કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપિની (ટાગાલોગ) ભાષામાં અલ્ મુખ્તસર ફી તફસીરિલ્ કુરઆનિલ્ કરીમ કિતાબનું અનુવાદ

પેજ નંબર:close

external-link copy
73 : 16

وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَمۡلِكُ لَهُمۡ رِزۡقٗا مِّنَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ شَيۡـٔٗا وَلَا يَسۡتَطِيعُونَ

Sumasamba ang mga tagapagtambal na ito bukod pa kay Allāh ng mga anitong hindi nakagagawa na tumustos sa kanila ng alinmang panustos mula sa mga langit ni mula sa lupa at hindi naisasakatuparan mula sa mga iyan na makagawa niyon, dahil ang mga iyan ay mga materyal na walang buhay at walang kaalaman. info
التفاسير:

external-link copy
74 : 16

فَلَا تَضۡرِبُواْ لِلَّهِ ٱلۡأَمۡثَالَۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ وَأَنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ

Kaya huwag kayong gumawa, O mga tao, para kay Allāh ng mga wangis kabilang sa mga anitong ito na hindi nakapagpapakinabang ni nakapipinsala sapagkat si Allāh ay walang kawangis upang magtambal kayo nito kasama sa Kanya sa pagsamba. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang taglay Niya na mga katangian ng kapitaganan at kalubusan samantalang kayo ay hindi nakaaalam niyon, saka nasasadlak kayo sa pagtatambal sa Kanya at sa pag-aangkin ng pagtutulad sa Kanya sa mga anito ninyo. info
التفاسير:

external-link copy
75 : 16

۞ ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلًا عَبۡدٗا مَّمۡلُوكٗا لَّا يَقۡدِرُ عَلَىٰ شَيۡءٖ وَمَن رَّزَقۡنَٰهُ مِنَّا رِزۡقًا حَسَنٗا فَهُوَ يُنفِقُ مِنۡهُ سِرّٗا وَجَهۡرًاۖ هَلۡ يَسۡتَوُۥنَۚ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ

Naglahad si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng isang paghahalimbawa para sa pagtugon sa mga tagapagtambal: May isang aliping pinagmamay-ari na walang-kakayahan sa pagpapasya, na walang naigugugol; at may isang malayang binigyan Namin mula sa taglay Namin ng isang yamang ipinahihintulot, na nakapagpapasya siya rito ng anumang niloloob niya kaya siya ay nagkakaloob mula rito nang patago at hayag ng anumang niloloob niya. Kaya naman hindi nagkakapantay ang dalawang taong ito. Kaya papaano kayong nagpapantay sa pagitan ni Allāh, ang tagapagmay-ari at ang tagapagsagawa sa kaharian Niya ng anumang niloloob Niya, at ng mga anito ninyong walang-kakayahan? Ang pagbubunyi ay ukol kay Allāh, ang karapat-dapat sa pagbubunyi. Bagkus ang higit na marami sa mga tagapagtambal ay hindi nakaaalam sa pamumukod-tangi ni Allāh sa pagkadiyos at pagkakarapat-dapat na sambahin Siya lamang. info
التفاسير:

external-link copy
76 : 16

وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا رَّجُلَيۡنِ أَحَدُهُمَآ أَبۡكَمُ لَا يَقۡدِرُ عَلَىٰ شَيۡءٖ وَهُوَ كَلٌّ عَلَىٰ مَوۡلَىٰهُ أَيۡنَمَا يُوَجِّههُّ لَا يَأۡتِ بِخَيۡرٍ هَلۡ يَسۡتَوِي هُوَ وَمَن يَأۡمُرُ بِٱلۡعَدۡلِ وَهُوَ عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ

Naglahad si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng isa pang paghahalintulad para sa pagtugon sa kanila. Ito ay paghahalintulad sa dalawang lalaki na ang isa sa dalawa sa kanila ay pipi na hindi nakaririnig ni nakabibigkas ni nakaiintindi dahil sa pagkabingi niya at pagkapipi niya, na walang-kakayahan sa pagpapakinabang sa sarili niya at sa pagpapakinabang sa iba pa sa kanya. Siya ay isang pasaning mabigat sa sinumang nagtataguyod sa kanya at tumatangkilik sa nauukol sa kanya at saanmang dako magpadala ito sa kanya ay hindi siya nakagagawa ng isang kabutihan at hindi siya nagtatamo ng isang hinihiling. Pumapantay ba ang sinumang ganito ang kalagayan niya sa sinumang maayos ang pandinig at ang pagbigkas, na ang pakinabang nito ay nakararating sa iba sapagkat ito ay nag-uutos sa mga tao ayon sa katarungan habang ito ay matuwid sa sarili nito sapagkat ito ay nasa isang daang maliwanag na walang pagkalito roon ni kabaluktutan? Kaya papaanong nagpapantay kayo, O mga tagapagtambal, sa pagitan ni Allāh, na nailalarawan sa mga katangian ng kapitaganan at kalubusan, at ng mga anito ninyong hindi dumidinig ni bumibigkas ni nagdudulot ng pakinabang ni pumapawi ng pinsala? info
التفاسير:

external-link copy
77 : 16

وَلِلَّهِ غَيۡبُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَمَآ أَمۡرُ ٱلسَّاعَةِ إِلَّا كَلَمۡحِ ٱلۡبَصَرِ أَوۡ هُوَ أَقۡرَبُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

