التفاسير:

external-link copy
173 : 3

ٱلَّذِينَ قَالَ لَهُمُ ٱلنَّاسُ إِنَّ ٱلنَّاسَ قَدۡ جَمَعُواْ لَكُمۡ فَٱخۡشَوۡهُمۡ فَزَادَهُمۡ إِيمَٰنٗا وَقَالُواْ حَسۡبُنَا ٱللَّهُ وَنِعۡمَ ٱلۡوَكِيلُ

[Sila] ang mga sinabihan ng mga tagapagtambal: "Tunay na ang Liping Quraysh sa pamumuno ni Abū Sufyān ay nagtipon nga sa inyo ng maraming pulutong para sa pakikipaglaban sa inyo at paglipol sa inyo kaya mag-ingat kayo sa kanila at mangilag kayo sa pakikipagkita sa kanila." Ngunit nakadagdag sa kanila ang pananalita at ang pagpapangambang ito ng paniniwala kay Allāh at tiwala sa pangako Niya kaya pumunta sila sa pakikipagharap sa mga iyon habang sila ay nagsasabi: "Nakasasapat sa amin si Allāh – pagkataas-taas Siya – at Siya ay kay inam na pagpapaubayaan namin ng nauukol sa amin." info
التفاسير:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• من سنن الله تعالى أن يبتلي عباده؛ ليتميز المؤمن الحق من المنافق، وليعلم الصادق من الكاذب.
Bahagi ng mga kalakaran ni Allāh – pagkataas-taas Siya – na sumubok sa mga lingkod Niya upang mapagkilanlan ang totoong mananampalataya sa mapagpaimbabaw at upang malaman ang tapat sa sinungaling. info

• عظم منزلة الجهاد والشهادة في سبيل الله وثواب أهله عند الله تعالى حيث ينزلهم الله تعالى بأعلى المنازل.
Ang kadakilaan ng kalagayan ng pakikibaka at pagkamartir sa landas ni Allāh at ang gantimpala ng mga nakagawa nito sa ganang kay Allāh – pagkataas-taas Siya – yayamang magpapatuloy sa kanila si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pinakamataas na mga tuluyan. info

• فضل الصحابة وبيان علو منزلتهم في الدنيا والآخرة؛ لما بذلوه من أنفسهم وأموالهم في سبيل الله تعالى.
Ang kalamangan ng mga Kasamahan at ang paglilinaw sa kataasan ng kalagayan nila sa Mundo at Kabilang-buhay dahil nagkaloob sila ng mga sarili nila at mga yaman nila sa landas ni Allāh – pagkataas-taas Siya. info