Ukol kay Allāh ang kaalaman sa anumang nakalingid sa mga langit at ang kaalaman sa anumang nakalingid sa lupa sapagkat Siya ay ang natatangi sa kaalaman niyon, hindi ang isa man kabilang sa nilikha Niya. Walang iba ang lagay ng Araw ng Pagbangon, na kabilang sa mga lingid na natatangi sa Kanya, sa bilis ng pagdating nito kapag nagnais Siya nito kundi tulad ng isang pagpinid ng talukap ng mata at pagbukas nito, bagkus higit na mabilis kaysa roon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman. Kapag nagnais Siya ng isang bagay ay nagsasabi Siya rito na mangyari saka mangyayari ito. info
التفاسير:

external-link copy
78 : 16

وَٱللَّهُ أَخۡرَجَكُم مِّنۢ بُطُونِ أُمَّهَٰتِكُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ شَيۡـٔٗا وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

Si Allāh ay nagpalabas sa inyo, O mga tao, mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo matapos ng pagwawakas ng panahon ng pagbubuntis bilang mga batang walang natatalos na anuman, at gumawa para sa inyo ng pandinig upang duminig kayo sa pamamagitan nito, ng mga paningin upang tumingin kayo sa pamamagitan ng mga ito, at ng mga puso upang makapag-unawa kayo sa pamamagitan ng mga ito, sa pag-asang magpasalamat kayo sa ibiniyaya Niya sa inyo mula sa mga iyon. info
التفاسير:

external-link copy
79 : 16

أَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَى ٱلطَّيۡرِ مُسَخَّرَٰتٖ فِي جَوِّ ٱلسَّمَآءِ مَا يُمۡسِكُهُنَّ إِلَّا ٱللَّهُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ

Hindi ba tumingin ang mga tagapagtambal sa mga ibon habang mga pinasunud-sunuran at mga inihanda sa paglipad sa hangin dahil sa ipinagkaloob sa mga ito ni Allāh na mga pakpak at kanipisan sa hangin? Nagpahiwatig Siya sa mga ito ng pagtiklop ng mga pakpak ng mga ito at pagladlad sa mga ito. Walang humahawak sa mga ito sa hangin laban sa pagkalaglag kundi si Allāh, ang Nakakakaya. Tunay na sa pagpapasunud-sunuran at paghawak na iyon laban sa pagkalaglag ay talagang may mga katunayan para sa mga taong sumasampalataya kay Allāh dahil sila ang nakikinabang sa mga katunayan at mga isinasaalang-alang. info
التفاسير:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• لله تعالى الحكمة البالغة في قسمة الأرزاق بين العباد، إذ جعل منهم الغني والفقير والمتوسط؛ ليتكامل الكون، ويتعايش الناس، ويخدم بعضهم بعضًا.
Sa kay Allāh ang kasanhiang malalim sa paghahati ng mga panustos sa pagitan ng mga tao yayamang ginawa Niya kabilang sa kanila ang mayaman, ang maralita, at ang katamtaman upang magkalubusan ang Sansinukob, magkapamuhayan ang mga tao, at maglingkod ang isa't isa sa kanila. info

• دَلَّ المثلان في الآيات على ضلالة المشركين وبطلان عبادة الأصنام؛ لأن شأن الإله المعبود أن يكون مالكًا قادرًا على التصرف في الأشياء، وعلى نفع غيره ممن يعبدونه، وعلى الأمر بالخير والعدل.
Nagpatunay ang dalawang paghahalintulad sa mga talata ng Qur'ān sa kaligawan ng mga tagapagtambal at kawalang-kabuluhan ng pagsamba sa mga anito dahil ang nauukol sa diyos na sinasamba ay maging tagapagmay-aring nakakakaya sa pagpapalakad sa mga bagay, sa pagpapakinabang sa iba pa sa Kanya kabilang sa mga sumasamba sa Kanya, at sa pag-uutos ng kabutihan at katarungan. info

• من نعمه تعالى ومن مظاهر قدرته خلق الناس من بطون أمهاتهم لا علم لهم بشيء، ثم تزويدهم بوسائل المعرفة والعلم، وهي السمع والأبصار والأفئدة، فبها يعلمون ويدركون.
Kabilang sa mga biyaya Niya at mga kahayagan ng kakayahan Niya ay ang paglikha sa mga tao mula sa mga tiyan ng mga ina nila nang wala silang kaalaman sa anuman, pagkatapos ang pagpapabaon sa kanila ng mga kaparaanan ng pagkilala at pag-alam. Ang mga ito ay ang pandinig, ang mga paningin, at ang mga puso sapagkat sa pamamagitan ng mga ito nakaaalam sila at nakatatalos sila. info